Nineteen

261 36 37
                                    

"One year na... Kailan niya ba balak na bumalik?" umikot-ikot ako sa higaan. "Baka may iba na siya. Hindi pwede!" Napabalikwas ako ng bangon at napasuklay sa buhok.


Nag-ayos na lang ako ng kwarto para mawala sa kokote ko 'yung mga iniisip ko. "Subukan lang talaga niya. Babalatan ko siya ng buhay," bulong ko sa sarili habang nagtatanggal ng mga damit sa cabinet para ayusin. Nialapag ko ang mga iyon sa kama ko.


Napabuntong hininga ako nang makita ko ang dress na binili ko para masuot ko sa concert ng Ben&Ben. Nanghingi pa ako ng pera no'n. Na-miss ko na naman siya lalo.


Tinupi ko nang maayos ang mga damit at pantalon ko at inayos ang pagkakalagay sa cabinet. Pati ang mga undergarments ko, magulo, kaya inayos ko na. Naalala ko na naman 'yung nakita ang brief niya noon. Uminit ang pisngi ko. Mahina kong sinampal-sampal ang pisngi ko, "Tumigil ka nga."


Nag-mop at walis din ako. Tinanggal ko na rin ang carpet at nilabhan. Humiga muna ako saglit para magpahinga.


Dalawang buwan na matapos ang kasal nila Kuya Chandler at Matilda. Hanggang ngayon ay nasa Sweden pa rin silang dalawa. Next month naman ay ikakasal na rin sila kulangot at Ate Anais.


Nakaidlip ako at kumain muna ng meryenda. Wala ako sa trabaho dahil rest day ko ngayon. Iyong bed a d breakfast ni Dwarren ay si Mavryck muna ang namamahala. Pumupunta ako roon minsan, nagtatanong kung alam ba niya kailan babalik si Dwarren.


Bumalik ako sa kwarto at pumunta sa table ko. Umupo ako at binuksan ang drawer. Andoon ang mga postcards na galing kay Dwarren. May envelope at sa loob no'n ay may lamang picture ng lugar at may sulat sa likod.


Binuksan ko ang isang envelope at ang laman ay litrato ng lugar sa Santorini. Tinignan ko ang likod, kung anong nakasulat doon.


'Se Agapo ♡'


Binuksan ko rin ang iba. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako.


'You are my star. My light. My world. My life. Lastly, my misis.'


'Mahal kita araw-araw ♡'


Nang matapos basahin lahat ay tinanggal ko ang bedsheet ko at pinalitan iyon ng bago. Bumaba ako ng hagdan habang bitbit ang lumang bedsheet. "Misty, tulungan na kita riyan," sambit ni Ate Melba.


Umiling ako, "Ako na po. Wala naman po akong ginagawa, eh." Nakangiting tugon ko.



Nagpaka-busy lang ako sa buong araw. Kinagabihan ay lumabas ako ng kwarto dahil narinig kong nakauwi na si kulangot galing trabaho. Dali akong bumaba at nakita siyang kasama si Ate Anais, nakahawak pa siya sa baywang ni Ate. Ang isang kamay niya ay may hawak na paperbag. Napangiti ako at tumakbo papunta sa kanila. "Misty..." Niyakap ako ni Ate Anais.


Ginulo naman ni kulangot ang buhok ko, "Ang baho mo!" Bulalas niya sa akin.


Napangiwi ako at tinulak siya, "Naligo na kaya ako." Naiinis na saad ko. Mabango naman ako kahit maligo o hindi!


Tumabi ako kay Ate Anais na tinatawanan lang kami. Inakbayan ko siya, "Ang sama ng mapapangasawa mo, Ate, 'no?" Pang-iinis ko kay kulangot. Lalapit sana siya para kutusan ako pero hinila ko lang si Ate Anais papuntang kusina. "Kumain na kayong dalawa?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila bago tumawa. "Bakit? Pinagtatawanan niyo ba ako?" Nagpamaywang ako at nagtaas ng kilay.



May nilapag na paperbag si kulangot sa mesa at may nilabas na sandamakmak na fries, chicken sandwich, at spagehtti sa Mcdo. Hahablot na sana ako pero pinigilan ako niya ako. Si Ate Anais ay nakaupo at natatawa kaming pinapanood. "Ito sayo," nilagay niya sa palad ko ang small size na fries at may laruan pang maliit na minion. Sinamaan ko siya ng tingin, "Dalawa na ang pinapakain ko kaya 'yan lang muna sayo."



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now