Eight

156 77 26
                                    

Humagalpak ako sa tawa, "Jusko ka," natatawang sabi ko. "Napaka-imposible naman niyan," napailing ako. "Ikaw? Magkaka-feelings sa 'kin. Anong feelings ba, feeling of anger?" natatawang sabi ko.



"Ilegal bang magkagusto sayo, ha?" aniya.



"Hmm.." nag-isip ako kunware, "Oo, ilegal." nakangising sagot ko.



"Handa akong maging kriminal kung ganoon," aniya at biglang lumapit sa akin na naging dahilan ng pag-alog ng sinasakyan namin.



"Corny mo," napairap ako. "Hoy, ano ba." inis ko siyang tinutulak pero 'di ko magawa. "Ang dikit mo masiyado!" reklamo ko.



"May iba ka bang nagugusutuhan?" biglang tanong niya na nagpatigil sa akin. Ano bang nangyayari rito sa lalakeng 'to?



Weird.



"Ah. Oo, siyempre," nakangising sambit ko.



"Sino?" nakakunot noong tanong niya. Bakas ang pagiging curious.



Humalukipkip ako at lumingon sa ibang direksyon. Muli kaming dahan dahan na bumababa ngayon. "Siyempre secret 'yon." sagot ko pero wala naman talaga.. Siguro.



"Eh, ikaw? May nagugustuhan ka bang babae?" balik na tanong ko at bumaling sa kanya.



"Yup." aniya. Hmp. Sino naman?!



Teka, M, bakit ganito ang reaction mo?!



"Edi bakit pumayag ka pa rin sa engagement na 'to? Sayang naman, dapat ang kasama mo ngayon 'yung babaeng gusto mo. Hindi ako," napailing ako. Mahina lang siyang tumawa at 'di na umimik. Pareho kaming tahimik na nakatingin sa buong tanawin mula sa itaas ng ferris wheel. Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Bahagya ko siyang tinapik, "Inaantok ka na ba?" tanong ko.



"Hindi pa naman.." hinayaan ko nalang siya sa ganung pwesto.



Naramdaman ko nalang na may kumakalampag sa bakal. "Hoy, gising na kayo. Kanina pa natapos ang ride," sabi ng kung sino. Nananaginip ba ako?



Minulat ko ang mata ko. Nagulat ako nang may dalawang lalaki. Mukhang operator yata ito bg ferris wheel at may hawak na stick. Ito 'yung gamit sa pagkalampag ng bakal na harang sa seat ng ferris wheel para magising kami.



Si Dwarren ay nakasandal pa rin sa balikat ko. Dahan-dahan ko siyang tinapik tapik. "Hoy, gising.." sambit ko. Nakatulog kami sa ganoong pwesto?! Patagilid pa siyang nakayakap sa akin! Nakaramdam tuloy ako ng hiya!



Kalaunan ay nagising na rin siya, "Hmm.." inaantok na sabi niya.



"Alis ka," mahina kong tinulak ang ulo niya sa balikat ko.



"Ah, sir. Kailangan niyo na pong bumaba. May mga sasakay din po kasing bagong batch." paliwanag ng operator at inopen na ang harang na bakal.



"Yeah. Yeah," sambit niya bago minulat ang mata at mahinang ginulo. "Let's go," aniya. Nauna siyang bumaba at naglahad ng kamay para alalayan ako. Tinanggap ko naman 'yun kaso bahagya akong nadulas. Inaantok pa ang lola niyo. Naramdaman ko nalang na may brasong nakapulupot sa baywang ko.



"Ah. Ehem," tumikhim ang operator.



"Ah, s-sorry po," nahihiyang sabi ko at bumaba nang maayos. Inalis ko na rin ang pagkakapulupot ng braso ni Dwarren sa baywang ko. Nauna na rin akong naglakad at hinawakan nang mahigpit ang tote bag ko na nakasabit sa balikat ko.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now