𝗳𝗼𝘂𝗿

132 7 2
                                    

i got a good sleep.





tumayo agad ako pagkagising ako at nag-unat-unat bago magtungo sa bintana at buksan yon. at dahil magkatapat lang kami ng kwarto ay siyempre napatingin ako sa bintana niya. tumaas ang isang kilay ko nang may makitang papel na nakadikit doon.

"good morning." basa ko sa nakasulat at may smiley pa talaga sa dulo.

naiiling na tumalikod na ako at dumiretso sa banyo at nag-ayos ng sarili. nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto at agad na bumaba pero agad na nagsalubong ang kilay ko nang makarinig na naman ng ingay. mga pamilyar na boses yon at nangingibabaw ang sigawan ni sienna at kelly.

ang aga-aga nandito siya? wala ba yong ginagawa sa buhay?

"good morning, kuya!" bati ni kelly nang makababa at makita ako.

tumango ako. "morning."

nagkasalubong ang tingin namin ni sienna. hawak-hawak ang game controller ay kumaway siya sakin at ngumiti.

"good morning."

"mm." tango ko lang.

"yo." si heeseung na sinulyapan lang ako saka muling binalik ang tingin sa laro.

tinaasan ko siya ng isang kilay. "bakit nandito ka? panira ka ng umaga."

"napakabait mo namang kaibigan, kahit good morning wala. tangina mo." aniya. "nga pala, sali ka? kulang kami ng isang player, kawawa naman tong dalawang chix hindi marurunong."

dumapo ang palad ni kelly sa likod niya. "lumayas ka nga sa harap ko, nandidilim paningin ko sayong bwisit ka."

muntik naman ng masubsob yung ulupong. "huk—kinginang kamay yan akala mo bakal. masakit yun ah!"

inirapan lang siya ni kelly at nag-high five sila ni sienna bago nagpatuloy sa paglalaro. nakahanap talaga ng katulad na demonyo ang bubwit.

naiiling na umupo ako sa sofa at pinanood sila. nilagay ko ang kanang paa sa pagitan nina kelly at heeseung dahil alam kong may lihim na pagtingin sa isa't-isa ang dalawang to.

hmp, not on my watch.

pasimple kong binalingan yung babaeng kausap ko lang kagabi. nakasuot na naman siya ng dress pero sa pagkakataong to ay hindi na yun puro's bulaklak. simpleng kulay peach na dress nalang yon na long sleeve at ang neckline, tsk, mababa masiyado. kusang nagsalubong ang kilay ko.

naramdaman niya yata ang titig ko kaya nilingon niya ako pero bago pa magsalubong ang tingin namin ay umiwas na ako. sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong maliit siyang ngumiti bago nagpatuloy sa paglalaro.

nang matapos ang game, napahiga si heeseung sa sahig sa irita dahil natalo sila. "aaargh! hindi kami manalo-nalo dahil ang engot nitong dalawa. jungwon, sali ka na!" sabay bato sakin ng isang controller.

"maka-engot ka! bago mag-lunch umuwi ka na sa inyo ah!" si kelly.

"pfft! nakikikain ba siya lagi dito?" dagdag ni sienna.

"hah, kung alam mo lang, sienna."

"oh my. heeseung, are you poor?" nakatakip ang bibig na ani ni sienna para itago ang tawa.

hindi ko alam pero kusa nalang umangat ang isang sulok ng labi ko. siguro ay natatawa ako dahil mukhang nainsulto si heeseung sa tanong ni sienna o natutuwa mismo ako kay sienna—

nah.

"wha—excuse me! ako? poor? baka bilhin pa kita." bawi niya naman.

"oh please shut up ka nga. ni-hindi mo nga kami malibre ng ice cream." aniya sabay baling kay sienna. "kuripot yan masiyado."

nakasimangot na nakatingin si heeseung sa kanilang dalawa. mukhang kahit ngayon lang sila nagkakilala ni sienna magkasundo na agad sila. meron talagang kakaiba sa babaeng to na hindi ko malaman kung ano na naghahatak ng mga tao palapit sa kaniya.

hindi ko maiwasang matanong kung kagaya ko ba nakakaramdam din si heeseung nung... nung... b-ba-dum na bagay na yon kapag tinatawag ni sienna ang pangalan niya o kaya kapag nagkakatitigan sila.

pero siyempre hindi ko naman yun matatanong. ang weird non masiyado at siguradong sasabunin lang ako ng shokoy na to.

"game na, hoy! 2v2 tayo. kapag natalo yung team ko manlilibre ako dalawang galon ng ice cream." si heeseung.

nanlaki ang mga mata ng dalawa at nag-high five. "ayos! success ang plano! hahaha!" si sienna. nagsalubong ang kilay ko. plano?

"sabi sayo uto-uto yan eh! gahaha!" si kelly na tuwang-tuwa.

"wow, ang u-utak niyo bwisit." simangot nubg ulupong. "pero ayos lang, asa naman kayong matatalo ako." sabay baling ng tingin sakin. "jungwon, ikaw mag-decide ng team tutal ikaw yung makikisali."

tumaas ang isang kilay ko. "makikisali? utot mo, ikaw lang may gustong sumali ako."

"ang dami mo namang sinasabi, kingina. kelly, sakin ka nalang." bahagyang na nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang biglang bastang hatakin ni heeseung si kelly palapit sa tabi niya.

ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang maramdamang may humawak sa tela ng damit ko. bumaba ang tingin ko kay sienna na nakatingala sakin.

"so jungwon, sayo ako?" then tilted her head.

ba-dum

fuck.

just what the hell is happening to me and my heart? this is ridiculous.

hindi ako nakapagsalita hanggang sa maramdaman ko ang pagbatok sakin ni heeseung. nabalik ako sa kasalukuyan. nasapo ko ang likod ng ulo.

"tinanong ka lang natulala ka na." aniya.

hindi ko yun pinansin pero kusang nag-init ang parehong pisngi ko nang makita ang kakaibang ngiti sakin ni kelly at ang nanliliit niyang mga mata. pinanlakihan ko siya ng mata, nagkibit-balikat lang siya saka nag-iwas ng tingin.

tumikhim ako bago tignan muli si sienna na may alangang ngiti sa labi. bumuntong hininga ako bago bumaba sa sofa at umupo sa tabi niya hawak-hawak ang controller.

nang tignan ko siya ay nakatingin pa din siya sakin na parang may inaabangan na sabihin ko. nag-iwas akong muli ng tingin saka tumango.

"oo, akin ka. 'di ba obvious?"

nakita ko sa gilid ng mga mata na ngumiti siya bago idiretso ang tingin sa harap ng game.

"alright! game na! humanda na kayong matalo."











hindi na naging malinaw pa sa pandinig ko ang sinabi ni heeseung dahil wala akong ibang marinig sa ngayon kundi ang malakas na tibok ng puso ko.

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon