Fourteen

141 39 21
                                    

"All I want for Christmas is yoooouuuuuuu!" Pagkanta ko.



Kasalukuyan kaming nag-dedecorate ni Dwarren sa condo unit niya dahil malapit na ang Pasko! Excited ako dahil first Christmas ko 'to na kasama siya. Kasabay ng Pasko ay ang birthday niya. Hindi ko tuloy alam kung anong pwedeng i-regalo!



"But you have me already." Saad niya at niyakap ako mula sa likuran. Nagsasabit ako ng Christmas ball tapos nanlalambing ang baby!



"Ikaw ang best gift ko, mister ko." Hinarap at niyakap ko siya. Hinagod naman niya ang buhok ko. "Grabe mag-iisang taon na tayo, tapos ikakasal na," excited na sambit ko sa kanya. Pitong buwan na kaming magkasama at nagmamahalan.



Seven months and counting...



Nakilala ko na rin ang papa niya at masasabi kong mabait na medyo strikto. "H-Hello p-po," nahihiyang sabi ko at nagmano. Rito na kami nag-lunch.



Pinag-usapan din namin ang tungkol sa plano nila dati. "Pasensya na talaga, hija. Plano ko talaga ang lahat. Pero nung nakita kong maayos at masaya si Dwarren," napailing si tito Dwaine. "Halatang in love na ang anak ko!" Masiglang pagkuwento niya sa amin.



"Dad..." Napakamot si Dwarren sa batok, nahihiya.



"Misty, nakapagplano na ba kayo kung ilan ang magiging apo ko?" Biglang tanong ni tito Dwaine.



Naibuga ko ang iniinom ko na juice. "Hala, sorry po," yumuko ako sa hiya. May katulong na lumapit, "A-Ako na po." Pakiramdam ko ay pulang pula na ang pisngi ko! Bigla kasing napunta sa ganoong usapan!



"Ako na po, ma'am." Pagpupumilit niya. Wala naman akong magawa kundi tumango.



Si Dwarren na ang sumagot sa tanong ng papa niya. "Hindi pa namin napapag-usapan, dad. Uh... Gusto muna namin mag-enjoy nang kami muna." Hinawakan at pinisil niya ang kamay ko. Magkatabi kaming nakaupo.



Sumang-ayon naman si tito Dwaine, "That's right. Sulitin niyo munang dalawa. Don't rush."



Tumango naman ako, "Opo. Ah, kapag ready na po kaming dalawa. Soon po kapag kasal na magpaplano po kami." Mahina akong tumawa.



Bumitaw ako sa pagyakap, "Sa bahay raw tayo mag-Pasko sabi nila kuya," pagpapaalala ko. "Gusto rin daw nilang makasama mga kaibigan ko."




Tinanguan niya ako at ginulo ang buhok ko, "Walang problema." Ngumiti siya, "Dinner na muna tayo."



Ngumuso ako, "Sakto nagugutom na rin ako." Sabay himas ng tiyan ko.



Kinabukasan ay may ginawa akong box at may mga maliliit na papel na naka-rolyo. Naroon ang pangalan ng mga kaibigan ko, pati na rin sila ate Anais, Matilda, at Berna. Kasama rin silang mag-cecelebrate ng Pasko sa bahay namin. Kilala na rin nila ang isa't isa dahil nung birthday ni kuya Chandler ay naroon din sila. Hindi kasi mahilig mag-imbita si kuya ng mga hindi naman kakilala dahil ayaw niya ng maraming tao sa bahay.



Pagkapasok ko sa trabaho ay una kong pinabunot si Berna. Inalog-alog ko muna ang box, "Sana si bebe ko ang mabunot ko!" Bulalas niya bago kumuha ng isang pirasong naka-rolyo na papel. Nakangiti ako habang inaantay niya iyong buksan.



Napanguso siya, "Sino?" Excited na tanong ko.



"Secret siyempre," ngumiwi siya. Napairap naman ako. Lumipas lang ang buong araw na nakatayo kami rito sa front desk at inaasikaso ang mga guests.



When the Stars Aligned Where stories live. Discover now