𝗻𝗶𝗻𝗲

108 6 0
                                    

“you like that genre?”

inalis ko ang tingin sa librong hawak at binalingan siya ng tingin. “yep.” sagot ko at muling binalik ang tingin sa librong dark ang genre.

“it doesn't suit you.”

“what?” tinaasan ko siya ng isang kilay.

“sa tingin ko lang naman.” maliit siyang ngumiti at kinuha nalang basta ang libro sa harap niya at binuklat. “mukha ka lang masungit kasi panget yung lumalabas sa bibig mo pero yung mukha mo ang bait-bait.”

hindi ko inaasahang sasabihin niya yun. mahina akong tumawa. “seriously, you're the weirdest person i've ever met.”

“compliment ba yan o insulto? at bakit naman?”

binalik ko sa shelf yung libro at naglakad papunta sa kabilang side niya. sumandal ako sa shelf sa likod niya at pinagkrus ang braso habang nakatingin sa kaniya.

“people who are close to me tend to call me robot and fucking-insensitive-guy because of my attitude and they way i act yet you told me i have the face of a good person.”

“but it's true, you're a good person. you wouldn't help me to bring the boxes back then at my house if you're not.” naka-focus pa din siya sa binabasa.

“yun lang ginawa ko tinawag mo na agad akong mabait? maliit na bagay lang yon.”

“hindi naman lahat ng taong makikita akong nahihirapan sa pagbubuhat tutulungan ako. kahit gaano man kaliit yung ginawa mo isa pa din yung kabutihan at isa pa wala ka namang ibang ginawang masama sakin pwera sa pagsusungit.”

hindi agad ako nakapagsalita. kalmado ang tibok ng puso ko pero para yung hinaplos sa sinabi niya. seriously, this woman...

“even if you can't see it yourself, i have seen many good sides you have.”

ba-dum

nagsalubong ang tingin namin nang tumalikod siya bigla at tinignan ako. sabay kaming natigilan pero nauna siyang nakabawi. maliit siyang ngumiti at hinawakan ako sa braso.

“tara na, bayaran na natin to.” patungkol niya sa basket na naglalaman ng dalawang balot ng bond-paper at pen.

hindi na ako nag-reklamo sa paghatak niya at nagpaubaya nalang. ako na ang nagbayad sa pinamili naming dalawa at nagbuhat palabas.

tapos na naming bilhin ang dapat naming bilhin pero wala pa akong balak umuwi. sinulyapan ko siya at diretso lang ang lakad niya habang patingin-tingin sa paligid.

“do you... already want to go home?” tanong ko, umaasang hihindi siya.

nag-angat naman siya ng tingin. “let's watch a movie?”

i bit my inner cheek to suppress the smile na gustong kumawala sa labi ko. lumunok ako saka tumikhim at tumango.

bumili kami ng pop-corn at inumin pagkatapos bumili ng ticket at pumasok na sa loob. drama ang panonoorin namin dahil malamang itong babaeng to ang pumili.

“don't you dare cry on me dahil iiwanan nalang talaga kita bigla.”

sinamaan niya ako ng tingin. “kahit kailan napakasama ng ugali mo. hindi ako iyakin, no.” inirapan niya ako. “baka mauna ka pang umiyak sating dalawa.”

... after 30 minutes

“*sob* *sob* jungwooon, may panyo ka?” aniya habang hindi pa din maalis ang tingin dun sa screen.

hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya. she's exaggerating. ano namang nakakaiyak dun sa palabas?

naiiling na kinuha ko ang panyo sa bulsa at binigay sa kaniya. agad niya naman yong kinuha at pinunas sa luha at uhog niya. napangiwi ako. kingina, paborito kong panyo yun.

“hey, aren't you being a super over duper oa? wala namang nakakaiyak diyan.”

“*sniff* *sniff* anong hindi nakakaiyak? hindi ka kasi nanonood!” pabulong niyang sigaw at kinurot ako.

“aww!” ungot ko at sinamaan siya ng tingin.

