KABANATA XIX: Salubong sa Bagong Taon

61 9 3
                                    

[Ala-sais  y medya ng gabi]

[Pananaw ni Teresa]

Halos mag-iisang taon narin pala ang kalbaryo ng nayon na ito. Hanggang ngayon hindi parin matukoy ang dahilan at sanhi ng mga nangyayari.

Sa kabila ng lahat, masaya parin naman ako dahil nananatiling ligtas ang nanay ko.


“Inay, kahit isang hiling lang para sa bagong taon,” pagpipilit ko sa nanay ko. “Mabilis lang naman. Hihiling ka lang.” Pagdaragdag ko pa habang hinahaplos ang kaniyang braso.

“Tigilan mo ako sa mga ganiyan mo, anak. Tulungan mo na lamang akong mag gayat ng mga gulay na iyan,” pagmamando nito sa akin.

“Hindi tayo matatapos sa niluluto natin para sa ihahain mamaya sa pagsalubong ng bagong taon, tapos kung ano-ano pa ang naiisipan mo.” nagpapatawang pagdaragdag nito sa akin.

“Inay, gusto ko lang naman malaman kung anong hiling mo sa para darating na taon. Noong nakaraan, ang hiling niyo ay para sa ikabubuti ko. Ngayon naman, mainam na siguro na ang ihiling mo ay para sa sarili mo.” paliwanag ko naman sa nanay ko.

“Teresa, Ina ako. Ang kasiyahan ng anak ko, ay siya ko naring kasiyahan. Kung saan ka mapapabuti, doon ako.”  Tugon naman ni Inay sa akin.

Talagang napakaswerte ko sa kaniya. Suportado niya ako sa lahat ng bagay kahit mag-isa na lamang niya akong tinataguyod.

“Sandali,” aniya sa akin.

“Mukhang may nakalimutan ka anak.” pagdaragdag pa nito sa akin.

Inisip ko naman agad kung ano ang itinutukoy niya sa akin. Agad kong binalikan ang lahat ng binili kong rekado. Inisa-isa ko itong mabuti.

“Mukhang wala naman, Inay.” Agad ko namang tugon sa kaniya sabay kamot sa ulo ko.

“Mantikilya.”

“Nakalimutan mo ang mantikilya, anak. Paulit-ulit ko nang nabanggit sa iyo kanina iyon,” paglilinaw nito sa akin.

Nang makompirma ko nga na nakalimot ako sa mantikilya na siyang bilin niya, agad naman akong umakma ng pagtayo, upang makalabas ng bahay at ihabol ang mantikilya na siyang sinasabi ng aking nanay.

“Oh, saan ka naman gagawi?” Napatigil naman ako sa sinabi niya.

“Babalik sana ako Inay kay Aling Sianing. Ang alam ko po kasi, nasabi ko sa kaniya kanina iyon, baka nakaligtaan niya lang ilagay sa bayong ko kaya ganoon.” Paliwanag ko naman sa kaniya.

“Hindi, ako na anak. Tutal may sasabihin din ako kay Sianing, bantayan mo nalang itong bahay, mabilis lang naman ako,” aniya sabay kumuha ng pitaka. “Ikabat mo ang pinto, siguraduhin mong naka-kandado.” Pagdaragdag pa nito kasabay ng paghalik sa aking noo.

“Mahal na mahal ka ni nanay.”

Dahil alam ko naman na maingat si Inay, hindi na ako sumama pa sa kaniya, sinunod ko na lamang ang habilin niyang isara ang pinto at bantayan ang buong bahay.

[Alas-otso ng gabi]

Wala parin si Inay, matagal na ang isang oras at kalahati sa pagbili ng mantikilya at pakikipag-usap kay Aling Sianing. Ngunit mas inisip ko na lamang na baka napasarap lamang ang kwentuhan ng dalawa. Kumalma ako ng panandalian at hindi ng isip ng kung ano pa man.

Hindi ako maaaring umupo lamang at walang gawin, sa gitna ng madilim at maputik na daan, tangan ang maliwanag na lampara, pinuntahan ko ang bahay nina Aling Sianing.

