KABANATA II: Hunyo, 1865

124 17 5
                                    


"Kanina ka pa ba?"
malamyos na boses na siyang bumasag sa atensiyon na ipinukol ko sa mga buto ng tao na nagkalat sa likod ng bahay.

"Naglakad-lakad lang ako, apo. Sinubukan kong huwag gumamit ng tungkod para naring ehersisyo ko." pagdaragdag ng lola ko, ngunit hindi ko parin siya nililingos.

"L-lola?"kabado kong pagtatanong sa kaniya.

"Apo? Gusto mo bang ako na ang maglinis ng mga kalat na iyan?"
pag mumungkahi niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagdampi ng mga kamay niya sa balikat ko. Pinagpawisan ako at literal na hindi ko maigalaw ang aking mga paa.

"Ah. Eh. L-lola? Ano pong k-kalat i-ito?" wika ko sa marahang pananalita.

Hinarap ko siya. Pumukaw sa takot ko ang maamong mukha ng matanda.

"Marahil yung mga mababangis na hayop, diyan iniiwan o 'di kaya'y dito na kinakain ang binibiktima niya."

"...matagal ko nang nakikita iyan, hindi ko nalang sinabi sa iyo, apo. Alam kong abala ka sa mga iba pang bagay."pagdaragdag pa niya sabay hawak sa mga braso ko.

"Tara na sa loob, apo. Akayin mo ako't sumasakit na ang mga tuhod ko." pagmamando niya sa akin.

Samantala, nanatili akong tahimik sa mga pangyayari. Ang hirap pag tagniin ng sitwasyon. Nanatiling palaisipan sa akin ang mga nakita ko.

Isa lang ang sigurado ako. May kakaiba sa katayuang kinalalagyan ko.

-

𝘏𝘶𝘯𝘺𝘰, 1865

"Lola, unang araw ngayon sa eskwela. Kalahating araw lang naman po ang klase ko." sambit ko sa Lola ko at agad na tumungo sa kaniyang silid.

"Lola, nasa lamesa na po ang mga pagkain niyo. Pasensya na po at ginataang pakó lamang ang nakahain. Hayaan niyo at babawi ako kapag nakaluwag-luwag na." pagdaragdag ko sa kaniya, sabay hawi ng kaniyang puting buhok at halik sa noo.

Isang daang kilometro ang layo ng aming bahay sa eskwelahan. Bago pa ako makarating sa silid namin, nakailang ayos na ako sa sira-sira kong tsinelas at posibleng mag aamoy araw na agad ako.

"Ang anak ni Manong Gimo, isang buwan na buhat ng mawala. Hanggang ngayon, ni bakas ng pamamaalam ay walang matagpuan." usap-usapan ng mga gurong kasabay kong naglalakad tungo sa maputik ngunit maalinsangang paaralan sa nayon ng Takip-silim.

"Baka naman kasi, may nobyo na at nakipagtanan na. Kilala mo naman si Manong Gimo. Talagang 'di maiwasan ang alak kaya iniiwanan na ng mahal sa buhay." pagdaragdag sa usapan ng mga ito.

"M-mga chismosaa! Wala na talaga kayong magawang mabuti ano? Mga guro pa mandin kayoo!" sigaw ni Manong Gimo na siya palang nasa bandang likod namin.

Lasing at tangan parin nito ang isang bote ng tuba (alak na gawa sa katas ng niyog).

"Mahabaging langit." gulat na sambit naman ng isang guro.

"Manong Gimo, kung sana'y tinitigilan niyo na ang pag iinom. Edi sana ay may nag titiis sa inyo ngayon at hindi sana kayo iniwan ni Asunta."pagdaragdag nito.

"Hindi ako iniwan ng anak ko! Nilapa siya ng isang demonyo! Tiyak ako at nakita mismo ng dalawang mata ko!"sambit ni Manong Gimo sa lasing na timbre.

"Hanggang ngayon ay naniniwala parin kayo sa halimaw na iyon? Iba talaga ang nagagawa ng alak, Manong Gimo." natatawang sambit naman ng guro.

Ayoko nang maki usyoso pa sa usapan nila kaya't nagpatuloy na ako sa pag pasok sa tarangkahan ng eskwelahan.

Hanggang sa loob ng silid ay yuon at yuon parin ang usapan.

Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Where stories live. Discover now