Tumango naman ang anak ko saka bumaling ng tingin sa akin. "Sasama po ba kayo sa paghatid, Mommy?"

Hindi naman muna ako sumagot at tumingin muna sa aking relo. "It's still early. Sige, sasama ako," sagot ko sa kanya.

Masayang pumalakpak si Erom. Natawa na lang kami ni Chaos sa kanya.

"Ihahatid na rin kita pagkatapos," pagkausap ni Chaos sa akin.

I just nodded and took my bag on the couch. "Halika na. Baka mahuli pa ako sa trabaho," saad ko at naglakad palapit sa kanila.

Magkakasama naming nilisan ang condo ko. Hindi na nagpababa pa si Erom kay Chaos hanggang sa nakarating kami sa sasakyan niya.

"Isasama ko si Erom bukas," sabi ko kay Chaos nang nasa gitna kami ng byahe.

Saglit niya akong binalingan ng tingin saka muling ibinalik sa daan. "Is it okay? I mean, hindi ka ba busy?" usisa niya.

"Kailan ba ako hindi naging busy?" natatawa kong wika.

I saw him smirking. "I told you, work in my company instead," he uttered.

Inirapan ko naman siya ng tingin at sinilip si Erom sa likuran ng sasakyan. "Okay na ako sa simpleng buhay," ani ko.

Chaos sighed, but didn't bother to speak anymore. Alam niya na desidido na talaga akong mamuhay ng ganito kasimple. Malayo sa lahat.

Malayo sa kanya.

Wala sa sarili akong napahawak sa 'king leeg. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang napansin ang nawawala kong kwintas. Agad akong tumungo at sinilip ang carpet ng sasakyan, nagbabakasakali na ro'n ko iyon matatagpuan.

"What's wrong?" Chaos asked.

I glanced at him. "My necklace, it's missing," I answered.

Nangunot ang kanyang noo. "Alin sa mga kwintas mo?"

Hindi naman ako agad nakasagot. Mariin na lang ako na napapikit at sumandal sa aking upuan.

"Iyong binili ko last year," pagsisinungaling ko at tumingin sa labas ng bintana.

Why am I still wearing it anyway?

"Baka naiwan lang sa bahay," Chaos uttered.

Nilingon ko siya at saka pekeng ngumiti. "Siguro nga."

It took us 20mins to reach my son's school. Sabay naming inihatid ni Chaos si Erom sa kanyang silid. Masaya kaming namaalam sa isa't isa saka namin siya iniwan.


"SALAMAT, Chaos," ani ko nang bumaba ako sa kanyang sasakyan.

Nandito na ako ngayon sa harapan ng gusaling pinagtatrabahuhan ko.

"You're always thanking me," may bahid ng inis niyang wika.

I chuckled as I stayed outside his car. "Because I am really thankful to you," I sincerely said.

He scoffed and leaned against his seat. "We're family, Jazzie. It's my obligation to take care of my son and his mother."

I genuinely smiled at him. "That's why I am so grateful, Chaos. You treated us like a real family even though you don't have to."

"Erom is my son, period," aniya.

Napangiti na lang ako at tumango. "Yeah, he's your son," I stated.

He stared at me then a playful smile appeared on his lips. "Should we have a daughter later?" he mocked.

Nag-init naman ang aking mukha sa sinabi niya. "Siraulo ka talaga, Chaos!" Napailing ako saka tuluyang lumayo sa kanyang sasakyan.

Humalakhak lang naman siya habang nakamasid sa akin.

"Magtrabaho ka na, kulang lang 'yan sa daldal," ani ko saka tuluyang sinaraduhan ang kanyang kotse.

Bumusina muna siya ng tatlong beses at tuluyunan nang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Pinanuod ko iyong maglaho sa 'king paningin bago ako pumasok sa kumpanya.

Nangunot ang aking noo nang napansin ko ang ibang staff na abala sa paglilinis at pag-aayos ng iba't ibang mga gamit. Tila ba may pinaghahandaan sila na darating.

"Who is it this time?" I talked to myself as I continued walking.

"Jazzie!" my supervisor called when she saw me.

Mabilis naman akong lumapit sa kanya. "Yes, Ma'am?" magalang kong wika.

Nilabas niya ang isang keycard at inaabot sa akin. "May importante tayong guest ngayon. Ikaw ang bahalang maglinis ng suite niya palagi. Huwag kang papalpak, okay?" Pinanlakhan niya ako ng mata.

Gusto ko mang ngumiwi ay matindi kong pinigilan ang aking sarili. "Noted, Ma'am," tangi kong tugon bagamat naghihimutok ang loob ko.

Kada na lang may importanteng bisita sa hotel, ako ang palagi niyang itinotoka para sa kanila. Masaya kasi malaki sila mag-tip at the same time nakakatakot dahil baka may hindi sila magustuhan sa paglilinis ko. Iyon siguro ang gustong mangyari ni Stacey kaya naman trip na trip niya akong i-assign sa mga VIP guest.

"Teka? Ito 'yong suite na nilinisan ko kahapon," hindi ko naiwasang sabihin nang napansin ko ang numero ng keycard.

"Bakit may problema ba?" mataray na sambit ni Stacey.

Mabilis naman akong napatungo at umiling. "Wala po, Ma'am. Nagtataka lang po ako kung bakit hindi iyong malalaking suite ang kinuha ng guest," malumanay na paliwanag ko.

"Alam mo, Jazzie. Kahit anuman ang kuhanin nila, wala na tayong pakialam doon. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak sa paglilinis!"

Palihim akong ngumiwi sa inis niyang tono. Hindi ko naman pinapakialman.

"Sige na, puntahan mo na 'yong suite at i-check!" pagtataboy niya sa akin.

"Ahmm. Matanong lang po, sino po ba ang VIP guest natin?" nahihiya kong sambit.

She rolled her eyes and crossed her arms. "Kahit naman sabihin ko sa 'yo hindi mo rin makikilala. Pero sige dahil makulit ka, pagbibigyan kita. Siya lang naman ang CEO ng pinakasikat na construction company rito sa Pilipinas," aniya habang labis ang paghanga sa kanyang mukha.

Agad na tinambol ang puso ko sa kaba sandaling narinig ko ang klase ng kumpanya na pinapatakbo ng guest.

Hindi naman siguro siya iyon, hindi ba?

"Mr. Valjerome Montevardo."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now