Sick
"Sabi sayo ako ang favorite niyang si Aleah eh," pagmamayabang ni Sic. Maaga kasi nagluto ngayon si mama. Ginising din sila neto ng maaga. "Bata pa lang yan ay sa akin na talaga yan laging nakasunod."
Totoo ang mga pinagsasasabi ni Sic pero hindi naman talaga sa lahat ng oras siya ang nakakasama ko. Lumaki ako na laging sila ang nakakasama ko maging sina Rocky at kuya Kit. Sobrang mahiyain raw kasi ako, kaya naman wala talaga akong mga naging kaibigan ng pangmatagalan. Lagi pa akong napapagalitan nina mama noon dahil sa hindi man lang daw ako makipag-usap sa mga kaedaran ko.
"Si Scion ang laging kinukulit ng kapatid niyo na iyan. Hindi ikaw, Sic. Huwag kang gawa ng gawa ng k'wentong hindi naman totoo," sabi ni mama na ikinatawa namin.
"Yucks, ako kaya. Ma, makakalimutin ka na."
Binato ni mama si Sic ng hawak niyang kutsara. "Wala kang alam diyan. Nang mga bata pa kayo ay sunod ng sunod si Aleah kay Scion. Na sa tuwing maglalaro ang kapatid niyo ng online games ay talagang mangungulit yan. Magpapakalong pa yan para lang matigil. Ikaw kasi bida-bida ka ng ipinanganak. Hindi na ako magtataka pa."
Subo ng subo si Sic ng kanin habang ang sama ng tingin niya kay mama. Hindi niya kasi talaga matanggap na hindi siya ang favorite ko noong mga bata pa kami.
Naaalala ko pa noon habang naglalaro si Scion sa harap ng laptop niya ay parati kong ginugulo ang buhok niya kahit na may hawak naman akong cellphone. Mas gusto ko siyang kinukulit. Sa inis ni Scion ay kinalong niya ako habang naglalaro siya.
"Tapos na po ako. Maliligo na po ako." Bahagya akong lumingon kay Sic saka ngumisi. "Hindi naman kasi ikaw. Si Scion talaga favorite kong kuya noon."
"Ngayon?" tanong ni Sic.
"Si kuya Sean na."
Iniwan ko na sila kasi naman bahala sila sa buhay nila. Kapag nagpasukan na sila ay sure na tatahimik na naman muli ang buhay ko. Kaunting tiis na lang talaga. Kapag nakapasa na si Sean ay kahit papano magkakaroon na ako ng banker.
Hindi naman kami kapos pero hindi naman ako palahingi.
Nang makarating ako sa school ay hinatid pa ako ni Rocky. Lagi niya naman kasi ginagawa ito. Mahirap na raw at baka pag-initan ako ng mga istudyante na may galit na ata sa akin. Mukhang dumarami na rin sila.
"Scarlet, may assignment ka? Nakalimutan ko eh. Pwede makahingi ng answer? Libre kita mamayang break time, promise."
"Hindi ko sure kung tama ang sagot ko." Hindi ako confident sa sagot ko. Natatakot kasi ako na baka kapag mali sisihin pa nila ako. "Okay lang?" nahihiya kong tanong.
"Okay lang iyan. Hulog ka talaga ng langit."
Naging mabilis ang paglipas ng oras. Nagkaroon kami ng activity by group syempre tagasulat ako sa manila paper kasi maganda raw ang sulat ko. Ayos naman na sa akin na magsulat na lang kaysa magreport sa harapan. Ako na rin ang nagsagot ng iilang mga tanong wala pa ring sagot.
"Kim, first time ata na wala kang assignment kanina. May problema ba?" tanong ni Jackson. Yun din ang napansin ko. Kahit na madami siyang ginagawa hindi nakakalimot ang babae na ito. "You can tell us, Kim. We're here. I'm your friend too, we're your friend."
Hindi ako magaling magbigay ng advice pero ako yung tipong handang makinig. I don't care kung paulit-uit ka, kung madrama ka, or kahit na iyakan mo pa ako. Sadyang hindi lang talaga ako magaling magbigay ng advice.
"Parang tanga naman mga 'to. Malamang okay lang ako. Sadyang hindi ko na kinaya at nakalimutan ko na talaga kaya hindi ako nakagawa."
"Kim!" Pare-pareho kaming napalingon kung nasaan si William. "Can we talk?" Nagulat kami ng bigla na lang umalis si Kim. Hinabol siya ni William kaya naiwan kami ni Jackson.
YOU ARE READING
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