“look at how the leading man cried after his beloved left him. his suppose-to-be-bride left him without notice and not knowing if she will still come back or not. they vowed to be together for eternity yet the woman still left! isn't that the most painful thing in the world?”

“mas masakit yung kurot mo.” bulong ko habang hinihimas ang braso at hinayaan nalang siya.

napabuntong-hininga ako at diniretso nalang ang tingin sa big screen. hindi ko maintindihan minsan ang mga babae, anong nakakaiyak sa lalaking mukhang tangang umiiyak dahil iniwan lang siya ng babae sa isang movie? geez. movie lang tapos nagsasayang ng luha.

nag-focus ako sa panonood dahil baka maintindihan ko kung anong nararamdaman niya pero muntikan na akong makatulog sa urat. humikab ako pero nabitin yun nang may maramdaman akong mabigat na pumatong sa balikat ko.

“h-hoy...”

“the man became happy and contented despite of what he have gone through. he found the right woman for him that will never leave him through thick and thin.”

napakurap ako. “pinapatunayan lang non na hindi totoo ang true love.”

“jungwon, i really think true love is real. though he found another woman, he's still not over from his ex. he's still mourning and their memories are still flashing in his mind. he didn't forget her—no, he just couldn't, because he loved her more than anything. he moved on and found a new love.”

“if he's still not over her then why did he found a new woman? to use her as rebound? paano mo nasabing masaya na siya kung hindi niya pa din nakakalimutan ang ex niya? that's absurd.”

“mahal niya taong kasama niya ngayon at hindi naman siya masamang tao para gamitin ang babae para maging rebound. he loved her not because to use her but to become happy again. alam niyang hindi na babalik ang unang babaeng minahal niya pero hindi naman ibig sabihin non habang buhay siyang magluluksa diba? he just don't want to be lonely.”

“pero totoo bang pagmamahal ang nararamdaman niya sa babeng kasama niya ngayon? isn't he being selfish? siya lang ang sasaya pero ang babae hindi dahil sa kaalamang hindi siya kayang lubusang mahalin ng lalaki.”

nag-angat siya ng tingin sakin at maliit na ngumiti. “love waits, jungwon. darating din ang tamang panahon na matututunan ng lalaking magmahal muli ng buo. hindi naman agad-agad ay makakalimutan niya yung sakit na naramdaman niya. pero sa tingin mo ba papatulan nung lalaki ang babae kung hindi niya ito gusto?”

“if he's a douche, why not.”

napakislot ako nang pitikin niya ako sa noo. “hindi ka kasi nanonood!” aniya. “hindi mo nakita yung effort ng babae para sumaya lang yung lalaki at kahit papaano makalimot. naghintay siya ng naghintay at ginawa ang lahat at kahit pa man pumayag ang lalaki na maging sila na hindi pa ito tuluyang nakakalimot ay pumayag pa din siya. pinili niya pa ding mahalin yung lalaki kahit pa man hindi pa din ito nakakaahon mula sa pagkakalunod, alam mo kung bakit?”

“tch, what is it?”

“kasi gusto niyang umahon kasama nito. pareho silang nalulunod sa sakit ng pagmamahal at gusto niyang sabay silang umahon na dalawa at huminga ng maluwag. wala ng sakit at pagkalunod.”

“i don't get you.”

marahas siyang bumuga ng hangin. “maiintindihan mo din ako kapag nagmahal ka na.” humiwalay na siya sa akin. tsaka ko lang napagtantong tapos na pala ang movie at kakaunti nalang ang tao dito sa loob.

nauna siyang tumayo at nag-unat-unat. tumayo na din ako at pinagpagan ang damit dahil meron pa dong bakas ng pop corn.

“and jungwon?”

“hmm?” nag-angat ako ng tingin. bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang puno ng kalungkutan ang mga mata niya

“in order to achieve the happiness you've been striving for, is being selfish or not still important?”

nagsalubong ang tingin naming dalawa nang tumingala siya at para yatang piniga ang puso ko nang makita ang mapait na ngiti niya




hindi ko alam ang kung ano ang dapat isagot.

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Where stories live. Discover now