XVII Acquintace Party

112 6 0
                                        

Acquaintance party

I see how Kim being productive. Lagi siyang nakaalalay sa lahat ng activity kaya naman hindi ko talaga siya nakakasama. Jack told me that Kim is trying her best para sa mga activities na ito. Mas busy pa siya sa President at Vice President ng SSG. Sana siya na lang ang nagpresident sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung busy or nagpapakabusy siya.

"I'll buy foods lang," sabi ko bilang pamamaalam kay Jack. Nandito kasi ako kasama siya habang inaayos niya ang sounds system. "Dito ka lang. I'll come back. Mabilis lang ako," sabi ko.

I decided to buy some snacks. I'm starving already because I didn't eat breakfast. When I got into the cafeteria I saw Kim running towards her unit room. For the past few days, there's been something wrong with her. I can't say but I think there's something wrong with her.

Bumili ako ng snacks. Nang makabili ako ay dumiretso ako sa room kung saan pumasok si Kim.

Nang nasa loob na siya at nakaupo habang nagcecellphone na tila nagpapahinga ay kaagad ko siya chinat. Nang maseen niya ay napatingin siya sa kung nasaan ako saka ako sinabihan na pumasok ako. May mga ka-unit siya pero isinawalang bahala ko na lang total nandoon naman siya.

"Oh." Pang-aalok ko sa kaniya ng binili ko. "Let's eat. Pwede ba rito?" tanong ko.

"Pwede naman. Ba't binilhan mo ako? I cannot! Dont tell me hindi naman talaga akin yan!" hasik niya kaya natawa ako. "Magsalita ka, girl."

"Nasa loob ng bag ko yung kaniya. Sayo talaga yan. Nakita kita kanina na pumasok dito so I decided to buy snacks for you too. You look executed."

Nang simula na niyang lantakan ang dala ko ay natawa ako. Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay tumigil siya sa pagkain.

"Ang weird mo, girl. What happened ba? May gusto ka ba sabihin?" she asked.

"Paano pala kayo naging magkakaibigan nina Raquel, sina ano William at basta sila? I'm curious." Nang mapalunok siya ay naconfirm ko na nga ang nasa isip ko. "Bakit may problema ba?"

"Hay naku." Uminom muna siya ng drinks na binili ko kaya nagsimula na rin ako kumain. "Girl, si William ang kaibigan ko. Nadadala lang ako ay mean dawit. Alam mo yung feeling na kaibigan mo sila pero ano feel mo hindi ka belong. Alam ganiyan din kasi ang nafefeel ko sa loob ng bahay namin."

"Why?"

"Feeling ko hindi ako belong. Super friendly ko naman pero secret lang ito ah." Lumapit  siya sa akin para bumulong. "Nahihirapan ako makipagkaibigan, kinakapalan ko lang talaga ang mukha ko at kay William lang ako comfortable talaga pero ngayon pati sa kaniya hindi na rin ako komportable."

"It's okay. I'm here," nakangiting sabi ko. "You can treat me as a friend, sister, best friend or so whatever. You know me naman na sobrang mahiyain ko talaga pero I'm comfortable with you, Kim. Dawit din naman ako sa pagkakaibigan niyo eh."

Nang matapos kami ay sinamahan niya ako kung nasaan si Jack. Nakahawak siya sa braso ko kaya pati si Jack ay napatingin doon.

"What happened to the two of you hah?" he asked. "Babe, dito ka. Lumayo ka diyan, virus yan."

"Gago ka talaga kahit kailan, Jackson! Mahiya ka nga. Frenny ako ng nililigawan mo. Ibackstab kita diyan at siraan sa kaniya para hindi ka sagutin eh. Ang kapal-kapal ng mukha mo!"

Nang matapos ang game ng 3 pm ay inihatid kami ni Jack sa bahay gamit ang motor niya. Kasabay naman namin si Rocky kaya sumabay na rin ako. Nasa pinakahulihan ako habang nasa unahan ko si Rocky. Ipinaliwanag na rin ni Rocky na siya na ang bahala sa akin papunta sa school dahil parang biyaheng papuntang langit daw ang feeling habang nakasakay siya sa motor kaya hindi na niya hahayaan na sumakay ulit kami sa motor na siya ang driver.

"Babe, hindi naman mabilis ah. Tsaka nag-iingat talaga ako. Ano problema ng pinsan mo na yan?"

"I'm scared too." I said before leaving them. 

Nang makapasok ako sa bahay ay parang nanghihina ang tuhod ko. Dumiretso ako sa kuwarto na parang walang nangyari. Nadatnan ko na naglalaro sina Sic at Scion kaya inayos ko ang paglalakad ko na parang hindi ito nanghihina.

Si mama ang pumili ng isusuot ko. Dahil blue team ako ay blue off shoulder cocktail dress ang isinuot ko. Hinayaan ko na nakababa ang bangs ko, high half high ponytail ang naging style ng buhok ko. Si mama ang nag-ayos ng buhok ko. Siya rin ang nag-makeup sa akin. Long tassel rhinestone flower earrings ang napili niya para sa earrings ko. Nalaman ko kasi na rarampa pa ulit kami before na coronation. Naglagay din ako ng double layered choker with a star silver pendant. Dahil sa kailangan na nakapumps ako ay nagpumps ako.

Si kuya Sean ang naghatid sa amin ni Rocky. Nang makarating kami sa school ay nakaakbay sa akin so Rocky. Syempre marami pa rin maissue na tao. Dumiretso na kami ni Rocky sa venue. Dahil malawak ang gym ay doon makakanap ang party. Nang makapasok na kami ay medyo madilim pero ang mga shrub lights ang nagpapaliwanag sa paliwanag kaya nakakalula.

Dahil 7 pm na ay masyadong busy na ang mga officer. Pinatawag din kami para sa kung paano kami rarampa mamaya. Dahil isa rin si Rocky sa kasali ay magkasama kami. Nakablue  long sleeves loose style si Sam habang nakabukas ang tatlong butones with a dirty white suit pants casual trousers and a pair of white shoes. 

Naupo siya sa tabi ko habang tila walang pakialam sa mundo. Gusto ko sana siyang kausapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin at pinagmasdan ako sabay iling na ikinangunot ng noo ko.

"What's your problem?" I asked. "Pangit ba? Ano, may mali ba sa mukha ko?"

"Wala. Hindi ko siya maintindihan," sabi niya bago umalis.

Ano bang problema niya sa mukha ko? Ang sama talaga ng ugali niya akala ko okay kami. 

"Babe." Nagulat ako sa pagsulpot ni Jack. "You're beautiful."

Napabusangot ako ng dahil sa ginawa ni Sam kanina. "May mali ba sa mukha ko? Sabihin mo nga ang totoo," sabi ko kaya siya naman ang nakasimangot.

"I'm not lying, babe. Sino ba nagpaparamdam ng feeling na yan sayo? Bulag ba yon? Ang ganda-ganda mo nga eh."

Hindi ko sinabi ang nangyari kay Jack. Buti na lang at tinatawag na siya kaya hindi na niya ako nakulit pa. Malay ko ba kasi kung bakit ganoon si Sam. 

Nang magsimula ang program ay uwing-uwi na ako pero hindi naman pwede. Nasa backstage na kaming lahat kaya naman hindi ko pinapansin si Sam. Ang plastic niya,kunwari pang itinuturing akong kapatid hindi naman. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Halos lahat ng boys ay inalalayan ang mga girls na umakyat ng stage. Hindi man lang nagkagentleman si Sam kaya ng makita ko si Jack kasi isa siya sa emcee ay ang sama ng tingin niya kay Sam. 

"It's okay," I murmured.

Jack smiled at me but he glared at Sam. Natawa ko na lang at pinipigilan ko na matawa. Nakakuha kami ng award a best on the outfit, people's choice award, and Mr. & Ms. INTRAMURALS. Nang magsimula na ang party ay nakahawak ang kamay ni Jack sa kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Isinasayaw niya rin ako sa tuwing sweet dance. Nahihiya na nga ako pero bigla na lang talaga niya ako hinihila papunta sa gitna. Namataan ko rin na nakatingin si Sam habang may kasayaw na iba si Gillian. Nakaupo naman si Kim at William samantalang panay ata pangungulit ni Rocky kay Raquel na mukhang wala namang pakialam.

"Nabibwiset talaga ako kay Sam ng hindi ka man lang niya inalalayan. Pero alam mo narealize ko rin na kapag hinawakan ka niya ay magseselos talaga ako, babe. Para akong babae na hindi mo talaga maiintindihan.Sana kasi magka-unit na  lang tayo para sana tayo yung magkapartner eh."

"Move on, Jack."

Hindi ko alam pero kahit na pinipilit ni Jackson na hindi kami mabobore ay uwing-uwi  na ako. May mga times na okay na sana tapos after a minutes uwing-uwi na naman ako. Parang ang bilis ko mabored taps noong uuwi na kami kasi nasa labas na ang sundo namin ay parang ayaw ko na ulit umuwi. Ganoon kagulo ang naging gabi ko kasama si Jackson. 

Isa lang ang napansin ko. This is my first time having a good time at a party. Hindi kailan man ako nag-enjoy sa isang party kasi wala akong nakakasalamuha noon.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя