"Train, hindi mamamatay ang daddy mo—"

"No, that's not what I meant." Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga at inisang hakbang lang ang pagitan ng katawan nila. "Maniningil na ako." Kinuha nito ang kamay niya at may isinuot na singsing sa daliri. "Magpakasal tayo."

Sa sobrang gulat sa sinabi nito, nakanganga lang siya at hindi kumukurap na nakatitig lang sa guwapong mukha ng binata. Nag sink-in na sa isip niya ang sinabi nito pero hindi siya makapaniwala na narinig niya iyon mula sa bibig ni Train.

Eight years ago, siya ang naghahabol sa lalaki. Siya ang namimilit na i-kasal sila. Siya ang pinagsisiksikan ang sarili para mas lumago pa ang kompanya nila. Pero hindi ito pumayag. Train eluded her proposal of marriage. Hindi naman niya ipipilit ang sarili kung walang go signal sa mga magulang niya at magulang nito. Pero hindi pumayag si Train at pinagsalitaan pa siya ng hindi maganda, causing her to retreat and forget her marriage proposal.

Naaalala pa niya ang masasakit na salitang sinabi nito walong taon na ang nakakaraan sa labas ng penthouse nito. Hindi iyon nawala sa isip niya dahil iyon ang naging rason kung bakit umatras ang mga magulang niya sa kasal.

Ngayon, ito ang nagaayang magpakasal sila. Anong nangyari? Anong nakain nito?

"A-Anong sabi mo?" Sa wakas ay may lumabas ding salita sa bibig niya.

"Let's get married," anito na wala manlang emosyon ang boses. "Na-heart attack si daddy at kasalanan ko 'yon kasi gago ako at sinigawan ko siya. And for him to forgave me and for me to made peace with my conscience, kailangan kitang pakasalan. Hindi lang naman ako ang magbi-benefit sa pagpapakasal natin. Hindi lingid sa kaalaman ko na hinahanap na ako ng mga investors at balak nilang i-withdraw ang investment nila kapag hindi ako nagpakita. Sooner or later, malalaman nila na hindi naman talaga ako ang may-ari ng kalahati ng Romero's Chains Of Hospitals. Bago pa malaman nila, magpakasal na tayo. Through that, mananatili ang investors sa kompanya niyo at mapapatawad ako ni daddy." Malakas itong napabuntong-hinga. "So, what do you say? Will you marry me?"

Sa kabila ng gulat na nararamdaman, nakuha niyang tumawa ng mapakla. "Are you proposing marriage to me?"

"Yes."

"No, you're not." Tinaasan niya ito ng kilay. "You are proposing business, Mr. Wolkzbin." Tinanggal niya ang singsing sa daliri niya at inilapag iyon sa conference table. "I'm sorry, but I don't do marriage for convenience."

"What?"

Taas nuo siyang naglakad palabas ng conference room. Hmp! Take that, Train Wolkzbin! Namnamin mo ang pinaramdam mo sa'kin noong tinanggihan mo ako! Letse!

Naiinis na lumabas siya ng conference room at naglakad patungo sa opisina niya. Natigilan siya ng makapasok sa opisina at nakita si Trina na naka-upo sa visitor's chair na nasa harap ng mesa niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray niyang tanong sa babae.

Si Trina ang namamahala sa hospital na siyang kakompetensiya ng hospital nila. Naging ka-klase niya rin ito noon nuong nag-aaral siya sa medical school at masasabi niyang mula pa noon ay hindi na sila magkasundo ng babae.

Ngumiti ito ng peke. "Wala naman. Gusto lang kitang balaan. Alam kong ginagamit mo lang ang apelyidong Wolkzbin para makalakap ka ng investors. Well, hindi ka magtatagumpay dahil lalabas din ang kasinungalingan mo. At gagapang kayo sa lupa," wika ni Trina sa kanya habang matalim ang mga mata na nakatingin sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Wala akong baho. Unlike you."

Ngumisi ang babae na parang demonyita. Demonyita naman talaga ito. "Ows? Sige lang. Itago mo lang. Lalabas din ang kasinungalingan mo. Nakakahiya ka."

POSSESSIVE 3: Train WolkzbinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon