chapter 7: recruitment

ابدأ من البداية
                                    

Pumasok na kami sa isang mumurahing restaurant. Okay na sakin to no hindi naman ako choosy eh!

“ano pong order nila?” tanong sa amin ni ateng waitress ata. Binigyan kami ng tigi tigisang menu. Hmm… ano kaya?

“ako carbonara and lemon juice na lang” sabi ni Blair

“ganun na lang din ako” sabi naman nila Amber at Micla

“ako beef stake at iced tea” sabi ni kuya Daren at ni kuya Arthur

“ako lomi at water na lang” sabi naman ni ate Emryde

Lahat sila nakatingin sa akin, nag iintay ng order ko.

“ate akin po dalawang siopao, isang beef stake, isang carbonara, isang burger, isang French frice large, isang lecheflan, at isang choco shake na large. Yun lang po” sabi ko sabay ngiti. Teka, bakit hindi nagsusulat yung ate?

“ate, nakuha nyo po ba order ko?” tanong ko

“ah, oo, yun lang ba?” tumango naman ako. Umalis na sya at hinanda na ang order namin.

Katabi ko nayon si Micla na nakatutok nanaman sa hone nya. Grabe talaga to, kulang na lang magkapalit sila ng mukha eh.

“hoy Micla! Ano nanaman yan hah!? Tutok ka nanaman jan sa phone mo! Pakasalan mo na nga yan!” sabi ko sa kanya

“tss… matagal na kaming kasal ng mga gadgets ko” -_- ano pa ba aasahan ko dito?

“grabe! Kelan mo balak hiwalayan yan?”

“wala akong balak hiwalayan to kasi mahal ko to at hindi ko ito iwan” -_-

Pano kaya pag nagkalovelife to no? ang tanong, magkakalovelife ba to? Eh baka kasi hindi makatagal ang lalaki dito kasi naman wala syang time dahil ang lahat ng oras nya ay kinakain ng gadget nya. Isa pa, tiyak na magkakaroon ng gadget love affair. Tsk tsk tsk. Baka ang maging theme song pa nila ay ‘Dota o ako’ wahahaha ang jeje!

Biglang lumapit sa amin si ateng nakawaitress.

“Ay, nakalimutan ko po palang itanong mga pangalan ninyo para po tatawagin na lang po namin kayo pag ready na, ganun po kasi dito, sa counter area po kinukuha ang order.”

“ah, ate isusulat na lang po namin sa papel. Ibibigay na lang po namin sa inyo mamaya” sabi ni kuya Daren

“sige po” at umalis na si ateng waitress.

Binigyan kami ng tigitigisang papel ni kuya Daren. Tigi tigisang ballpen na din.

“ano nga bang pangalan ko?” narinig ko na bulong ni kuya Athur. Haha mapagtripan nga!

“kuya, nakalimutan mo? Ipapaalala ko sayo. Sulat mo na lang yung letters na sasabihin ko”

EA II: Battle Between Two Kingdomsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن