Chapter 12: Ikaw Na Ba Si Mr. Right?

2.7K 65 2
                                    

"Ate Emerald! Wake up! Wake Up!"

Halos matanggal ang kaluluwa ko sa pagkakayuga ni Kent. Napatayo ako sa kama ko ng biglaan habang nakapikit nanaman ang isa kong mata. Tumingin ako kay Kent at ngumiti habang kinakamot nanaman ang buhok ko na nakabusaklat. Hoy! Kahit busaklat 'yan walang komunidad d'yan!

"Kent, anong mayroon? Bakit nanaman ang aga natin nagising?"

"Ate Emerald, it's our first day of school. I don't want to be late."

Hinugot ko ang 3310 na cellphone ko sa kama. Natanggal pa nga ang casing. Kainis. Nakita ko 5:30 na! Mygosh! Karipas kabayo na ako nito!

Hinila ko si Kent pababa sa kusina. Humugot-hugot na lang ako ng makukuha ko doon sa tukador nila. Wala pa ata sa katawan ko ang aking kaluluwa. Naglakbay pa ata sa Bundok ng Tralala.

"What do you want Kent ?Anong palaman? Chocolate Mousse? Peanut Butter? Strawberry jam? Teka, palaman ba itong tsokolate na tinunaw na nasa bote?!"

"Yaya, Haha! Nutella po 'yan. Opo, 'yan na lang po.

"Shocks! Sorry, walang ganyan sa komunidad ko Kent, e. Ok na ba ito? I-prepare ko na ha?"

"Chocolate Mousse po and Nutella Yaya! Magkaiba kasi lasa niyan."

Nanginginig na ang kamay ko kaya hindi ko masakto-sakto doon sa tinapay ang palaman. Bahala na! Kakainin din 'yan. Inilapag ko ang tinapay naming dalawa. Ibinigay ko ang kay Kent at inilapag ko ang akin. Nag-sign of the cross muna ako bago kumain. Thank you muna kay GOD.

Nakapikit pa ako habang nagdadasal para magpasalamat. May naririnig akong mga yabag ng paa na papalapit sa amin. Walangya! Akala mo kabayo kung makalakad e parang mayayanig ang buong bahay.

"Morning Kent."

Dumaan siya sa likod ko. Hindi ko pa rin idinidilat ang mata ko kasi hindi pa ako tapos magpasalamat sa Diyos. Narinig kong binuksan niya ang ref na nasa likod ko.

"Morning Kuya! Come let's eat our breakfast.."

"Amen! Tara na Kent! Kumain na tayo ng.... ng..."

Anak ng kambing na blonde! It's Froiland,naka boxer short at walang shirt! Omg! Topless! May parte ng utak ko na nag-sasabi na kamuhian ko siya pero may konting animal na brain cells na na-aattract. Che! Manahimik ka konsensiya! Unggoy 'yan! Kumagat ka na lang d'yan sa tinapay at kumain ka na nang matapos ka na!

"Ah Kent. Sumubo ka lang nang sumubo d'yan ha? Itong sandwhich mo ilalagay ko na dito sa box mo."

Abala ako sa pag-aayos ng gamit ni Kent. Hindi ko pa pala nakakagatan ang sandwhich ko. Nakatalikod kasi ako sa lamesa kaya hindi ko makita ang tinapay ko. Kaya ang ginawa ko, kinapa-kapa ko na lang ito.

"Nag-abala ka pa. Salamat dito sa tinapay. Kent, move fast, and tell to your witch yaya to move fast also. Sasabay ako sa inyo."

"Hoy! Bakulaw ka! Tinapay ko 'yan! Magpalaman ka ng sa'yo!"

Huminto siya sa paglalakad at unti-unting humarap sa akin.

"Sa'yo 'to? Teka."

Kinagatan niya ng dalawang piraso 'yong tinapay ko atsaka iniabot sa akin. Natunganga ako sa pag-abot niya. Napakunot-noo ako habang nakatingin doon sa tinapay. Walanghiya talaga itong lalaking ito! Baboy! Balahubas! Walang modo! Walang GMRC! Walang Moral! Wala lahat!

"Dugyot! Sa'yo na 'yan!"

"Arte mo. Akala mo naman ang bango ng hininga mo."

Ngumisi na lang siya at nag-lakad na uli papunta sa kwarto niya. Gusto ko siyang batuhin ng limang kutsilyo sa likod niya. Ang sarap niyang i-dart! Hawig mo si King Kong, uy!

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon