NINE

72.2K 2.3K 194
                                    


Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Sa paulit-ulit na paglalaro ng halik ni Evan sa isip ko ay patuloy rin ang pamumugad ng pula sa aking mukha.

I don't think I am worth of that kiss for two reasons. One, there are women out there who is more deserving of it than me who's carrying a lot of baggaes. Magsasawa lang siya sa pakikinig at pag-aalo sa akin.

Second, it felt wrong to me. Parang hindi naman kasi nasagot ng halik na iyon ang tanong ko. Nawala nga sa diwa ko ang frustration at pagtataka sa pagiging malamig niya sa akin ngunit panandalian lamang iyon dahil sa gulat ko sa biglang ginawa niya. Nag-sorry nga siya, pero paano ako na nanatili pa rin sa ere dahil sa umaangat sa aking mga katanungan na walang niisang sagot ang planong sumalo. Why did he suddenly become cold?

It seem to be just a mediocre gesture to me. Ginawa lang hindi para gumaan ang loob ko o ibsan ang hinanakit, kundi dahil para nipisan ang paninisi niya sa sarili, at para mapatawad. Yet, forgiving doesn't inherently eradicate the mistake you've asked forgiveness for. A sweet gesture doesn't call for the mistake to vanish in history but instead, it's just the other way of asking both parties to move on!

At ang bilis ko naman yatang bumigay. Paano pala kung hindi ako nagalit at nanatiling tahimik, lalamig siya hangga't sa gusto niya?

Nakakainis! Sa noo lang naman iyon pero bakit apektado ako? Why should that be a big deal? Because it was still a kiss and you softened up, Scarlet?

Ang daming paghihimagsik sa isip ko pero sa huli, lumambot lang pala ako. I wish my heart could adapt the rationality that only a mind can hold.

Yet my heart today has only longed for the next days, longed for the untold answers to atleast settle my frustration.

But nothing was settled. The fight only ended.

Lumabas ako ng silid at nakitang nakahanda na ang mga dadalhin nila Mama bukas ng gabi papuntang London. Habang tinitimbang ang mga luggage para alamin ang excess, inabutan ako ni Papa ng ATM card laman ang mga bayarin ngayong semester at sa susunod. Ako nalang daw ang magkakasya ng budget kaya dapat limitahan ang gastos sa anim na buwan.

"Maglinis ka ng bahay at 'di lang ng kuwarto mo. Baka pagdating namin dito, binabahayan na 'to ng kung anu-anong insekto at mga ahas," habilin ni Mama noong nag-agahan kami kinabukasan.

Humigop ako ng sabaw. Ayaw pa ring kumain. Tumatango-tango ako sa mga karagdagan pa niyang habilin.

Kinagabihan, si papa ang nag-drive papuntang airport. Hinintay ko muna silang makapag-check in. My mother only nodded while it was my father who acknowledged my wave. Pag-uwi naman ay ako ang nagdala ng sasakyan. Ito rin ang ginawa ko papunta sa school Lunes ng umaga.

"Ah, finally, Maeve!" hingal na pumasok si Ruth sa passenger's seat. I looked at her folder filled with paperworks na lumalagpas na ang iba sa lalagyan.

"Grabe, hindi ka ba hinahatid ng driver ninyo?" sabi ko nang maabutan ko siyang naghihintay ng taxi kanina bago ko pinarada sa harap niya ang Altis namin.

"Pinagbakasyon kasi muna ni Dad. And besides, I can manage to commute naman."

Nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpunta ng parents ko sa London. Hindi na siya masyadong nang-uusisa pa. She knew how sensitive I become when it comes to my situation at home. Isa pa, malapit na rin kami sa sakayan ng jeep kung saan diretso na sa hospital na du-duty-han niya. I parked the car in the University lot. Aksaya kasi sa gas kapag dadalhin ko pa roon sa pagdu-duty-han ko.

There's still no improvement with my assigned patient. Tinabihan ko na lang siya habang naaaliw kong pinagmamasdan ang dalawang sikat na pasyente rito sa Male ward, nagbabatukan ng bote ng tubig. Sila rin kasi ang pinakamatagal nang naging pasyente rito.

LOYAL HEARTS #1: ROSS AND SCARS (Rewritten Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon