Chapter 8: Patingin-tingin

2.9K 72 3
                                    

Natatamaan nang sinag ng araw ang mata ko. Idinilat ko ang isa kong mata habang nakahiga ang ulo ko sa isang unan ko. Kinamot ko ang ulo ko at itinayo ang kalahati ng katawan ko. Habang nakapikit pa ang isang mata ko, tumingin ako sa gilid ko.

Nakita ko ang dalawang bag ko na nakalapag sa sahig. Ito na talaga ang araw kung saan aalisan ko na si Mama. Ito ang araw kung saan mag-aalaga na ako ng isang bata na nanghahampas ng eroplano. Ito na rin ang araw ko bilang isang servant sa isang makapangyarihang pamilya.

"Hay naku Emerald, ito na ang araw para magbagong buhay ka. Kaya mo ito! Fight lang nang fight!"

Tumayo ako sa higaan ko at isinuot ang tsinelas ko. Kinuha ko ang twalya ko sa tabi ng cabinet ko at inilagay ko ito sa balikat ko. Ipinusod ko ang buhok ko at dumiretso na palabas ng kwarto ko.

Saktong pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ko e bumungad sa akin ang tatlong lalaking nakasalamin na naka amerikana. Kausap nila si Mama. Ok, naandito na sila. Sinusundo na ako ng punirarya boys.

"Opo Misis, hintayin nalang po namin siguro siya magising. Medyo maaga papanaman po, e."

"O sige pala, maiwan ko muna kayo d'yan ha? Bibili muna ako ng makakain ninyo."

Lumabas na ng bahay si Mama at sinusundan ko siya ng tingin. Ayan, wala na siya, tamang oras na para tumakbo papuntang banyo. Binuksan ko na ng buo ang pintuan at dahan-dahan na naglalakad papuntang banyo. Pero wala e, nahuli nila ako.

"Hoy!"

Napatigil ako sa paglalakad nang sigawan nila ako. Tumingin ako sa kanila nang nakapamewang. Tumingin sa akin ang isa sa kanila at ibinaba ng isang lalaki ang shades niya at tinignan ako ng may gulat.

"Ikaw?! Ikaw ang kinuhang Yaya ni Mr. Kent?!"

"Problema mo? Ngayon ka lang nakakita ng maganda koya?" pag-ngiti ko sa kanila habang lahat sila e gulat na gulat sa akin.

"Teka, ano bang klaseng kulam ginawa mo sa Boss naming? Hindi mo ba kami naaalala?!"

Nilapitan ko sila at tinignan isa-isa,baka wala pa sa katawan ko yung kaluluwa ko kaya hindi ko sila makilala. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa at doon nag-simula ang flashback. Anak ng kambing na bingot! Sila 'yong punirarya boys doon sa SM!

Pinilit kong kumalma at pumunta doon sa lababo. Kinuha ko toothbrush ko at nilagyan ko ito ng toothpaste.

"Ah oo nga pala, kayo pala yung Cadbury Agents chuvaever na napagkamalan ko na trabahador sa punerarya. Oh em gee! Coincidence ano? Asaan na ang isa ninyong suplado na ka-trabaho? Na-fire na? Buti naman."

Isinubo ko toothbrush ko at dire-diretso na ako sa pag-totoothbrush. Ganito talaga ang trip ko e, mag–toothbrush habang nagsasalita o nag-kukwento.

"Oh sha nga paslah bakit kasho naansdhiito?"

"What?"

"Vasshhiit kaysiobaha Nadhsisbn?"

Nakaharap ako sa lababo at nasa likod ko sila. Potek! Ang gaganda ng suot ang bibingi naman nila!

"Ano?! Linawin mo!"

Humarap ako sa kanila at tinanggal ang toothbrush ko. Kasabay nun e, isinigaw ko sa kanila 'yong tanong ko.

"Bakit kayo naandito punirarya boys sabi ko! Ang bibingi niyo!"

Napahawak ako sa bibig ko nang makita kong puro bula galing sa bibig ko ang mga mukha nila. Pinunasan ito ng mabilisan at nag-pose nanaman sila tulad nang ginawa nila sa mall dati.

I'm Sexy But I'm Ugly [F I N A L E] (TO BE PUBLISHED BY LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon