Untitled Part 1

9.8K 156 7
                                    

“Good ladies, chenemen, lend me your ears!!!”

“Hay nako, sinasapian na naman si wakla.”

“Kung bakit naman kasi pilit ng pilit sumali sa make-up contest, di naman nananalo.”

“Hoy kayo! Tigil-tigilan niyo ‘ko, naririnig ko kayong mga bruha kayo ah! Anong laging talo??”

Nagsilingunan naman sina Lassy para humarap sa naghuhuremantadong bakla. Si Negi, nagma-manicure; si Lassy, nagbo-blower ng bagong shampoo na buhok ni Ateng inaantok pa. At si Alex naman, nagmamanicure ng sarili dahil wala pa naman siyang customer.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga tauhan sa salon habang nakatungtong sa platform malapit sa TV at nagwika. “Ako, wag nyong iniinis ah. Oo, siguro, di pa ako nananalo nung mga nakaraang contest na sinalihan ko. Perooooo…!”

render

Nagsilapitan ang mga tenga’t taasan ang mga kilay ng mga nakikinig.

“This time…”

“Ano ba Vice, tuloy mo na kasi! Pabitin masyado, di naman exciting eh!”

“Etong kalansay na ‘to, kung makareact eh, wala man lang kasupo-suporta sakin.”

“Eh ano na nga kasi?” walang-ganang nakapamewang na sabi ni Alex. Nakahiga siyang patagilid sa isang sofa.

“Pasok ako sa Top 3, mga pangga! Ahahahahahaha!”

“Talaga?” Masayang wika ni Negi.

“Di nga?” Ani Alex.

“Weh?” –Lassy

(----______________----) “Napaka niyo.” Patampong medyo inis na anas ni Vice.

“Ilan kayo?

“Anim. Kalaban yung mga bakla diyan sa tabi-tabi. Sumali ako nung fiesta.”

“Fairness, improving.” –Negi

“Talaga!” payabang na wika ni Vice.

“Tsss. Tatlo lang naman napataob mo eh! Yabang-yabang, ka-cheap naman.”

“Ikaw, napaka-nega mo. PALIBHASA, inggit ka lang kay Meme, kasi siya, di na mabilang ang jowa habang IKAW, naturingan pa man ding merlat, hanggang ngayon, 0 pa din ang lovelife!”

“Tut mu.” Ani Alex sabay irap kay Lassy.

“Aray.” Pang-asar pang banat ni Negi.

Natawa naman si Vice sa pagtatanggol nung dalawa at naglibot na lang sa parlor niya. Tumunog ang chimes at may pumasok muli, akala niya customer. Yung bestfriend AKA anak-anakan niya pala.

“Hi, waklaaa!” nawawalang-mata na pagkakangiti ni Coleen pagkabati kay Vice.

“Oh, junakis! Tara, make-up na. Anong ayos ka ba today?” beso ni Vice kay Coleen.

Model nga pala ang kaibigan niyang ito. Model sa music video, commercials, photo shoot… pero gaya niya, medyo matumal din dahil hindi naman nakukuhang mag-artista.

“Straight lang. Pa plancha ng buhok, tapos make-up na. Congrats uli sa panalo mo kahapon!!!”

“Nako, salamat… kung di din dahil sa’yo, di ako mananalo dun. Pagkaganda-ganda din naman kasi ng model ko oh?” Tiningnan nilang dalawa ang mukha ni Coleen sa vanity mirror at salop ng kamay ni Vice ang baba ni Coleen.

“Thanks.” Natatawa’t nangingiting sabi ni Coleen kaya muli ay nawawala na naman ang kanyang mata.

“Nako, jusko. Kahit siguro isalang kita dun ng di mine-make upan, keri na din sa ganda mo.”

BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon