KABANATA XI: Disyembre, 1865

114 13 0
                                    

Dala ng pangangamba, agad akong nag tungo sa labas upang alamin kung sino ang nasa likod ng pamamato.

Halos madapa ako nang makita si Mang Gimo, lumilinga-linga sa paligid at dali-daling tumakbo palayo sa aming bakuran.

“Napansin mo ba kung sino?” ika ni Teresa sa akin sabay hawak sa aking mga braso.

“Hindi na siguro mahalaga iyon, Teresa.” tugon ko naman sa kaniya kahit hinahangos pa.

“Si L-lola? Anong lagay niya?” pagdaragdag ko kay Teresa.

“Walang anumang galos si Lola Maura. Binuhat ko narin siya at iniayos sa kaniyang katre.” wika naman niya sa akin.

“May malay na ba?” pagtatanong ko pa sa kaniya.

“Wala.”

“Wala pa, Cynthia.”

“Anong dahilan, bakit may ganitong pangyayari?”

“Matagal na bang nangyayari ito?”
Sunod-sunod na pagtatanong ni Teresa sa akin.

Alam kong nag aalala si Cynthia. Malaking bagay para sa kaniya ang kaligtasan namin, lalo na si Lola Maura.

Mula pagkabata namin, kung mayroon man siyang kinagagalak sa tuwing napapa gawi siya sa amin. Iyon ang makita at makasalamuha si Lola.

Pawang payaso lagi ang sitwasyon ng matanda sa aming tatlo nina Dencio at Teresa.

Wala man kaming mararangyang laruan at tanging bato at halaman ang kinukutingting, masaya naman kami sa patnubay ni Lola Maura.

Disyembre, 1865

“Lola?”

“Lola Maura, gising na.” pag gising ko sa matanda habang hinahagod ang puting buhok nito palikod.

Nag mungat-mungat naman ang mga mata nito, isang indikasyon na nasa malay na ulit ang matanda.

“Lola. Mabuti naman at gising na kayo.”

“May masakit ba sa inyo? Sabihin niyo. Anong kailangan niyo?”
Sunod-sunod kong pagtatanong sa kaniya dala ng pag aalala.

“A-apo. Ayos lang si L-lola. Medyo sumakit lang ang bewang ko, dala narin siguro ng pagkaka bagsak ko sa sahig.” paliwanag naman niya sa akin.

Akmang uupo si lola mula sa pag kakahiga nito ngunit pinigilan ko siya. Mababakas mo kasi sa estado niya na hirap parin siyang maka agulapay.

“Ang mga batong iyon...”

“Nais ko sanang alamin kung sino ang bumabato mula sa labas, ngunit tila nag bulid ang mga paa ko dahilan para bumagsak ako sa sahig at mapatama sa kantohan ng katre ang bandang ulo ko.” paliwanag sa akin ni Lola.

“Mabait parin ang Diyos at mahina lamang ang pagkaka hampas ng ulo ko. Buhay parin ang matandang Maura.” napapangising pagdaragdag nito sa akin.

Tinitigan ako ni Lola sa mga mata.
Hinawakan ang magkabilang pisngi ko at nag wika.

“Apo, hindi pa ako maaaring magpaalam. Hindi ngayon at hindi sa mga susunod na araw.” misteryosong mensahe na bumulalas sa bibig niya.

“Si Mang Gimo, Lola.” imik ko.

“Si Mang Gimo ang huli kong nakitang lumabas ng bakuran nang matapos ang pamamato.”
pagdaragdag ko pa sa kaniya. 

“Si Gimo.  Talagang hindi siya titigil. Nag aalala ako sa kilos niya.”  banggit nito sa akin sabay baling ng atensiyon sa harap ng bintana.

“Kung bakit nagawa ni Asunta na abandunahin ang kaniyang ama sa  gitna ng sitwasyon na ito.” tugon ko naman kay Lola.

[Pananaw ni Lola Maura]

Alam ko ang nararamdaman ni Gimo. Alam ko ang galit na namumutawi sa kaniyang puso.
Maaaring dahil sa biglaang pagkawala ng kaniyang unica ija, kung ako man ang nasa sitwasyon niya. Baka higit pa ang magagawa ko.

Habang patuloy na nililisan ni Cynthia ang aking silid. Bahagya akong tumayo para kumuha ng malaking puting kumot na siya kong itatabon sa silong ng aking katre.

Nang akma ko nang itatabon ang malaking tela, biglaan naman ang pag pasok ni Teresa sa silid na siyang gumulantang sa akin.

“Oh, Lola, bakit agad kayong kumikilos, kagagaling niyo lamang sa sakit.” ika nito sa akin sabay lapit sa aking kinatatayuan.

“Ah, ayos lang iyon, iha. Kaya pa naman ng katawan ko.” tugon ko naman sa kaniya habang hindi ipinahahalata sa kaniya ang mga gawi ko.

“Ano po bang ginagawa niyo? T-teka, at tulungan ko na kayo.” bulalas naman nito sa akin, dahilan para mangamba ako. Hindi pwedeng malaman ni Teresa ang tungkol sa bagay na ito.

“Ah, iha. Kaya ko na. Sige na at puntahan mo na sa labas si Cynthia.” agad ko namang pagtanggi sa alok niya.

Mababakas sa mga mukha ni Teresa ang pagtataka, ngunit wala narin siyang nagawa. Sa halip, tangan ang isang abaniko, muli siyang lumabas sa silid, marahil upang puntahan si Cynthia.

Nang matapos ko na ang palalagay ng puting tabon sa silong ng aking katre, muli akong humiga rito. Iniisip ko kung napansin kaya ni Teresa ang aking kakaibang kilos kanina.

“Oh, mahabaging langit, hayaan niyong ako ang lumutas ng mga ito. Huwag niyo sana akong pangunahan.” imik ko sa aking sarili.

[Katapusan ng pananaw ni Lola Maura]

[Pananaw ni Teresa]

“Ah, iha. Kaya ko na. Sige na at puntahan mo na sa labas si Cynthia.” malaking pagtanggi ni Lola sa mga alok ko. 

Bago pa man ako mapigilan ni Lola.  Umalingasaw naman ang masangsang na amoy na sumimoy mula sa katre.

“Ano iyong amoy na iyon?” pagtatanong ko sa aking sarili habang palabas na ako sa silid ni Lola, tangan ang dala kong abaniko.

Napailing na lamang ako.
Wala din naman magagawa ang sobra kong pag iisip ng dahil lamang sa amoy na iyon pero...

Hindi...

Ano iyong amoy na iyon?

Bakit balisa si Lola ng akma ko siyang tutulungan?

Hindi kaya may itinatago ang matanda sa amin?

Kailangan kong malaman iyon.

[Katapusan ng pananaw ni Teresa]

“Cynthia! ”

Isang malakas na sigaw na siyang bumungad sa nakabukas na tarangkahan ang sumalubong sa akin.

“Hinahangos ka naman ata, Mang Pedring.” bulalas ko naman kay Mang Pedring.

Si Mang Pedring ay isang kilalang magla-lambanog sa aming nayon.

“Ano po ba ang dahilan at nagmamadali kayong tumungo rito?” pagdaragdag ko pa sa kaniya habang tangan ko parin ang walis tingting.

“Si Gimo...” naghahabol-hininga nitong bigkas sa akin.

“Ano pong mayroon kay Mang Gimo?” tugon ko naman sa kaniya.

“Sabi ko na nga ba at hindi mo alam eh.” wika naman nito sa akin.

“Patay na si Gimo, Cynthia.” pagdaragdag nito sa akin.

Bagaman gusto kong magulat, hindi ko narin inalala pa ang bagay na iyon.

“Gusto ko mang maki usyoso, Mang Pedrito, mas makabubuti siguro kung mawalan narin ako ng pakialam sa lahat.” pagpapaliwanag ko naman kaniya at akmang tumalikod para pumasok na muli sa aming bahay.

“Sa pwesto mo sa bayan, Cynthia.” imik nito sa akin.

“Doon nakita ang gula-gulanit niyang bangkay. Halos hindi na makilala.” pagdaragdag nito.

Napatigil naman ako ng bahagya.

“S-sa puwesto k-ko?”

Ang Lihim ni Lola Maura [PUBLISHED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon