Hindi ko tuloy maiwasang mainis. Bakit naman kasi kailan pang titigan, pwede namang tignan lang. Napanguso ako, mabilis na naglakad sa pwesto niya. 

"Angel?" 

"Ang tagal mo, nagugutom na ako" palusot ko sa kanya. Wili siyang tumawa, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. 

Sinimangutan ko siya kaya mas lumakas pa ang tawa niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kumapit ako sa braso niya. 'Sana naman huwag na kayong tumitig, nakikita niyo naman sigurong kasama niya ako diba?' 

"What's with that face, Angel?"

"Huh?" paktay Amanda. 

"You're making face" napangiti ako ng pilit, ang dami naman niyang napapansin. 

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Kasi ano.. 'Yung mga freshmen tingin ng tingin sayo. 'Yung iba nakatitig pa." bulong ko sa kanyang tainga, para hindi marinig nung kasabay namin. 

Tumingin ako sa kanyang mukha, napakamot ako ng ulo. Hindi naman nagbago ang ekspresyon niya, mas lumapad pa nga ang pag ngiti ni Xane. Gustong-gusto ata na tinitignan.

"Let them. Sayo naman ako, hanggang tingin lang sila" kasabay ng pag init ng aking pisngi ang pagkabog ng malakas ng aking puso. Hinawakan ko ito, 'tigil! Baka marinig ka niya' 

"You're such adorable" hinalikan ako ni Xane sa pisngi bago inakay sa table namin. Pero bigla na lang siyang tumigil na ipinagtaka ko. 

Tumingin ako sa table namin na tinignan din niya. May isang babae dun na nakaupo nakangiting nakatingin kay Xane. Biglang nalungkot ang aking puso ng maramdaman ko ang pagkalas niya sa hawak ng kamay ko. 

Apektado pa ba siya kay Hannah? Baka nga, Hindi naman siya mapapatigil kung hindi. Napayoko ako ng tumayo ang babae sa pahkakaupo at lumapit sa amin--kay Xane. Parang may anghel na dumaan sa sobrang tahimik ng cafeteria, nagaabang ng mga susunod na eksena. 

"Hi love, nice meeting you again" pinaglaruan ko ang aking kamay habang unti-unting umangat ang aking ulo para tignan si Hannah. 

Ngayon ko lang siya nakakita ng malapitan, napakaganda niya, malayong malayo ang aming itsura, para siyang manika.. 

Nag likot ang aking mga mata, gusto ko mang hawakan muli ang kamay ni Xane ay nababahag ang buntot ko lalo na at siya pa ang unang kumalas. 

"What are you doing here?" malamig na tanong ni Xane sa babae. Kung makatingin si Hannah dito ay parang wala ako sa tabi ni Xane. 

"Why? Am I not allowed to eat?" pati accent nito ay napakaganda. Unti-unting umatras ang aking mga paa, tumalikod ako at sinimulan ng maglakad palabas sa lugar na iyon. Iiwan ko muna ang aking bag, tsaka ko na kukunin pag wala na sila. 

Nag init ang aking mga mata, 'napakaduwag mo Amanda. Hindi ka panga binabaril ng kalaban nababahag na buntot mo, umuurong kana' 

Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga estudyante, na kawawa raw ako. Na ginagamit lang ako ni Xane. Bubulong na nga iyong maririnig ko pa. 

Akmang lalabas ako sa pintuan ng marinig ko ang dumadagundong na boses ni Xane. "AMANDA DELA CRUZ!" napapikit ako sa pagtawag niya ng buo sa aking ngalan. 

"Come back here, woman!" bumuntong hininga ako bago pumikit ng paulit-ulit para mawala ang pamamasa ng aking mga mata. 

Nakayuko akong naglakad pabalik sa kanya. "Iiwan mo nalang ako basta-basta? Don't do that again! I will be angry!" nakagat ko ang loob ng aking pisngi, 'I will be angry' eh galit na nga siya. 

Naglalambing na yumakap ako sa kanya, tama naman, dapat ay hindi ko siya iniiwan dahil lang nandito si Hannah, dapat ay nagtitiwala ako sa kanya. 

The Mr. Playboy's GirlWhere stories live. Discover now