XX Candidate

82 5 0
                                        

Candidate 

"So today I will assign each of you to participate for the upcoming event for the United Nations program." Nakatulala lang ako sa habang nakatingin sa labas ng bintana pero sapat na para marinig ko ang pinagsasasabi ng adviser namin. "Sa dami ng activities ay hahati-hatiin ko kayo kung saan kayo pwede."

"We will have  a pageant and we will present South Korea for all the competition. Hindi ako ang pumili niyan, class president ang umattend sa bunutan na nangyari." 

Hindi ko na sana papakinggan pa ang sasabihin ni ma'am pero ng marinig ko ang pangalan ko ay bigla akong kinabahan. Literal na naman na parang may daga na nagsisitakbuhan sa dibdib ko. Bakit ako na naman?"

"Scarlet and Jackson, kayo ang sasali sa pageant. Kaya mo ba, Jack?"

Nang magtaas ng kamay si Kim ay mas lalo tuloy ako nakaramdam iba kaba.

"Ma'am, bawal po sumali ang SSG officers. If sila ag candidate kasi muse at escort pwede raw po palitan. Need po na escort at muse pero kung ssg officer pwede po magpalit. Once na walang representative at hindi muse at escort ang candidate lahat po ng activity ay wala ng chance na sumali." 

"Okay, thank you. Since hindi pala pwede si Jack, sino ang pwede?" tanong ni ma'am. Nang lumingon si Jack ay nag-iwas lang ako ng tingin. "Hiro, pwede ka?" tanong ni ma'am.

"Pwedeng-pwede po, ma'am. Ako na lang po ang sasama kay Scarlet." 

Nag-assigned pa si ma'am sa mga contest. Naging lutang na ako pero ng sandaling yugyugin ako ni kim ay nabalik ako sa ulirat ko. 

"Ikaw daw sa quiz bee, kasama mo si Jack at Sheena." Tumango na lang ako. Wala naman akong pakialam. "Good luck sa atin. Ako sa flag identification. Sana manalo tayo."

Sa pageant lang pala sila hindi pwede sumali. Hindi ko na naman tuloy alam paano ko mairaraos. Bakit ba kasi sa school na ito dapat yung muse na lang parati? Bakit ba kasi naging muse pa ako? Ayoko naman sa sitwasyon ko ngayon.

"Don't worry nasa tabi mo lang ako," sabi ni Jack. "Huwag kang kabahan. May practice rin naman na magaganap. Sasamahan kita, babe. Huwag ka na masyado mag-isip pa."

Nang makauwi ako sa bahay ay wala akong ganang gumawa ng assignment ko. Masyado rin busy sina kuya dahil bumalik na sila sa school. Si Sean naman busy na busy sa pagrereview para sa bar examination. Halos maluha na ako habang gumagawa ng assignments ko. Halos sabunutan ko na rin ang buhok ko dahil sa frustration. 

"Aleah, may pagkain dito. Lumabas ka muna diyan!" sigaw ni mama. "Bilisan mo."

Humarap na muna ako sa salamin at inayos ko ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng k'warto. Kahit kinakabahan at halos maiyak na ako ay pinilit ko kinain ang pizza. Halos paliguan ko na ito ng sauce, sakto spicy pa siya kaya mas lalo ata akong naluluha.

Nang pumasok si Scion ay kaagad siyang kumuha ng pizza bago siya lumapit kay mama. "Anong nangyari sayo? Ang pangit mo." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain ko ng pizza. "May nangyari ba? Kilala kita, kapag tahimik ka rito may bumabagabag sayo. Ano?" Umiling lang ako. "Bahala ka nga."

Nang pumasok na siya sa kuwarto niya ay sakto namang paglabas ni Sean sa k'warto niya. Tumayo na ako saka dire-diretsong pumasok sa kuwarto namin ni Scion. Pahubad na sana siya ng damit niya pero nagulat siya sa pagpasok ko kaya kaagad niyang binaba ulit ang damit niya.

"Bigla-bigla ka na lang napasok." Dumiretso ako sa kama ko saka ako nagtalukbong ng kumot. "Aleah, magsabi ka na nga."

"Huwag mo ako kulitin. Mas lalo akong naiiyak kapag tinatanong ako, Scion. Hayaan mo na lang muna kasi ako," sabi ko sabay salampak ng earphone sa tainga ko. "Just don't tell them."

Kapag napansin pa nina Sean at Sic mas lalo akong hindi tatantanan ng mga iyon. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Naiiyak na ako pero wala namang luha na tumutulo sa mga mata ko. Napipressure na naman kasi ako. Ayoko na.

***

Nagising ako ng madilim na sa k'warto. Nang bababa na sana ako ay nakita ko si Scion na humihikab at pinipilit imulat ang mga mata niya. May tasa rin ng kape sa tabi niya at napakadaming papel sa study table. Nakita ko yung mga notebook ko sa tabi at nakaayos na. Bumaba ako kaya napalingon siya. Kinuha ko ang mga notebook ko at binuklat ko ang mga ito.

"Ginawa ko na lahat ng nakita ko na gagawin diyan. Gutom ka na?" tanong niya. Tumingin ako sa wall lock at nakita ko na 1:30 am na pala. Tumango ako sa kaniya. Tumayo siya saka kinuha ang tasa ng kape. "Hindi na kita pinagising kasi alam ko na mahihirapan ka na naman matulog ulit. Tara na, lutuan kita ng ramen."

Sumunod na lang ako sa kaniya. Pinanood ko lang siya magluto. Nang matapos ay kumain na kami. "What time klase mo bukas?" tanong ko. Wala pa siyang tulog kaya baka afternoon ang pasok niya. 

"2 pm hanggang 8 pm. Kumain ka na lang diyan tapos matulog ka ulit. May pasok ka pa mamaya." 

Nang pumasok ako sa school ay binigyan ako ni Kim ng reviewer na pwede raw matackle sa quiz. Dahil sa friday na ang program busy ngayon at wala kaming klase. Magkasama kami ni Hiro na pumunta sa auditorium para raw sa practice. Kanina pa siya daldal ng daldal pero nanatili lang akong tahimik.

Habang nagpapractice ay lagi ako napapagalitan. Lutang kasi talaga ako kaya mas lalong parang gusto ko na tumigil. Kanina pa ako mangiyak-ngiyak pinipigilan ko lang. Hindi rin ako sanay na napapagalitan maliban kina mama at papa. Gusto ko na talaga lamunin na lang ng lupa.

"Maganda nga, puro lang naman ganda. Ang pangit ng lakad mo, girl. Ayusin mo kasi. Ikaw lang ang nakakasira sa practice na ito. Umayos ka kasi," sabi ng trainor namin sa akin. "Huwag kasi tulala," dagdag niya pa.

Lumapit sa akin si Hiro at inakbayan ako. "Parang gago naman yan. Huwag mo isipin mga sinabi niya. Huwag ka na kasi kabahan, kasama mo naman ako. Isipin mo na lang na kapag napahiya ka hindi ka nag-iisa kasi sasamahan kita." Natawa ako ng bahagya. "Kapag natapilok ko kunwari madudulas din ako. Kapag nahimatay ka kunwari ako rin. Kaya huwag ka kabahan na nag-iisa ka." Tumango lang ako sa kaniya at inayos ko na ang pagpapractice kasi halos galit na talaga silang lahat sa pagkakamali ko.

"Ayos ba ang practice?" tanong ni Kim. "Kapag pinahihirapan ka doon ako mismo susugod. Magsabi ka lang ah?" Tumango ako saka ngumiti. "Pasensiya na at napakabusy ng bebe mo. Hindi ka masamahan."

Natawa na lang ako. Sinamahan niya ako sa cafeteria at inihatid niya rin ako sa auditorium. Naghamon pa siya ng laban pero tumakbo naman ng may gusto ata na lumaban sa kaniya. Napailing na lang kami pareho ni Hiro. Natatawa na lang ako sa mga pinaggagagawa namin ni Hiro. Halos lahat sila mukhang gusto na kami paalisin.

"Sabi sayo. Sarap talaga mamikon ng mga taong madaling mapikon," natatawang sabi niya. "Pagpikon pikit tapos hinga malalim tapos mulat tapos relax." Lalong niyang ininis ang ibang mga candidates kaya pareho kami pinalabas ng auditorium.

"B'wiset ka," sabi ko.

"Okay lang. At least hindi na tayo magpapractice. Kabisado ko na rin naman ang mga gagawin. Bukas na lang ulit tayo bumalik at magsorry kunwari."

Nang dahil kay Hiro ay naging magaan-gaan ang araw ng practice. Hindi niya rin ako hinahayaan na basta-basta mag-isa kasi may mga malademonyong nagkakatawang tao raw sa paligid na maaring magpawala sa akin sa mood. Nakita ko rin sila ni Jack na magkausap kaya mukhang alam ko na kung bakit ganoon si Hiro. Pero okay lang kasi kahit papano hindi naman halata na nagpag-utusan lang siya.

Kahit ano talagang comfort mo sa isang tao kapag hindi na nila kaya ang mga nangyayari parang pasok sa kabilang tainga tapos labas sa kabila. Ang hirap na. Nahihirapan na ako. Hindi ko na alam kung may mangyayari pa sa akin sa susunod pa na mga araw.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Where stories live. Discover now