Fifteen

159 41 31
                                    

Magang-maga ang mata ko pagkagising kinaumagahan. Halos 'di rin ako nakatulog. Nilingon ko si Dwarren sa tabi ko, ang sarap ng tulog, nakabaling sa direksyon ko. Napabuntong hininga ako. Bumangon at umusog ako pataas ng kama para makasandal sa headboard. Napatitig ako sa ceiling, "Totoo kaya 'yun?" bulong ko sa sarili ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at humikbi. Kaano-ano niya ba si Kaitlyn? Malakas ang kutob ko na iyong Kaitlyn na nakilala ko at 'yong nasa text message ni Dwarren ay iisa. Hindi ko alam ang gagawin. Tahimik lang akong umiiyak at tinupi ang tuhod ko para maisiksik ang mukha ko.



"Baby..." Rinig kong tawag ni Dwarren. Tinignan ko siya at napabuntong hininga. Nakapikit pa ang mata.



"A-Andito a-ako, Dwarren," pinilit kong hindi mapiyok.



"Hmm..." Daing niya at umikot. Pinikit ko muli ang aking mata, hinihiling na sana hindi iyon totoo. Makasarili man pakinggan... pero masaya na kami, eh.



Bumangon na ako at naunang naligo. Nagluto na rin ako dahil tulog pa siya. Nakatunganga lang ako habang naghihiwa ng sibuyas. "Aray!" Bigla kong nahiwa ang daliri ko kaya nagdugo. "Shit naman," wala sa mood na sabi ko. Nakakainis naman kasi! In-open ko ang faucet. Hinugasan ko iyon habang dumadaloy ang tubig, napabuntong hininga ako pagkatapos.



"Goodmorning, misis ko." Biglang may yumakap sa likuran ko.



Inis ko siyang hinawi, "Alis nga! Ang aga-aga, eh. Nakaka-badtrip!" Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Wala ba siyang balak sabihin sa akin?!



Bumitaw rin naman siya agad. "Meron ka ba ngayon?" Inosenteng tanong niya.



Padarag kong nilapag ang kutsilyo at hinarap siya nang nakahalukipkip. Tinaasan ko siya ng kilay, "Wala ka ba talagang balak na sabihin, ha?" Pinipilit kong kumalma.



Kumunot ang noo niya at hinawakan ang aking magkabilang braso. "A-Anong sasabihin?" Takang niyang tanong.



Tinignan ko siya nang mariin, "Si Kaitlyn, sino siya?" Matabang na tanong ko.



Napaawang naman ang labi niya. Hinawakan niya ang mukha ko pero umiwas ako, "Ex ko siya, okay? Kung ano man 'yung nabasa mo, nagsisinungaling lang siya." Marahang saad niya.



Muli ko siyang binalingan, "Paano kung totoo?" Mangiyak-ngiyak na sambit ko. Umiling ako, "Dwarren, paano kung totoo?" Napasabunot ako sa buhok.



Niyakap niya ako at pinapakalma. "Hindi 'yun totoo, okay? Maniwala ka sa akin."



Umiling ako ng paulit-ulit, "Bakit niya nasabi iyon kung gano'n?" Parang bata na sabi ko dahil sa pag-iyak. "Dwarren.." Humahagulhol na saad ko habang mahinang sinusuntok ang dibdib niya. Kumalma rin ako matapos ang ilang minuto at siya na ang nagpatuloy na nagluto habang ako naman ay nakaupo sa dining table. "Sabi sa text.. 'Remember that day? Nung nagkita ulit tayo?' anong ibig niyng sabihin?" Matamlay na pagkakatanong ko. "Magkwento ka. Para naman may alam din ako."



Hininaan niya ang apoy sa stove at umupo sa tapat ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Matagal na kaming break ni Kaitlyn, tapos birthday ng common friend namin. Sa isang club, doon siya nag-celebrate at invited kami pareho..." Ramdam ko ang kirot sa puso ko. May ex-girlfriend pala siya. Patuloy lang akong nakinig, "Lasing kami no'n at 'di ko naalala ang lahat pero nagising nalang ako magkatabi na kami," pahina nang pahina niyang sambit. Tumango ako at mariing lumunok. Ang laki kong tanga, pinagkuwento ko siya ayan nasaktan tuloy ako.




Yumuko ako, "I-Ibig sabihin nga m-may n-nangyari sa i-inyo," peke akong natawa.




Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Tinaas ng isang kamay niya ang baba ko para matignan ako sa mata. Pinipilit kong hindi umiyak sa harapan niya. Malungkot niya akong tinignan, "Pero baka naman 'di ba, hindi talaga ako-"




When the Stars Aligned Where stories live. Discover now