Four

218 100 79
                                    

"Yuck! Kadiri ka naman," sambit ko. Makikipagdate? Sa kaniya pa? Ew.

"Anong yuck ka diyan? Grabe ka naman," ngumuso siya.

"Hindi naman kasama sa fake engagement natin ang mag-date! Tsaka isa pa ayaw kong makipagdate sayo. Baka 'di lang tayo magkasundo," paliwanag ko. Ayaw ko rin talaga.

"Inutusan ako ng mga kuya mo na ayain kita. Besides, wala ka namang ginagawa edi mag-date nalang tayo." kaswal na saad niya.

"Susunod ka naman agad kapag uutusan ka," napailing ako.

"Para raw mas magkakilala pa tayo. Come on, Misty, just one date lang naman. Wala ng next time, ngayon lang." pakiusap niya. Para na naman kila kuya.

"Maliligo pa ako, eh. Matagal ako magbihis. Tapos kakain pa.. magtu-toothbrush at kung anu-ano pa," pagdadahilan ko.

"Aantayin kita," ngumiti siya. Aish!

"K fine. Bahala ka diyan mainip," hinawi ko ang aking buhok at umakyat na papuntang kwarto. Hindi pa ako agad naligo dahil naghahanap ako ng masusuot. Ano ba yan, M?! Ano bang normal mong sinusuot? Edi 'yon na! Hindi naman siya special na kailangan magsuot ng gown or whatever.

Naghalughog pa ako ng susuotin ko. Naligo na rin ako at sinadya kong magpatagal, tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo, Dwarren. Napili ko ang oversized plaid polo with white shirt sa loob, maong shorts, sneakers at kumuha rin ako ng cap. Hindi naman talaga ako pala-suot ng shorts dahil ayaw kong nakikita ang legs ko. Pero ngayon siguro feel ko lang dahil mainit. Oo, tama dahil mainit kaya ako nagsuot ng shorts. Nagpabango na rin ako, mild scent lang dahil nababahing ako kapag sobrang bango. Dala-dala ang round sling bag na may lamang phone at wallet na mabigat dahil puro coins ang laman ay bumaba na ako ng hagdan.

Nakita kong nasa sala siya at nakaupo sa sofa at nakasandal ang ulo habang nakapikit ang mata. Napailing nalang ako bago dumiretso sa kusina para kumain. Naawa naman ako dahil halos isang oras akong naghahanda. Nag-toothbrush na rin ako pagkatapos kumain. Nakita kong nakapikit pa rin siya. Nakatulog siya sa pag-antay? Bahagya ko siyang inalog para gumising. "Hoy.." sabi ko habang ginigising siya.

Dumilat naman siya kaya lumayo na ako sa kanya, "Tara na ba?" tanong niya at ginulo ang buhok.

"Mm," sagot ko at nang tumayo na siya ay nauna na akong lumabas. Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko sa bahay na aalis kami saglit. "Ayaw ko 'tong tawaging 'date', ha. Ano lang 'to.." nag-isip ako, "Gala gala lang ganun." dahilan ko.

"Okay, sabi mo, eh." natatawang saad niya. "Mahilig ka ba mag-sine?" tanong niya bago pinaandar ang sasakyan. Hindi niya man lang ako ulit pinagbuksan kanina ng pinto bago pumasok.

"Sakto lang," tipid na sagot ko.

"Ang cold naman," natatawang sabi niya nang pinaharurot na ang sasakyan.

"Anong gusto mong trato ko sayo?" inis na sabi ko.

"Kung ano ka talaga. Iyong normal na trato mo sa mga kaibigan mo, ganun." aniya.

"Hindi naman kita kaibigan kaya hindi ganun ang magiging trato ko sayo. Kung mabait ka sa akin mabait ako sayo, kung hindi edi hindi," nilabas ko ang phone ko at nagscroll nalang sa Twitter. Nagpost ako ng 'hay buhay' doon sa private account ko. Ang profile picture ko roon ay minions at ang header ay color yellow.

"Sino 'yang kausap mo?" pakikialam niya.

"Wala naman," tipid na sagot ko.

"Wala ka ata sa mood, ah." kita ko sa peripheral view ko na nilingon niya ako. "Magpa-sounds nalang tayo," swinitch on niya ang car stereo. Pinatay ko na ang phone ko at nakisabay sa kanta ng Ben&Ben.

When the Stars Aligned Where stories live. Discover now