CHAPTER 11

2.4M 43.4K 14.7K
                                    

CHAPTER 11

NAGISING si Krisz ng maramdamang may tumatamang liwanang sa mukha niya. Kinusot niya ang mata at ininat ang mga braso. She yawned and looked around the room. May isang tipid na ngiti na kumawala sa mga labi niya ng mapansing iyon ang silid kung saan siya unang inangkin ni Train.

Bumangon siya at naligo. Paglabas niya sa banyo, tanging bathrobe lang na kulay itim na pag-aari ng asawa ang suot niya. At dahil tinatamad siyang buksan ang maleta kung saan naroon ang mga damit niya, hindi siya nagbihis at lumabas ng silid na naka-bathrobe lang.

Napapikit siya ng makaamoy ng mabangong aroma na nanggagaling sa kusina. Mabilis siyang naglakad patungo roon. Naabutan niya si Train na abala sa pagluluto ng agahan nila. Nang makita siya nito sa pinto ng kusina, ngumiti ito. Bigla namang nagharakiri ang puso niya dahil lang sa simpling ngiti nito.

Lumapit sa kanya si Train at niyakap siya pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi na para bang isa silang tunay na ma-asawa na para bang ikinasal sila dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kung may makakakita sa ginawa nito, hindi ng mga ito iisipin na marriage for convenience ang pag-iisang dibdib nila.

"Good morning, wifey. Hindi pa handa ang agahan. Doon ka muna sa silid natin, hahatiran nalang kita ng agahan." Ngumiti na naman ito at halos bumigay na ang tuhod niya.

Shit!

"Pahinga ka muna," ani Train. "Alam kong hindi sapat ang tulog mo para makabawi sa sixteen hours flight natin kahapon."

Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito. "Okay."

Bumalik siya sa silid nila. Silid nila. Wow. That sounded strange, yet it felt like she actually belonged there ... in his bedroom ... that was now their bedroom.

Napangiti siya sa isiping 'yon.

Nahiga siya sa kama at tumitig sa kisame. It was Sunday. Walang trabaho. Bukas, balik na sa reyalidad. Trabaho na naman. Nakakatamad.

"Ano kayang nangyari sa kompanya namin habang wala ako?" Tanong niya sa hangin.

Isang linggo rin siyang nawala.

"Alam na kaya ng mga investors na kasal na kami ni Train Wolkzbin?" Tanong niya ulit sa hangin.

"Gusto mo bang utusan ko si Boggy para sabihin sa mga investors na kasal na tayo?" Anang boses ni Train na ikinapitlag niya.

Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga at umupo sa ibabaw ng kama. Tumuon ang mga mata niya kay Train na naglalakad papasok sa kuwarto nila habang may dalang tray na puno ng pagkain. Bacon, fried rice, sandwich, hotdog, slice bread, brewed coffee, fresh natural melon juice and ice cubes for her juice. Iyon ang laman ng tray kaya naman hindi niya maiwasang matawa ng mahina.

"Akin lang ba lahat 'yan?" Natatawang tanong niya. "Bibitayin ba ako pagkatapos?"

Isang pilyong ngiti ang kumawala sa mga labi ng asawa. "Para may energy ka."

"Energy? Para sa?"

"Para sa balak kong gawin."

This got her curous. "Ano naman 'yon? Care to share what's on your mind, hubby?"

Umiling ito. "It would be a delightful surprise for you, iyobuv moya."

"Hayan ka na naman. Nagsasalita ng hindi ko naiinitindihan." Pinaikot niya ang mga mata. "Kakain na nga lang ako."

Akmang aabutin niya ang sandwich ng maunahan siya ni Train.

"Let me feed you," anito habang matiim na nakatingin sa kanya.

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinWhere stories live. Discover now