Nang marating ko ang bahay, agad akong nagtawag ng tao, umaasang mabilis silang makakalabas.
Makailang tawag pa ay nagpakita  narin si Aling Sianing.

“Oh, Teresa, malalim na ata ang gabi para sa pagdadalaw mo,” bigkas nito sa akin.

“Gusto mo bang pumasok muna? Pasensya na at matagal ako bago nakalabas, iniintindi ko kasi ang ihahanin mamaya sa pagsalubong ng bagong taon.” Pagdaragdag pa nito sa akin.

“Nako, hindi na po, Aling Rosy.” Tugon ko naman sa kaniya.

“Ano bang atin?” Pagtatanong niya sa akin.

“Nasa loob po ba ang Inay?” Agad kong tugon sa kaniya.

Umaasa lang ako na maaaring nasa loob siya ng bahay ni Aling Sianing. Baka lang. Umaasa lang.

“Kanina pang umalis ang nanay mo dito, bumili siya ng mantikilya at nag kwentuhan kami ng kaunting oras,” aniya.
“Wala pa ba sa inyong bahay?” pagdaragdag pa nito.

Laking pagtataka ko naman sa mga narinig ko. Kung matagal nang umalis doon ang nanay, nasaan siya ngayon?

Hindi ko na nasagot pa ang tinatanong ni Aling Sianing. Nagmamadali kong binagtas ang maputik at madilim na daan pauwi ng bahay.

“Teresa, h’wag ka na muna mangamba, baka naglasalisihan lang kayo.” Pagpapakalma ko sa sarilli ko.

Halos madapa ako sa pagmamadali ng biglang...

“Tsenelas ito ni nanay.”

Nangingilid ang luha sa mga mata ko nang makita ang kaliwang sapin sa paa ng Inay. Isa lang ang kahulugan ng bagay na iyon, may nangyaring masama kay Inay.
Halos gumapang ako sa putik habang hinahap pa ang ilan sa indikasyon na nasa panganib nga siya.

Tinatayang 2 metro ang layo mula sa kaliwang sapin sa paa, nakita ko naman ang kaniyang pitaka, bukas na at walang laman ni singko.

“Inayyyy!”
“Inayyyy!”
“Uuwi na tayo, Inay!” Palahaw sa gitna ng dilim.

Buong hinagpis at paulit-ulit kong tinawag ang nanay ko, ngunit walang tumutugon.
Walang tumutugon? O baka wala talang tutugon dahil wala na.

Ayokong sumuko sa ideyang wala na talaga si Inay. Ngunit bumabagabag sa akin ang katotohanang bawat araw,  may nawawala na lamang bigla at hindi na nakikita pang muli. At sa huli, hindi nalalayong ganoon narin ang mangyari kay Inay.

“I-inay k-ko...” paghihinagpis kong bigkas.

Naalala ko bigla si Dencio, kaya  imbis na dumiretso ako sa bahay, kaagad akong nagtungo sa kaniya.

“Dencio?” Palahaw ko sa labas ng bahay niya.

Kaagad naman niya akong pinagbuksan ng pinto. Makikita mo sa kaniya ang mukhang gulat na gulat sa nakikita niya. Sa dumi ko ba namang ito.

“Teresa, anong ginagawa mo dito? Anong oras na, ah?” Pagtatanong nito sa akin.

“Imbis na ako ang mawala, si Inay ang kinuha, Dencio!” Bulalas ko sa kaniya. “Wala na ang Inay, Dencio! Wala na siya!” Pagdaragdag ko.

“Hindi kita maintindihan, Teresa,” tugon naman nito sa akin.
Marahil hindi mo ako maiintindihan ngayon, Dencio. Pero isa ang malinaw...” paliwanag ko sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon, tinitigan ko siyang mabuti sa mga mata.

“Totoo ang aklat, totoo ang pagkakasunod ng mga pangalan, Dencio. Mag iingat ka dahil, ikaw na ang susunod.” Pagdaragdag ko pa sa kaniya. Bahagya naman siyang napalinga sa kaliwang parte ng likod ko, gulat ang mababatid mo sa mukha niya na pawang may multong nakikita.

“L-lora Maura?”

Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Where stories live. Discover now