Mabilis na lumipas ang mga linggo na wala na akong kahit anong komunikasyon kay Theo. Okay narin ito dahil ayaw ko rin talaga itong makita kahit anong mangyari. With what happened that day is ayaw ko nang maalala pa ito.

Sina Chi ay nakakapansin na din na parang walang Theo-ng dumadaan sa buhay ko. Kasi tipo bang bigla nalang itong nawala. Kahit anong tanong nito saakin ay hindi ko sila pinapansin kasi ayaw ko ma-associate pa ang sarili ko sa binata.

Simula rin nung nangyari ay hindi ko na nakausap ang iba kong kapatid kung hindi si Kuya at si Allen. Unti-unti na akong nalalapit kay Allen dahil gusto kong may bagong masandalan lalo na't hindi ko kinakausap ang mga kapatid kong babae.

"Macie, kailangan na daw umalis." Narinig ko yung boses ni Aki mula sa labas ng pintuan ko kaya agad rin akong lumabas.

Nakita ko sina Alice ay nandun na sa living room lahat at mukhang ako nalang ang iniintay. Napansin kong simple lang din ang suot ni Chione, naka-shorts at kulay pink na hoodie at sneakers. Kaya naman sakto lang din ang suot kong leggings at sweater. Hindi rin kasi nito sinabi kung saan kami pupunta.

"Did you packed your swimsuit?" Napa-tanga ako sa tinanong nito. Kasi ang akala ko ay papunta Baguio kami kaya wala akong dalang pang-swimming.

"Hindi mo sinabi saakin na swimming pala ito." Naiinis kong saad pero tinawanan lang ako ng mga ito. Kaya naman ay agad akong pumasok sa kwarto ko para kumuha ng pang-swimming.

Wala akong kaalam-alam kung saan kami pupunta. Summer vacation kasi kaya naman ay halos walang ginagawa sina Chione kaya kung saan-saan nag-aaya. Buti na nga lang din at hindi ganun ka-heavy yung workload ko sa part-time job ko.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Chione dahil palagi naman. Hindi namin kasama si Alice sa kotse dahil kasama siya nina Aki doon sa SUV ni Gavin.

Nakatulog ako sa buong byahe at nagising nalang ako na nasa The Farm na kami. Matagal ko ng gustong pumunta rito pero walang oras at medyo pricey siya for me.

Nag-aayos naman ako ng gamit ko sa kwarto namin ni Chione. Si Chione ay nasa labas a nag-hahanap ng makakain namin kaya naman ay nag-madali narin ako sa pag-ayos ng gamit ko. Nang matapos ko ang aking pag-aayos ay lumabas na din ako para hanapin sila. Gutom na din kasi ako.

Agad ko namang nakita sina Chione kaya agad akong lumapit sakanila para kumain na din. Masaya akong nakikain kasama nila dahil parang ang gaan ng katawan at isipan ko. Parang nawala lahat ng pasan kong problema.

"May carnival fair sa province namin next week, want to come?" Aya ni Alice. Nagsi-payagan naman silang lahat habang ako naman ay hindi na pumayag na dahil may trabaho ako next week.

Inaayos ko ang ang aking mga gamit para pumasok na sa aking part time job this summer. Sinuot ko nalang ang aking slacks and blouse para pang-pasok. Diresto labas ako ngayon dahil wala si Chione ngayon dahil nasa probinsya sila nina Alice para doon sa carnival fair. Alam na ng pamilya rin ni Chione na dito muna ako sa condo niya nakatira dahil sa nangyari sa bahay, pinabayaan narin nila because they understand.

"Kuya, kamusta na sila?" Tanong ko rito habang hinihintay namin yung halo-halo dito sa mall.

Tumawa naman ito ng mahina. "Ganun pa rin sila." Hindi na ako rin masyadong naki-tanong habang hindi sila ang nangungunang makipag-usap saakin.

Mabilis rin na dumating yung inorder naming halo-halo kaya naman ay agad namin itong hinalo para makain na din dahil sa sobrang init. Nang kakainin ko na dapat yung Nata de Coco ay parang hindi siya masarap para saakin kaya naman ay itinabi ko ito para hindi ko makain.

"Hindi mo kakainin yang Nata de Coco?" Turo nito doon sa gilid ng bowl ko na puno nito.

Umiling naman ako sakanya. "Parang di kasi siya masarap." Simple kong sagot rito.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now