"Lumapit ka sa akin at mapapatay kitang g*go ka." He said coldly and his tears rolled down to his cheeks. My heart prickle at the sight of him crying. But what me made afraid was his cold expression and voice. Right there I knew . . . I'm screwed.


Clayton's Pov

"Pareng C-clayton-" pinandilatan ko si Colt kaya napatigil siya.

"H'wag na h'wag mo akong tatawagin sa pangalan na yan Colt."

Nilinlang nila akong lahat. Lahat sila dito! Pati na ang lalaking akala ko . . . akala ko mapagkakatiwalaan ko. At .ahal ako na akala ko hindi ako kayang saktan. Ang lalaking nangako sa akin. Pero siya rin ang lalaking babasag sa akin ng ganito.

"Babe-"

"P*tang*na mo! H'wag mo akong tawaging babe! Sinungaling ka!" bulyaw ko kay Lorcan. Hahakbang na naman sana siya pero umatras ako at muling sinigawan siya. "Tang*nang h'wag ka ngang lalapit, diba!"

"F*ck! Let me explain-"

Pinutol ko siya. "Anong ipapaliwanag mo? Anong hindi pa klaro sa sinabi ni Raphael." Saglit kong tiningnan si Raphael at muling tumingin ko sa kanya.

"Sumagot ka sa akin Lorcan. Oo at hindi lang ang sagot. Kilala mo ba ako sa simula pa lang? Plano lang ba ang lahat?"

"Perkin-"

"Oo at hindi, Lorcan!"

Napahilamos siya sa palad niya. "O-oo."

"Salamat sa sagot mo." Tumawa ako pero wala iyong ka-humour-humour. "Ngayon sabihin mo sa akin. K-kasama ba sa plano mo  sina J-jason at iyong Ivon, kasabwat mo rin ba iyon?”

"Y-yeah," mahina niyang sagot na nagpadagdag sa sakit at bigat ng dibdib ko. Pinunasan ko ang luhang lumandas sa pisngi ko. Kaya hindi ko namalayang nakalapit pala sa akin si Lorcan. Hinawakan niya ang balikat ko pero mabilis ko siyang itinulak at sinuntok. Para siyang walang lakas sa katawan dahil napaatras siya. Humakbang ako papalapit sa kanya at sinuntok ko ulit siya ng dalawang beses. Hindi siya nanlaban hinahayaan niya lang akong suntukin siya. Natumba siya kaya mabilis ko siyang kinababawan at kinuwelyuhan.

"Sabihin mo sa akin. Bakit mo ito ginagawa sa akin?" wika ko habang tumutulo ang luha sa suot niyang pulo. Sinubukan niya ako hawakan pero winaksi ko lang ang kamay niya. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kuwelyo niya. "Sagutin mo akong g*go ka!"

"B-babe-" naputol siya nang niyugyog ko siya gamit ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya.

"Sagutin mo ako ng hindi mo ako tinatawag na babe. Isang babe mo pa at hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin ko sayo." Malamig kong untag.

Namumula na ang mata ni Lorcan. Huminga siya ng malalim. "Christiano Perkin." anito, kaya kumunot ang noo ko dahil alam niya ang pangalan ng ama ko. "Your, your father killed my grandparents. You know how much I treasure my grandparents that's why when I get to know that Christiano killed them. I made my mind to get revenge. But then he vanished. That's why, that's why I am using you to lure him. But that was an initial plan. Coz, everything changed ba-Perkin, I love you and-"

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sa mga sinasabi mo, ha!?" Pinutol ko siya.

Bakit naman papatayin ng ama ko ang mga grandparents niya? At kung gusto niya ng hustiya dapat sa kamay ng mga pulis niya iyon ipaubaya hindi, sa kamay niya.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now