Inirapan siya ng kaniyang ina. "Silly boy. Normal lang na marami ang bisita kasi nga kilala ang pamilya natin. Marami ang magtatampo sa atin kapag hindi natin sila inimbitahan." Totoo naman ang sinabi nito. Tumingin ulit ito sa babae. "Here, hija, an invitation to Train and Krisz's wedding."

"Mom! We already have three thousand guests—"

"It's okay," anang babae na halatang ayaw namang dumalo sa kasal niya. "I don't want to attend—"

Pinutol ng ina niya ang iba pa nitong sasabihin. "Then we'll make it three thousand and one and oh, shut up, please." Pinandilatan siya nito at nakangiting bumaling ulit sa babae. "You will attend, yeah? Magtatampo ako kapag hindi."

Naiinis na tinalikuran niya ang dalawa at pumasok sa loob ng bahay nila.

Naiirita pa ring umakyat siya sa third floor kung saan naroon ang mga kaibigan niya na kararating lang kahapon para sa kasal niya. Hindi na nagulat si Lander sa balita, pero ang iba niyang kaibigan, kung puwede lang itali siya at i-interrogate ay gagawin ng mga ito.

"Bud, what's with the irritated face?" Tanong ni Iuhence ng makarating siya sa sala kung saan naka-upo ang mga ito at nagpapahinga. "Dumating na ba ang asawa mo?"

Mas excited pa yata si Vergara kaysa sa kanya.

"Hindi ko siya asawa," naiinis na sagot niya. "I'm just so annoyed!" Pasalampak na naupo siya sa sahig. "Argh! My mom was being a pain in my ass! She already invited three thousand guests and now she's adding one! Can't this get any worse?" He sighed in defeat.

Tinawanan lang siya ni Iuhence. "You could leave," he offered nonchalantly. "But then your father will die."

Train glared at him. "My father will not die!" ... ang ibinigay niyang rason sa mga ito ay magpapakasal siya kay Krisz dahil sa kagustuhan ng ama niya.

Itinaas ni Iuhence ang dalawang kamay na parang suko na ito. "Okay, okay, mabubuhay siya. Pero huwag masyadong umasa. Medyo matanda na rin ang ama mo e. Mamatay din 'yon—" Hindi natapos ang sasabihin nito dahil tinakpan ni Lander ang bibig nito.

"Shut up, Iuhence," ani Lander.

Umiling-iling si Calyx. "Damn, man. I am blunt but I am not like you. Your mouth doesn't have a filter. Kailangan sayo busalan ang bibig. You are so insensitive. Alam mo naman kung gaano nag-aalala si Train sa father niya."

Itinulak ni Iuhence ang kamay ni Lander na nakatakip sa bibig nito.

"Totoo naman ang sinasabi ko," ani Vergara at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa pagkatapos ay naglakad patungo sa teresa.

Huminga siya ng malalim at sinapo ang ulo na gulong-gulo. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. He didn't know what he was feeling at the moment. Hindi niya alam kung magpapakasal ba siya kay Krisz dahil sa kagustuhan ng ama o dahil gusto niyang isakatuparan ang sariling plano niya?

May punto si Iuhence. He could leave. Pero kapalit 'non ang buhay ng ama niya. At hindi niya kayang gawin 'yon. Hindi niya kayang abandonahin ang pamilya niya.

"Women are the worst problem a man could ever have," wika ni Lander.

Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "Hindi babae ang problema ko," pagkakaila niya.

"Ows?" Ngumisi si Calyx. "Kahit pa mamatay ang ama mo, hindi talaga babae ang problema mo?"

"Oo nga, Wolkzbin," segunda ni Lander. "Promise? Mamatay man ang ama mo?"

Pinukol niya ang dalawa ng masamang tingin. "Kayo nalang kaya ang mamatay. Bibigyan ko pa kayo sa kadena para magbigti kayong dalawa."

Tumawa si Lander. "Mababawasan ang gwapo sa mundo kapag namatay ako."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinWhere stories live. Discover now