Chapter 11

2.3K 63 3
                                    


"A-aray" napangiwi ako ng sumigid ang hapdi sa aking leeg dahil sa pag pahid ni Lena ng kung anong bagay do'n.

"Tangna bhie, bisugo ba 'yung sumipsip sayo? Ba't ang laki? Sino 'yon?" Sunod-sunod na tanong ni Janine na nakaupo sa tabi ni Emerald na kumakain. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretsyo, kaninang paglabas ko sa med building ay inabangan ako ng mga ito.

Kinorner nila ako 'tapos ay inaya mag lunch dito sa restaurant na kinainan namin ni Xane nung isang araw.

Kaninang nasa sasakyan kami ni Emerald,  napansin ni Lena ang pagkakaroon ng bilog na lila sa aking leeg. Ang bilis nila mag-isip at tinukso agad ako. Sabi nila ay love bite raw iyon, hindi ko naman maitanggi dahil kitang-kita ang ibidensya.

Nakita ko lang iyon kaninang umaga, hindi ko naman alam ang gagawin ko para mawala iyon bigla ang alam ko lang ay hayaan lang iyon hanggang sa mawala.

"Ano?" Bumalik ako sa ulirat dahil sa pangungulit ni Janine. Tumungo ako ng matapos ni Lena ang kaniyang ginagawa sa leeg ko.

"Uhm.. Si-si ano.." Napapikit ako, nakakahiya talaga! Lalo na at si Janine pa ang nagtatanong, baka kung ano pa ang isipin niya.

"Sino?" sulsol ni Em. Napanguso ako tsaka tumingin sa kanila.

"Si Xane.." Mahinang sabi ko sabay yuko.

"Ay pota" napangiwi ako dahil sa mura ni Janine.

"Ilang araw ka lang naming hindi nakita, may ganiyan na? Sabihin mo nga Amanda, binigay mo naba?" Dugtong pa nito, parang galit siya.

"Ano pong binigay?" Tanong ko. Mahinang tumawa si Lena na katabi ko, kita ko naman ang pagtampal ng noo ni Emerald. Bakit? May mali ba sa tanong ko?

"Akala ko ba skolar ka?" Natatawang tanong ni Em. Sasagot na sana ako ng maunahan ako ni Lena.

"Ganon daw 'yon eh. Pag matalino, bobo sa pag-ibig" si Lena habang sumusubo ng pagkain niya.

"Isama mo pang inosente" si Emerald.

"Swerte ng tae"

"Ano ba 'yan, Janine. Kita mong kumakain tayo eh" tila nawawalang ganang sabi ni Lena. Hindi ko na alam ang pinag-uusapan nila kaya kumain nalang din ako.

"Anyways, gusto mo bang sumama Amanda?" Kapagkuwa'y tanong ni Janine.

"Saan po?" Kita ko ang pag-irap nito kaya napanguso ako.

"Nagmumukha akong matanda sayo. 'Wag kana mag po" binitawan nito ang tinidor at kutsara bago nangalumbaba sa sa mesa.

"May field trip next week. Sumama ka, sumakay ka sa bus na sasakyan namin at 'wag kana sumakay sa mga third year" sabi nito. Mukha siyang seryoso. Nagtanong pa kung pahayag naman ang sasabihin.

Ngumiti ako, ang oras na gugugulin ko do'n ay ipagta-trabaho ko nalang. Sayang ang kita ko sa restobar, isang buwan ko rin iyong gagastusin.

"Umh.. Sorry. Kailangan ko kasing mag-trabaho" nahihiyang sabi ko. Nahihiya ako sa kanila, baka isipin nilang kill joy ako.

Rinig ko ang buntong hininga ni Lena "sasama si Xane" tumingin ako kay Janine. Biglang nag aliwalas ang aking mukha sa kaalamang sasama siya, pero bigla ring bumagsak ang hahabiin sanang senaryo ng utak ko nang maalala kong hindi ko pa nakikita si Xane.

Nag text at tumawag naman siya kaninang umaga. Nagpaliwanag kung bakit hindi niya ako nasundo at nakapag-text sa akin. Hinintay ko talaga kagabi kahit alam kong wala ng darating na mensahe. Buti nalang ay maayos naman ang score ko kanina kay Sir Sebastian, late panga ako sa kaniya pero sobrang bait niya kaya pinapasok niya ako ng hindi nalalagyan ng singko ang index card ko ngayong araw.

"Hi-hindi ako sigurado" napatungo ako. Pumasok sa isip ko iyong sinabi ni Xane noon sa mansion nila at ng mabunggo ko siya noon sa Azet, sinabi niyang maguging ayos kami pag lumayo ako kila Janine.

Hindi ko alam kung nagbago naba ang isip niya pero ayukong isugal iyon. Kaya siguro ay hindi nalang ako sasama, kahit pa na maaring may makasama siyang ibang babae do'n ay tatanggapin ko.

Isa pa ay wala namang kami, walang kami kaya wala akong karapatan na mag demand sa kaniya.

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Janine tsaka tumango.

"Okay, but if you change your mind just tell us" ngumiti ako tsaka tumango at umusal ng pasalamat.

Pagkatapos naming mag lunch ay mabilis  kaming bumalik sa Azet. Masaya sila kasama, iba-iba yung personalidad nila pero nag click silang lahat. Riot pag nagsama-sama.

Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa susunod na subject ko. Uupo na sana ako ng tumunog bigla ang aking selpon tanda ng may nag text. Agad ko iyong tinignan na sana ay hindi ko nalang ginawa.

Napapikit ako ng paulit-ulit ng makita ko ang larawan ng isinend ng kung sino. Si Xane.. Katabi si Hannah, yung F.A. student na maganda at mayaman.. Iyong bali-balita dito sa Azet na current girlfriend niya.

Pinalis ko ang aking luha, kuhang larawan ba ito kabagi? Ito ba iyong ipinunta niya? Bakit ako nasasaktan? Marahas kong hinaplos ang aking puso ng sumugid ang sobrang sakit do'n. Para akong tinutusok ng libo-libong karayom doon. Ang sakit.

"'Manda" mabilis kong itinago ang aking selpon at pasimpling pinanusan ang aking luha, nag kunwaring kukuha ng notebook sa aking bag.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon