𝘁𝘄𝗼

178 6 0
                                    

mom's here.





it's her first visit in the whole month. i forgot to mention na kaming dalawa lang ni kelly ang nakatira sa bahay na to dito sa village. back then kasama talaga namin ang pareho naming parents pero palagi silang busy sa trabaho kaya napag-desisyunan nilang tumira sa siyudad at bisitahin nalang kami dito kung kelan nila gusto.

“your dad didn't had the chance to come, marami siyang inaasikaso sa trabaho. ayos lang naman sa inyong solohin ko kayo di ba?” nakangiting aniya bago ilapag ang ulam sa gitna ng lamesa.

napagtanto kong yun ang paborito ko kaya napatingin ako kay mom. hindi na ako nagulat nang magkatinginan kami at kindatan niya ako. hindi niya hilig ang magluto ng sinigang dahil hindi daw siya magaling magluto non kaya minsan lang kung mag-ulam kami ng ganito.

“i mastered cooking that so make sure to enjoy it." kinurot niya ako sa pisngi. hindi ako nag-react at hinayaan lang siya. “aww, my baby's all grown up. back then you really like it when i pinch your cheek.”

“masiyado niyong bini-baby yang si kuya kaya spoiled eh.” si kelly. sinamaan ko siya ng tingin.

“ako pa ang spoiled?” sabay taas ng isang kilay.

“hmp! don't talk to me.” inirapan niya ako.

naiiling na umupo si mom sa harap naming dalawa. “ano na namang ginawa mo sa kapatid mo?”

“kasi si kuya, sabi ko kahapon huwag ubusin yung cake sa ref tapos nung tinignan ko wala na kahit isang hiwa!” napaungot ako ng sipain niya ang paa ko sa ilalim ng mesa.

“i told you it wasn't me, it's jay! masakit yon ah, bwisit ka.” hinimas ko ang parte kung saan niya ako sinipa.

“edi sana sinabihan mo siya! you know that flavor is my favourite.”

“alright! stop whining, bibilhan nalang kita. drama mo.”

“nye nye.”

hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula ng magsandok ng pagkain sa plato.

“anyways, mommy, i forgot to tell you that we have a new neighbor. hmm, i think they're from laguna at dito nila naisip na mag-stay. and guess what, kaibigan ko na agad yung anak ng may-ari.”

saglit akong natigilan.

he's really handsome tho.

shit.

napansin naman agad yun ni mom. “what's wrong.”

mabilis akong umiling saka nagpatuloy.

“her name is sienna and we're really getting along. she's really nice.”

tumango si mom. “hmm, i see. let me meet her the next time i visit, okay?”

kinahapunan non ay pauwi na ako galing laro ng basketball kayla heeseung. as usual sa likod ako dumaan para makalanghap ng sariwang hangin.

at sa lahat ng makakasalubong ko, kung minamalas ka nga naman si sienna pa. pansin ko ang dalawang magkapatong na box na dala-dala niya. mukhang dadalhin niya yun papunta sa kanila at nang makita na ako ay bigla siyang kumaway dahilan para mawalan ng balanse yung dalawang box.

mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya at sinalo yun bago mahulog. sa huli ay ako din ang nagbuhat dahil mukhang nahihirapan siya.

“are you dumb? bakit mo bibitawan yung box alam mong mahuhulog?” sinamaan ko siya ng tingin saka inismiran.

nakamot niya nalang ang likod ng ulo. “sorry, tsaka ko lang naisip.”

napailing ako. “where are you bringing this? nasa unahan ang bahay niyo bakit nandito ka sa dulo?”

“ah, kasi yung truck na nagdala ng mga gamit namin mali yung naparadahang bahay. hindi naman maka-atras kasi naubusan din ng gas. naisip kong buhatin yung mga kaya ko para mas mapabilis mamaya kapag ilalabas na yung mga gamit.” saka maliit na ngumiti.

nag-iwas naman ako ng tingin saka nilingon ang likod. tsaka ko lang napansin ang napakalaking truck.

“eh ikaw? bakit doon ka dumadaan imbis na sa main gate? mas malapit doon ang bahay niyo.” tanong niya bigla.

“there's a broad dandelion field and it's relaxing there. so whenever i go back home doon ako dumadaan for fresh air. i love watching sunset as well.”

nanlaki ang mata niya sa kuryosidad. “woah, really? siguradong maganda yon especially now that it's sunset. can you see the sun setting there?”

tumango ako. lumawak lalo ang ngiti niya.

“i also love dandelions. can you let me see it one day?”

“i don't know. hindi ko hilig ipakita sa iba ang lugar na ako lang ang nakakaalam.”

ngumuso siya. “damot mo. just once, please?” sabay taas pa ng hintuturo. “you see, i really love flowers, like i'm obsessed with them. it would be a paradise for me kung papayagan mo akong makita yon.”

tama siya. halata mo agad na mahilig siya sa bulaklak dahil mula ulo hanggang paa puno ng bulaklak ang katawan niya. hindi literal pero ang suot niyang dress ay sunflower ang disenyo at meron ulit siyang bulaklak na nakaipit sa tenga. ang tsinelas niya ay meron ding bulaklak.

“you're an antophile?” tanong ko bigla.

nagsalubong ang kilay niya. “antophile?”

“someone who really loves flowers.”

bumilog ang bibig niya. “oh, ganon ba yon?” para niyang kinakausap ang sarili saka tumango-tango. “then what do you call yourself?”

“myself?”

“yeah. i'm an antophile because i love flowers. how about you who loves sunset?”

napaisip ako. “i'm an opacarophile.”

she tilted her head. “opa—what?”

“o-pa-ca-ro-phile. it's easy.”

“o-pa-ca-ro-phile.” binaggit niya yun isa-isa habang nakatingala at tumatango. “okay, i get it.”

huminto na kaming dalawa sa paglalakad nang makarating na kami sa harap ng bahay nila.

“pwede mo ng bitawan, ako na ang magdadala sa loob. thanks, jungwon.”

huli na bago ko mapagtanto, napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ang sakit sa paa ko nang mabitawan ko bigla yung dalawang mabigat na box.

“hoy hala! ang engot mo naman, hindi ko naman sinabing ibaba mo nalang bigla eh! sorry! sorry! are you okay?”

basta niya nalang tinulak paalis yung box at chineck yung paa ko. sa sobrang panic niya siguro ay basta niya nalang inagat yung isang paa ko nang hindi nag-iisip dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba.

napapikit ako nang maramdaman ko ang sakit sa bandang pwetan sa pagkabagsak.

walangyang babae, nasa paa yata ang utak.

narinig ko ang malakas niyang pag-singhap at ang hakbang niya papalapit sa akin. pagdilat ko at nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang sobrang lapit niyang mukha sakin at ang palad niya ay nasa parehong pisngi ko.

“jungwon, ayos ka lang?” hindi ako nakasagot. “huy, may masakit ba sayo? sorry talaga, hindi ko sinasadya ang engot ko!”







ba-dum

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon