School faces
"Nahihiya talaga, Jack." Kanina pa kasi niya ako kinukulit na papasok kami sa guidance office. "Huwag mo na kasi ako idamay. Tara na kasi." Gusto ko man hatakin ang kamay niya mas malakas pa rin siya sa akin.
"Let's s do this, babe. Don't worry kasama mo ako. Nasa listahan din ang pangalan ko, babe. Sayang ang opportunity, let's grab it."
"Ikaw na lang kasi mag-isa. Hindi ko ata masisikmura na sa tuwing papasok ako sa school makikita ko mukha ko sa may labas. Ayoko talaga, Jack."
Isa kami sa inanyayahan na maging isa sa mukha ng school. Actually ngayon na nga ang photoshoot kaya hila-hila ako ni Jack. Nang makita ko si Kim ay nagtitigan kami ng bigla niya akong hinawakan sa kamay at wala na akong nagawa ng ipasok na nila ako ni Jack.
Nahihiya ako. Nandito na naman yung feeling na baka madami na naman may masabi sa akin. Ayoko pa naman na nakakarinig ng papuri at mga puna sa akin. Gusto ko lang naman na maging nobody student, hindi yung ganito.
"Alam mo huwag kang umayaw. Duh! Sama-sama tayo. Isipin mo kasali din si Jack, ako, William, si Raquel, at Sam."
"Bakit ba ako napunta rito? Wala naman akong ambag sa school, Kim."
"Gaga! Ganda ang ambag mo," sabi niya. Tinawanan pa ako. "Joke lang. Scarlet, kakasali mo lang sa photo essay contest. Nanalo ka pa, 10 kayong laban tapos nagfirst ka kaya malamang nandito ka."
Nang pinagawa kami ng essay ay nagustuhan nila yung akin. Sa dami ng dalawang section ay akin pa ang napili nila. Ako ang dinala nila sa ibang school at lumaban sa sampung participant ng iba't-ibang school. Chamba na ako yung nagfirst, super pressure talaga ako kasi naman pakiramdam ko kailangan ko manalo sa paninitig pa lang ng adviser namin ay pressured na ako.
Kahit kabang-kaba ako noon ay pinilit kong makabuo ng magandang piece. Kagat-kagat ko ang mga labi ko noon habang nagsusulat sa papel kasi may 45 minutes lang kami para maipaliwanag ang pagkakaunawa namin sa litrato na ipinapakita sa amin.
"Babe, let's do this." Sinamaan ko siya ng tingin habang ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. "Magpipicture lang naman tayo. Tsaka mas mababa level pa ito kaysa sa pagrampa."
Ayoko lang naman na mahighlight na naman ang mukha ko. Feeling ko nga ang dami ng nagagalit sa akin. Feeling nila masyado ako pabida sa mga ginagawa ko. Dagdag mo pa yung may mga gusto kay Jack na baka halos ipabarang na ako. Paano ako papasok ng matiwasay? Paano ang araw ng mga haters ko kung parati nila makikita ang mukha ko?
They put some makeup on our face. Inayos din nila ang pagkakaayos sa buhok ko. Si Raquel naman ay may hawak na libro, si Kim lang ang halos nag-iingay at nakikipag-usap sa mga makeup artist. May iilan din na galing pa sa lower grade.
"Ang ganda mo namang bata," sabi ng nagmimakeup sa akin. "Bagay sayo maging model."
"Maganda talaga yan," sabat ni Kim. "Pero may kulang diba, guys?" Inosente ko silang tiningnan. Iniisip ko rin kung ano yung kulang. "Alams na alams kaagad."
Tumango-tango ang nagmimakeup sa akin. Kita ko siya dahil sa malaking salamin sa harap namin. "Kulang ka sa confidence, girl." Napabuntonghininga ako kasi alam ko naman na totoo. "You should believe in yourself. Huwag mo naman idown ang sarili mo. Halatang-halata ang baba ng self-esteem mo, girl."
Yon naman talaga ang pinakaproblema sa akin. Kahit ilang contest ang maipanalo at naipanalo ko walang improvement. Sa tuwing nasa harapan ako ng maraming tao, wala akong binatbat. Sa harapan talaga ng maraming tao ang weakness ko. Hindi ko alam pero hindi talaga ako masanay-sanay.
