Chapter 13: Nagmahal, Sinaktan, Anuna?

2.7K 70 1
                                    

(Emerald's P.O.V.)

Habang tumatagal mas lalo pa silang umiingay. Naririnig ko ang mga boses ng kabilang section na pumupunta sa room namin, Bakit anong mayroon ba? Pinipilit kong itaas ang ulo ko pero sa sobrang antok ko e 'di ko magalaw. Hinayaan ko na lang sila.

May mga yabag ako ng mga paa na naririnig pero hindi ko na rin pinapansin. Baka seatmate ko lang 'yon.

"Miss?"

Hindi ko pinansin at baka hindi ako. Kaya lang inulit niya nang inulit kaya naman itinaas ko ang ulo ko. Dahan-dahan kong itinataas ang ulo ko. Kahit mapungay pa ang mga mata ko at gulo-gulo ang buhok ko e wala akong pakialam.

"What do you. "

Napatayo ako sa upuan ko nang biglaan. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko at pinunasan ang mga pisngi ko, baka kasi may laway.

"My guess never goes wrong, Haha! Sabi ko na nga bang ikaw 'yan Ma, e."

Kinuha niy ang ulo ko at kinuskos ito gamit ang kamay niya. Si B-boy a.k.a Biboy! Oo nga pala! Noong nagkita kami sa restoraunt e sinabi niya siya ang transferry dito sa school na ito! Mygosh! Akala ko niloloko niya lang ako, pero hindi pala!

Napahinto si B-boy sa pang-bubully niya sa akin at pareho kaming napatingin doon sa mga classmate namin. Lahat sila mukhang nagtataka na may halong diri na nakatingin sa amin.

"Ma?!"

"Gosh?! Anong Ma?! Nanay niya 'yang panget na 'yan?! O baka Mama at Papa ang tawagan nila?!"

"Damn you! No way!

Ganyan ang mga reaksyon nilang lahat. Sanayan na lang din. Tinanggal ko ang kamay ni Lawrence at inayos ang buhok ko. Kailangan magawan ko ng solusyon ito kung hindi e patay nanaman ako nito.

"Ah, Hahaha! Ikaw talaga Lawrence, sino ba 'yang sinasabihan mo niyan? Ikaw talaga."

"Nakalimutan mo na ako? Ge, ganyanan pala."

"And they both know each other?!"

The girls exclaimed. Pakiramdam ko paglabas ko ng room e daig ko pa ang kriminal sa sobrang dami ng tanong na ibabato nila sa akin.

"Yep :)"

Lawrence answered.

"Bakit Ma ang tawag mo sa kanya?! Is she your girlfriend?!"

"What's wrong about that girls? Chillax! She's a nice, girl. Haven't you talked to her before?"

"No. Ewww."

Sa Ewww pa lang nila e nararamdaman ko nang pinandidirihan nila ako. Lahat sila e nagsibalikan sa mga upuan nila at doon nag-kwentuhan. Ano nanaman kasi itong ipinasok kong gulo?!

Buong klase namin sa umaga e wala ako sa sarili ko kakaisip sa gulong ito. My gosh! Wala. Malamang e pinatay na nila ako sa mga isip nila.

Nag-ring ang bell at uwian na namin. Tumayo ako sa upuan ko at inilagay ang mga gamit sa bag ko. Pumunta si Lawrence sa akin at niyayaya niya akong mag-lunch. Nahihiya ako sa kanya kasi katabi ko siya sa upuan. Rople siya Timoteo naman ako, kaya mas lalo niya pa akong inaasar at ginugulo.

"Ma, halika, sabay na tayo kumain ng lunch."

"Lunch? Saan tayo kakain naman?"

Nahihiya ako sa kanya. Hindi naman kami ganun katagal na nagkausap dati pero bakit pakiramdam ko e tiwalang-tiwala na siya sa akin? Ano bang problema sa cornea ng mata niya ito at dumidikit siya sa akin?

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon