06

1.2K 81 64
                                    

I wander my vision around Miss Brooke’s space, like before, her room still feel like home. Home where I belong with the familiar artworks plastered on the walls, each paintings were placed beside a flower pot and decorated lilac vines. A sudden push of nostalgia succumbed my inner-art-hoe. Even the dirty newspapers beneath the empty canvas made my heart ache and burst into tiny bits.

Dinaanan ko ng tingin ang mga ka-grupo, iniignora ang pakiramdam.

"Kompleto na ba tayo?"

"Hindi pa. May kulang na isa," Lila replied with her usual lazy expression.

Nakabilog ang formation ng grupo namin. Sa gitna ay ang isang malaking canvas na naka-wrapper pa. I want to undress her so much already, pero baka sa mga susunod na araw pa kami gagawa.

We have six members here in the group. Ako ang pinili ni Miss Brooke na maging leader kaya wala akong nagawa kundi pumili ng lima pang myembro. Hindi ko kilala ’yung dalawang lalaking nasa harap ko. Sila na lang ang natitira kanina, walang gustong umampon kaya sila na lang ang kinuha ko. They even requested na hintayin ang isa pang kasama nila para hindi na kami magkulang.

"Kaibigan niyo ba 'yung isa? Absent ba iyon o nag-cutting? Sabihan niyo nga," there's a hint of annoyance in Lila's voice. Nilingon ko siya ngunit saktong nagtama rin ang mga mata namin dahil sa pag-irap niya sa dalawang lalaki.

Inangat ko ang tingin. The guys in my group were currently busy on their phones, playing with the screen, oblivious of Vanya’s boredness and Lila's annoyance. Nilipat ko ulit ang tingin kay Lila. Busangot pa rin at nakatutok ang nagbabagang tingin sa lalaking mukhang pinulbuhan ng johnson powder simula noong toddler hanggang ngayong Senior Highschool.

"Kaka-CR niya lang daw. Hindi niya alam kung nasaan ang art room," the guy with a curly hair announced, a grin formed on the side of his lips, nang-aasar na tingin ang binaling sa amin. "Naliligaw daw."

"Transferee ba?"

He chuckled, eyes shifted to Vanya's direction. Umiling siya at tamad na sinandal ang sarili sa upuang nasa likuran. Hinagis niya ang cellphone sa loob ng nakabukas niyang bag at pinatong ang ulo sa balikat ng kaibigan. I blinked, iniwas ang paningin sa lalaki at nilipat sa isa.

"Can I have your names, please?" Lila grimaced. Tiniklop niya ang kaniyang braso sa dibdib. Kulang na lang ay itaas ang tuhod at maging Principal.

"Ah, ako si Dustin," tila lasing ang pagkasabi. The Dustin guy blinked and cleared his throat. Straightening his back, his face give us a neutral expression. Na para bang kami ang boss at siya ang empleyado. "Dustin Joserino. Seventeen."

"Seventeen, what? Seventeen girlfriends or sevent—"

"Age po, Ma'am."

Lila's brows knitted together, there's a mark of annoyance plastered on her face na wala na atang balak matanggal. Nanliit ang mata niya bago ito binaling sa lalaking fan ng baby powders.

"And you?"

The guy's eyes glinted with amusement as he raised his head, looking directly at Lila’s narrowed eyes. Napakurap ako. Despite the bleak demeanor he bestowed upon her, his face turned into a hesitating look when he tilted his head to face my direction. Our eyes immediately interlocked.

"Finn Travino."

Kumunot ang noo ko nang tumaas ang gilid ng labi niya. Nilalandi ba ’ko nito? Iniwas ko ang tingin sa labi niya at binigyang pansin ang namumula niyang tainga. Tumikhim ang lalaki. He looks shy. Bakit ang bilis magbago ng ekspresyon nito? Is he high?

"17 din."

"17, what?" ako ang pumalit sa nagtatanong na boses ng kaibigan. She looked at me sideways, curling her lips.

dim dyeWhere stories live. Discover now