Naging smooth ang picture-taking. Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi simpleng ngiti at tayo lang naman ang pinag-gagagawa namin. Nakaalalay naman sa akin si Kim at Jack.
"Congrats," bati sa amin ng Dean ng school. "Thank you for all of your hard work for this school. I appreciate all your effort, lalong lalo na sayo Mr. Smith." Bahagya lang na yumuko si Jack. "Kayo ang magiging imahe ng school hanggang sa matapos ang taon na ito."
Sabay-sabay na kaming bumalik sa room matapos pa ang iilang shots with the all the faculty members. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako after a few days before isalampak ang mukha namin sa entrance ng school at sa paligid maging sa brochure.
***
After a couple of days dumating na kaagad ang standee picture namin. Halos gusto na nga iuwi ni Kim yung kaniya kasi raw ang ganda niya sa part na yun. Ayoko sana makita yung akin pero ang gaga halos imulat na ako sa katotohanan na araw-araw ko raw masisilayan ang mukha ko kaya sanayin ko na raw.
"Ang dami na naman maiinggit sa akin neto. Ang ganda ko talaga. Siguro kailangan ko na gumamit ng dating app," sabi niya dahilan para mabilaukan si William. "Ano na naman problema mo hah?" masungit na tanong ni Kim kay William kasi magkakasama kami ngayon sa isang mini fastfood cart dito sa labas ng school.
"Grabe sikat ka na, Aleah." Napabaling ako kay Rocky habang kasalukuyan siyang kumakain at nakatingin sa malaking tarpaulin sa taas ng bakod ng school. "Jaxx, kuhanan mo ako ng picture. Dapat kasama mukha ng pinsan ko ah." Baling niya sa kapatid ni Jack.
"Kanina ka pa, Rocky. Pati doon sa human stand nagpakuha ka ng picture pati doon sa cru—" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng takpan na ni Rocky ang bibig niya.
"Ang ingay mo, gago."
Kahit naman na pinigilan niyang masabi ni Rocky ay alam ko na ang tinutukoy niya. Crush niya na raw talaga si Raquel. Hindi ko alam ang score na mayroon sa kanila.
Nagulat ako ng hawakan ni Jack ang kamay ko. Ito ang isa sa mga napapansin ko sa kaniya simula ng nanligaw siya sa akin. Lagi niyang hawak ang kamay ko at pinaglalaruan ito. Lagi niya ring itinutusok sa palad niya ang kuko ko. Minsan din ay pinagkukumpara niya ang kamay ko sa kamay niya. Same raw kami ng hugis ng kuko, dapat daw magcontest kami na pahabaan ng kuko kung sino una maputulan ng kuko ay talo.
"Let go," I whispered. "Makikita ni Rocky," dagdag ko pa.
"So? He already know that I am courting you, Scarlet. Hindi naman tayo nagtatago."
"Yun na nga eh. Nanliligaw ka pa lang pero yung ginagawa mo parang sa may label na."
"Eh di lagyan mo ng label." Hindi ko na siya pinansin pa kasi wala naman akong laban sa mga sinasabi niya. "Oo na po. Bibitaw na," sabi niya bago binitawan ang kamay ko pero mas lalo siyang lumapit sa akin.
"Sisiksik na lang ako. Kung ayaw mo pa rin, I'm sorry but I might steal your hand again and hold it tight again."
Sa bawat araw na lumilipas na nanliligaw siya ay nagpipigil na ako. Nagpipigil na akong masabi ang salitang YES. Hindi ko alam pero may parte sa akin na gusto ko na siyang sagutin kasi alam ko sa sarili ko na unti-unti ko na rin siyang nagugustuhan. Sadyang natatakot lang ako na pumasok sa relasyon dahil kahit kailan hindi ko pa naranasan.
Hindi ko rin alam kung paano sasabihin at paano magsabi kina mama. Bahala na, ganito na muna. Baka may mabago pa kapag sinagot ko na kaagad siya.
YOU ARE READING
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
