Nine

158 67 36
                                    

Nagising ako sa malambot na kama, "Mm.." daing ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng ulo ko. Medyo sinisipon din ako. May bimpo na nakapatong sa noo ko at umaga na.



Nilingon ko ang paligid. Nasa kwarto ako ng unit ni Dwarren. "Are you okay?" nakasandal siya sa pader habang naka-crossed arm.



"M-Medyo," nahihiyang sambit ko.



"Naalala mo ba ang nangyari?" tanong niyang muli.



Napansin kong napalitan na ang suot ko. "Paano ako nakapagbihis?" bumaling ako sa kanya at binalewala ang tanong.



"Binihisan kita," simpleng saad niya.



"Ano?!" napasinghap ako.



"Relax ka nga," natatawang sambit niya. "Naka-off naman ang ilaw nung binihisan kita." napapikit ako nang mariin, "Wala naman akong nakita." aniya bago umiwas ng tingin. Inis kong binato sa kanya 'yung bimpo sa ulo ko. "Bakit?" bahagya siyang natawa. "Okay ka na ba?" lumapit siya sa akin at hinaplos ang noo ko. "Okay ka na nga."



"'Wag ka ngang touchy," inis kong hinawi ang kamay niya sa noo ko.



"Mas magkakasakit ka kung hinayaan lang kitang basa ang damit mo. Kaya binihisan kita." pagpapaliwanag niya kaya tumango naman ako at bahagyang binaba ang nakatabon na comforter sa akin. Umikot ako ng kama patalikod sa kanya. Naramdaman kong lumubog ang side ko, meaning ay umupo siya. "Naalala mo ba nangyari kagabi?" aniya.



Oo, sobrang nakakahiya!



Pero siyempre i-dedeny ko, "Hindi," sagot ko.



"I don't believe you, M. Naalala mo 'no?" pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko!



"H-Hindi nga!" bakit ba kasi ako kinakabahan. Naramdaman kong mas lumubog ang side ko kaya inis ko siyang binalingan. "Alis ka nga diyan," pantayaboy ko. Nakaupo siya sa tabi ko at nakasandal sa headboard.



"Nagseselos ako."



"Ha?" taka kong saad.



"Nagseselos ako. Roon sa kausap mong babae. Nagseselos ako, naiinis ako sayo. Kasi dapat hindi ko 'to nararamdaman," panggagaya niya.



"Sinasabi mo," peke akong tumawa at umayos ng upo.



"M, tell me why are you jelous to that girl?" sabi niya habang nakatingin sa akin.



Umiwas ako ng tingin, "Anong jealous. Hello? Nananaginip ka ba?"



"Misty.. Stop pretending na hindi mo alam." dismayadong sabi niya. "Sorry.. For making you jelous."



Napabuntong hininga ako, "It's a prank lang naman 'yun," bahagya ko siyang nilingon at pilit na ngumiti.



Bakit kapag nakikita ko na siya ngayon ay naghuhurumentado ang puso ko?! Hindi dapat ganito. Hindi naman ganito dati.



"It's a prank pero nagwalk out ka at umiyak?"



"Pwede na ba akong mag-artista?" ngisi ko. Hindi ko siya gusto. Ayaw ko siyang magustuhan kasi natatakot ako. Hindi ko alam ang pakiramdam ng inlove. At baka nga inlove na ako. Pero.. Ayaw ko.



Hinawakan niya ang mukha ko para iharap sa kanya. "Kain na tayo. Nagprepare na 'ko," aniya at tumayo.



Sumunod na rin ako. Nilalagyan na niya ng kanin at ulam ang plato ko. "A-Ako na diyan," nahihiyang sambit ko. Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang sa pagsandok. "Andami naman nito." reklamo ko.



When the Stars Aligned Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz