Humarap sa kanya si Lath. "Hindi ba ikaw pa ang naghahabol dati kay Wolkzbin? Dapat handa ka na para sa isang loveless marriage. Bakit ngayon parang nag-aalangan ka na? Siya na ang nagaalok sayo ng kasal, Krizzy, baby. Si Wolkzbin na. Bakit ayaw mo? 'Yon naman diba ang gusto mo? Ang makasal kayo para mas lumago pa ang kompanya niyo?"

Tumingin siya sa karagatan. "Natatakot ako, e."

Sinapo ni Lath ang mukha niya at pilit na ihinarap ang mukha niya sa mukha nito. "Krizzy, baby, bakit ka natatakot? Care to tell me?" Lath smiled sweetly at her. "I am your best friend after all."

Humugot siya ng isang malalim na hininga at malakas na pinakawalan iyon. "I dream of having a husband like my dad. Hindi nambababae at mahal na mahal si mommy. Natatakot ako na kapag mag-asawa na kami ni Train, saka niya matagpuan ang babaeng mamahalin niya. Anong mangyayari sa'kin? Hindi uso ang divorce dito sa Pilipinas."

"Then marry him in Russia or in other countries na may divorce. Doon, kapag gusto mong maghiwalay kayo, you can file a divorce anytime. Or better yet, makipag-deal ka sa kanya. Like, you will only stay married to each other hangga't hindi niyo pa nakikita ang taong mamahalin niyo. At kapag dumating na ang 'true love' niyo—" Lath rolled his eyes at the word true love. "Maghiwalay na kayo."

Umaliwalas ang mukha niya sa narinig. "That's brilliant, Lath! Ganoon nga ang dapat naming gawin!"

Umawang ang labi nito sa kaniya. "Sineryuso mo talaga ang sinabi ko? Krizzy, baby, I'm just kidding. Mag-isip ka nalang ng ibang—"

"No. Your idea is brilliant!" Napasigaw siya habang may malapad na ngiti. "Kakausapin ko si Train ngayon din!"

Napatitig ito sa kaniya na parang napugutan siya ng ulo. "Brilliant ang idea ko? Wow. Feeling ko ang talino ko."

"Aalis na ako. Kailangan kong makausap si Train. At saka, matalino ka naman e, baliw nga lang minsan."

Tumawa ito. "Gusto mo ipasyal kita rito sa Cebu? Sayang naman kung uuwi ka na ngayon. Mamaya ka na umuwi. Maaga pa naman."

"Yeah, sure," mabilis niyang tugon. Oo nga. Maaga pa naman.

Hindi pa siya nakakapasyal sa Cebu and what was better than touring around Cebu with Lath Coleman as her tour guide?

"WHAT do you want, Wolkzbin?" Madilim ang mukha na tanong ni Lander kay Train ng pumasok si Train sa opisina ng kaibigan.

Lander Storm office was in the sixtieth floor of LaCars Import and Export Building. He ruled the cars like he was the one who invented it. Simple lang ito manamit at hindi mo mahahalatang kumikita ito ng milyones taon-taon.

Umupo siya sa visitor's chair at at humarap sa kaibigan. "May tanong ako?"

Lander gave him a 'really' look. "Wolkzbin, kung nagpunta ka rito para magtanong tungkol sa amin ni Vienna, wala kang makukuhang sagot sa'kin."

Napangisi siya. "Well, I'm not here to ask you about Cali's step-sister but if you want to talk about her, I'm all ears."

Mas lalong sumama ang mood ni Lander. Akala niya palalayasin siya nito pero nagkakamali siya.

"I hate that woman to the core!" Nanggagalaiting wika ni Lander. "Akala naman niya kung sino siya magbabalik sa buhay ko ng ganoon-ganoon lang. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, sa tingin naman niya hahayaan ko siyang guluhin muli ang tahimik kong buhay? No fucking way!"

Mukhang galit nga si Lander kay Vienna dahil napakadilim ng mukha ni Lander habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Kung ano man ang nangyari kay Lander at Vienna, sigurado siyang isang hindi magandang memorya iyon para sa kaibigan.

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinWhere stories live. Discover now