Seventeen

255 36 18
                                    

Unti-unti akong nagmulat ng mata. Bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw mula sa ceiling. Ramdam ko rin na nakahiga ako sa isang malambot na kama.


"Okay ka lang ba, M?" Dinig kong tanong ng isang pamilyar na lalake. Pinikit-pikit ko ang aking mata at luminaw na ang lahat. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa gilid ko, nag-aalala. Si kulangot at andito rin... pati siya.


Iniwas ko ang tingin ko at sinagot si Dwarren, "Oo naman." Bored na sagot ko.



Lumapit sa akin si Raul at chineck ang ulo ko, "Hindi ka ba nabagok-"


Malakas ko siyang hinampas, "Tangina ka." Umirap ako, "Lumayas ka rito, bwisit ka!" Bulalas ko.


Napakamot siya sa batok, "Okay na okay nga."


"Pangit mo ka-bonding, Raul!" Napailing si Tonyo at bumalik ang dalawa sa pag-upo.


"Sure kang walang masakit sayo?" Paniniguro ni kulangot.


Tinanguan ko siya at ngumiti, "Oo, natumba lang ako sa pagliko, tapos nahilo ako kaya nawalan ako ng malay," tinaas ko ang magkabilang braso ko. "Oh, walang masakit. Sugat lang naman, gagaling din 'to agad," paliwanag ko.


Kumunot ang noo ko nang may dalawang tao ang wala, "Saan si kuya at Bench?" Wala kasi sila rito sa hospital room.


Hindi ko sinasadyang lumingon sa direksyon ni Dwarren na nakaupo sa maliit na couch sa gilid. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin. Umiwas agad ako ng tingin. Bakit siya andito? Akala ko ba nasa Manila siya? Dahil andoon ang pamilya niya.


"Nagbabayad si kuya ng billls. Si Bench... Baka papunta na rin 'yun," sagot ni kulangot. Tinuro niya anv mesang malapit. "May mga pagkain doon, gusto mo?"


Umiling ako, "Mamaya na."


Nagsalita si Raul, "Gustong-gusto ka ngang puntahan ni Bench kaagad kaso 'di raw makaalis agad dahil sa trabaho. Sobrang nag-alala 'yun," pagkuwento niya. Napalingon ako sa kanya, siniko siya ni Tonyo at awkward siyang lumingon kay Dwarren at pilit na ngumiti.


Bumukas ang pinto at kakarating lang ni Bench. Kita kong napalingon din siya kay Dwarren bago muling binalik ang tingin sa akin. "Kamusta?" Aniya bago sinarado ang pinto.


Nakangiti si Bench na lumapit. Hinawakan ko ang braso niya, "Babe, andito ka na! Okay na okay ako, walang masakit sa akin." Pagpapanggap ko. Kita ko naman ang gulat a mata niya.


"A-Anong b-babe?" Bulong niya, bahagya pang namula ang mukha.


Hindi ko siya sinagot at nilingon ko sila na nakaawang na ang mga labi sa pagtataka. "Ano ba kayo! Para namang hindi mga sanay 'to! Na-miss ko lang siya!" Peke akong tumawa. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa sa ginagawa ko. Kita ko rin si Dwarren na nakatitig lang sa sahig. Bakit parang malungkot siya? Gusto kong sabihin na umuwi nalang siya dahil baka hinahanap na siya ng anak niya.




Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si kuya. Tumikhim siya, "How's my baby sister? Sabi ko naman sayo mag-ingat ka," medyo napagalitan pa ako. "Hindi ka muna magmamaneho."



Bumitaw ako sa paghawak ng braso ni Bench na gulat pa rin. "Baby sister?!" Napatawa ako at umupo. Napatayo naman silang lahat dahil baka raw may magalaw sa buto ko. Ang OA! "Wala ngang masakit," umirap ako at muling bumaling kay kuya. "Mag-iingat na talaga ko. Promise," pinagkuskos ko ang dalawang palad ko.


Pinitik niya ang noo ko at napangiwi naman ako, "You're not going to drive. Makisakay ka nalang kay Choule," napasinghal ako.


"Mag-iingat na nga ako, kuya." Nagmakaawa pa ako pero hindi niga ako pinakinggan. Naglakad lang siya papunta sa mesa at kumuha ng mansanas. Lumapit ulit siya at sinubo lang sa bibig ko iyon! Narinig kong tinawanan ako ng mga kaibigan ko. Inis ko silang nilingon at hindi ko sinasadyang nahagilap na naman si Dwarren na bahagya ring tumawa. Kinagatan ko ang apple bago nagsalita, "Ang pangit niyo talaga," bumalik ako sa pagkakahiga.


When the Stars Aligned Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