EIGHT

83.5K 2.3K 359
                                    

Mabilis pa sa tama ng kidlat ang pagkawala ng kamay ni Ike sa balikat ko. Habang hindi pa inaalis ni Evan ang pagtitig roon na tila ba tinutunaw niya ang natitirang mantsa sa pamamagitan ng pagtitig lamang.

"Evan!" masigla kong tawag sa kanya.

I tried to find the relief I promised to myself once I call his name without being too obvious of my feelings. But Evan's dark expression didn't change, which stunted the comfort I should have felt. Why do I feel like this is my fault?

Nasanay akong hindi siya makita nang dalawang linggo kaya hindi ko inasahan na pupunta siya rito ngayon. Pero kung natagpuan ko man siya nang mas maaga kanina sa building, iisipin ko talagang iba ang sadya niya. Yet seeing him still looking pissed... ako nga siguro ang ipinunta niya.

Irritated Evan is not new to me. I've seen him wear this reaction before. Pero ang makita ang kakaibang pagdidilim ng kanyang mukha na higit pa sa simpleng yamot ay ngayon ko pa lamang namataan!

"Pwede ka bang sumama sa 'kin, Scarlet?" pati bigkas niya sa pangalan ko ay kakaiba. It's like he's spitting poison in front of me and he silently orders me to take a bite on it.

"B-bakit?"

"May pupuntahan tayo," halos hindi na bumubuka ang labi niya nang magsalita.

Nahihiya akong lumingon kay Ike. He took a step backward, understanding my apology before I could even say it.

"It's fine, Maeve. See you na lang bukas. Bye!"

Bago pa ako makaganti ng paalam ay tumalikod na siya at may pagmamadaling naglakad palayo.

Tinuon ko pabalik ang pansin kay Evan ngunit wala na ito sa pwesto niya. Naglakad na rin siya palayo at huminto sa kanyang sasakyan. Mabilis akong sumunod. Pinagbuksan at pinagsarhan niya ako ng pinto bago siya pumasok sa driver's seat.

Tahimik ang naging byahe. Madilim ang kanyang aura. Hindi ko alam kung ano ang problema. Natatakot akong magsalita o magtanong. I am always sensitive when it comes to cold replies or yelled arguments. Kaya mas mabuti pang tatahimik nalang ako para walang away.

Pero hindi ako mapakali sa pananahimik niya. I hate it when I knew that something is wrong but I couldn't even specify it. Inaalala ko kung may nagawa ba akong mali o damay lang ba ako sa galit niyang wala namang kinalaman sa akin at nagpunta siya ritong iritado na. Through my teeth, I started peeling the skin off my lips because of too much anxiety. Kinakagat ko na rin ang mga kuko ko. My thighs fidget, wanting to get out of the car and run, or walk back and forth until I calm down. Is it my fault why he's acting like this?

Iiwasan ba ako dahil sa kasalanan ko?

I cleared my throat several times to get his attention. Sumulyap ako para matignan siya. Hindi man nagatubiling tapunan ako ng tingin. His focus was very intent on the road. Sa ibang pagkakataon, nagtatawanan na kami at sinasabayan ang kanta sa stereo pero pati iyon ay nakikisimpatiya rin sa libing ng kaingayan.

"Okay ka lang?" mahina kong tanong. It was filled with inhibition. Takot sa pagbabalewala niya.

Tipid na tango ang sagot niya habang hawak ang ibabang labi't pinaglalaruan. Ang isang kamay ay nasa steering wheel.

"Saan pala tayo pupunta?" my voice sounded so tamed.

"Iuuwi kita."

He's still pissed. His cold tone is already a dead giveaway.

"Akala ko ba may pupuntahan tayo?"

"Oo. Sa bahay ninyo. Uuwi."

Huminga ako nang malalim. Mag-isip man ako ng tanong, mauuwi pa rin sa wala dahil hindi na rin naman ako magsasalita. This cold treatment isn't going to last short. Ni hindi nga niya ako nililingon. Nagtatawanan pa nga kami kahapon noong hinatid niya ako sa mall para bumili ng gift para kay Leroy. Wala naman naging mali roon. Masaya kami, tapos ngayon...

LOYAL HEARTS #1: ROSS AND SCARS (Rewritten Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon