𝘁𝗵𝗿𝗲𝗲

147 7 1
                                    

umawang ang labi ko.




nag-aalala pa din siyang nakatingin sa akin habang nakaluhod sa gitna ng hita ko at hawak-hawak pa din ang mukha ko sa parehong palad.

hindi ako makapagsalita at wala akong ibang ginawa kundi kumurap at titigan siya. nakakapagtakang hindi ko mahanap ang tamang salitang dapat sabihin ang tamang kilos na dapat gawin. parang huminto sa pag-function ang utak ko.

"jungwon, can you hear me? how's your foot? can you atleast talk? sobra bang sakit na hindi ka makapag-salita?"

ba-dum

nasisinagan ng gintong sinag ng araw ang mukha niya at hingangin ng malakas ang buhok niya na hinarangan na non ang mukha niya. ang buhok sa tenga niya ay nilipad din palayo.

"i-im fine." tanging nasabi ko. para namang nakahinga siya ng maluwag at maliit na ngumiti.

"akala ko ano ng nangyari sayo lagot pa ako kay kelly-huh?" natigilan siya pati na din ako nang huli na bago ko mamalayang hinawakan ko ang buhok niya at inipit yon sa gilid ng tenga niya.

ba-dum

magkahalong gulat at pagtataka ang meron sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya at binitawan siya at tumayo.

fuck! why did i do that?!

pinagpagan ko ang likod ng pantalon habang nasa malayo ang tingin.

"u-uhm, are you sure you're okay? wala bang masakit sayo? i'm really sorry." aniya.

umiling ako. "i'm alright and there's nothing to apologize it's my fault after all."

hindi na siya nagsalita pa ulit, malamang ay hindi niya din alam ang sasabihin kagaya ko. gusto kong pumikit at sampalin ang sarili pero hindi ko naman pwedeng gawin yon sa harap niya dahil malamang magtataka siya.

why the hell did i do that? kusa nalang kumilos ang kamay ko, tsaka ko lang namalayan na ginawa ko pala yon. argh! this is embarrassing. it never happened to me before!

gusto ko ng umalis pero hindi ko alam ang tamang salitang sasahihin sa utak ko.

nabaling ang tingin ko sa tatlong lalaki na may dala-dalang container sa likod. mukhang sila yung driver na sinasabi ni sienna.

parang may batong biglang naalis sa dibdib ko at nakahinga ako ng maluwag bago ulit siya harapin.

"i suppose you don't need my help anymore." sabi ko saka nginuso ang tatlong lalaki sa likod.

sinundan niya naman ang tingin ko saka tumango. "oo, sige, thanks for your help."

tumango ako. "bye."

ngumiti siya saka kumaway. "yeah, see you."

muling hinangin ang buhok niya. at bago pa ako muling mapatitig sa kaniya ay tumalikod na ako at naglakad paalis.

napayuko ako at napatingin sa kamay.

what's wrong with me?

.

.

.

kinagabihan ay nagpaalam na din kami ni kelly kay mom nang umalis siya.

nandito na ako sa kwarto ko ngayon at tahimik na nanonood sa computer ng movie na pinapanood ko nang biglang may marinig ako mula sa labas ng bintana. hindi ko yun pinansin at nagpatuloy lang sa panonood nang lumakas pa lalo ang ingay.

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon