Chapter 6: Brother, Mother Do You Know My Father?

3.3K 97 12
                                    

Naglakad ako papuntang bahay na nakangiti at mukhang baliw na binabati ang mga taong nakakasalubong ko sa daanan. Pumasok ako ng kusina at nakita ko si Mama doon na naghihiwa ng mga gulay. Nilapitan ko siya para mag-mano.

"Good Evening Ma. Sige po, mag-aayos na po muna ako ng gamit ko."

"Oh saan ka galing? Bakit ginabi ka na? Akala ko ba e nakapag-ayos ka na kanina pa?"

"Nagpalamig lang po sa labas, saglit, Sige po ayusin ko na po 'yung mga gamit ko. Lalabas din po ako agad kapag natapos na po ako."

Dumiretso ako sa kwarto ko at tinitigan ang cabinet ko. Napaihip na lang ako ng mahina at kinuha ang bag na nasa ilalim ng higaan ko. Binuksan ko ang pintuan ng cabinet at mula sa taas na bahagi nito, may lumipad na isang piraso na parang papel na siya namang nalaglag sa sahig ko.

Picture ko kasama ang isang lalaki na burado ang mukha. Sino ito? Bakit ako nakayakap sa kanya? Bakit burado ang mukha niya? Hindi kaya siya ang Tatay ko?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta kay Mama. Itatanong ko sa kanya kung sino ito at mukhang luma na luma na talaga ang litrato.

"Ma."

"Bakit?"

"Sino po tong kasama ko dito? Ako po 'yung bata d'yan 'di ba? Sino po 'yang lalaking kasama ko sa picture na 'yan?"

Nanlaki ang mata ni Mama at nabitawan niya ang kutsilyo na hawak na hawak niya. Mukhang gulat na gulat siya.

"Saan mo 'to nakuha?!"

"Na..nahulog po doon sa cabinet kanina nung kukunin ko ang mga gamit kop o. Sino po siya? Kilala niyo po?"

"Wala anak, Sige ayusin mo na mga gamit mo doon at kakain na tayo."

Ipinagpatuloy niya ang paghihiwa at mukhang nagmamadali na siya.

"Siya po ba ang tatay ko?"

Habang nakangiti ako at kinukuha kay Mama 'yung picture na nasa kamay niya. Itinaas niya ang kamay niya at ayaw niya ibigay sa akin 'yong picture na 'yon.

"Hindi! 'Yang tatay mo ang walang kwenta! Kaya wag mo nang babanggitin 'yang pangalan niya! Emerald, wala kang kikilalaning Tatay tandaan mo 'yan. Kung sino at ano siya ngayon, huwag na huwag mo siyang kikilalanin dahil kahit kailan wala siyang ibinigay na tulong para sa'yo!"

Bakit galit nagalit si Mama kay Papa? Hindi siya iiyak ng ganyan kung hindi siya sinaktan ni Papa. Kahit baliktarin ko ang mundo at tumambling nang paulit-ulit, Tatay ko pa rin siya at wala nang magbabago doon.

Sabi kasi sa akin ni Mama, iniwan daw kami ni Papa noong sanggol pa lang ako. Dalawa lang naman ang dahilan niyan e, baka hindi niya ako tanggap o na-predict na ng Tatay ko na bakulaw ang anak niya pag-labas. Pero kahit na, anak niya ako, ginawa nila ako, responsibilidad nilang buhayin ako. Lalong-lalo na siya, Tatay ko siya pero kahit kailan walang hangin na dumampi mula sa kanya na dumampi rin sa akin. Bakit pa kasi may mga taong hindi kayang akuin ang responsibilidad na dapat nilang gampanan nila, e. 'Yan tuloy, imbes na pare-pareho kaming nagdudusa, kaming mga taong iniwan lang niya ang kasalukuyang naghihirap para mabuhay. Hay naku Papa, baling araw may mapapatunayan ako sa'yo. Na mali na iniwan mo kami ni Mama.

"Pero Ma.. Tatay ko pa rin naman po siya."

"Hindi karapat-dapat tawaging Tatay ang mga lalaking kahit kailan, e hindi nagpaka-Tatay sa mga anak nila! Anak, hindi mo na kailangan ng Tatay na walangkwenta at duwag, kaya ko namang pag-sabayin ang sarili ko bilang Nanay at Tatay mo. Kung bibigay man ako, pipilitin ko pa ring bumangon kasi kailangan kitang buhayin. Responsibilidad kasi kita Anak, at kahit anong mangyare, hinding-hindi kita papabayaan. Ikaw lang ang mayroon ako."

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon