FIVE

101K 3K 401
                                    


Nakapalumbaba ako, tulala sa clinical instructor na may sinasabi sa harapan. Hindi ko siya gaanong naririnig  dahil mas nabibingi ako sa alaala ng dalawang linggong lumipas.

Evan never showed up within those two weeks, not even during our breaks and dismissal. Pagkatapos ng sinabi niya ng araw na iyon, ni text o tawag ay wala akong natanggap.

Ganoon na lang ba? I know it's too much to ask, pero pagkatapos ng sinabi niya sa akin ang dating tuloy ay parang pinaasa lang niya ako. O ako lang talaga itong umaasa kahit wala iyon sa intensyon niya? 

Bakit ba ako naiinis? Kami ba? Kung makapagmaktol ako ay parang girlfriend akong hindi pinagbibigyan sa luho. Lagi ko nga siyang sinusungitan tapos ngayon, hahanap-hanapin ko? What a paradox you are, Scarlet Maeve. 

Break time ay pababa ako para bumili ng snacks sa Pharmacy sa ilalim lang nitong building. Bago pa ako makahakbang sa labas ay napigilan na ako ni Sean.

"Saan ka na naman pupunta? Alam mo sa tuwing wala ka, palagi ka nalang hinahanap sa akin ni papa Evan. Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?"

Napalingon ako sa kaibigan dahil sa sinabi nito. I don't want to talk about him pero hindi ko mapigilan maging interesado.

"Pero okay lang, malalaglag na naman ang panty ko tuwing tinatawag niya ako." He giggled in front of me while leaning on the doorframe. Mamula-mula ang kanyang pisngi habang puno ng pangarap ang mukha.

I remember his absence again. Wala naman kasi siyang sinasabi. Kung tungkol ito sa nangyaring pag-uusap namin noon sa classroom, wala naman akong naalalang dahilan doon para umiwas siya.

"Close na ba kayo?" ngiwi kong wika.

"Siguro. Eh sa palagi ka pa naman niyang hinahanap at ako pa ang palagi niyang tinatanong. Kung wala lang talaga akong jowa, aagawin ko iyan sa 'yo."

Sinaksak ko siya ng matalim na tingin. His loud laughter flooded the room.

Umirap ako at biglang nanlamig nang sinabing, "Walang kami."

"Hmm... pero umaasa ka?" panunuya niya.

Sean is a very good friend of mine. Pero ngayon, ayaw ko talaga sa mga pinagsasabi niya. Truth hurts, doesn't it, Scarlet?

I walked out. He's my friend pero bakit ayaw ko sa mga pinagsasabi niya?

"Oi teka lang, sama ako sa 'yo!" habol ng tawa at maarte niyang sigaw sa likod ko nnag malapit na ako sa elevator.

Kaming dalawa ni Sean ang pumunta sa Pharmacy. Tubig lang ang binili ko. Sinadya kong hindi magdala ng pera dahil kung anu-ano ang nabibili ko. Kaya para makatipid na rin, iniiwan ko sa bahay ang kalahati ng baon na binibigay sa akin.

"Siya nga pala, sa Mango kami mamaya. Sama ka, ha? Advance birthday party din 'yun para kay Leroy."

Umaabante kami sa pila nang sinabi niya ito. It made me feel special everytime they invite me. Gusto ko talagang pumunta at sumama sa kanila pero papayagan ba ako? Isa pa, isa't kalahating oras din ang biyahe sa downtown mula sa bahay namin.

"Text nalang ako pag sasama ako," nabibigo kong sabi sa kaalamang hindi ako papayagan.

I just don't want to disappoint my friends. They always invite me to these party things and I always have a reason not to go. Reasons that were against my will.

"Heh! 'Di ka naman kasi makakapunta. Lagi naman. Pang-ilan mo na iyan, ha?" patampo niyang sabi sabay kurot sa pisngi ko.

Umiiling nalang ako na may tipid na ngiti. As much as how I want to go, parang gusto ko na talaga munang umuwi at matulog. Pakiramdam ko ay nilalason ang kaluluwa ko sa dinadamdam na bigat ng aking katawan buong araw. O baka dahil ito sa kulang ko sa tulog kaya gumaganti ang panghahapo.

LOYAL HEARTS #1: ROSS AND SCARS (Rewritten Version)Where stories live. Discover now