Simula
Malakas ang tugtog at nakabusangot ako. Sabi nila ay may kakausapin lang sila pero ito kami at pumasok pa sa loob ng covered court. Minarkahan pa nila ang papulsohan ko na magpapakita na nagbayad ako para makapasok. Syempre si Sean ang nagbayad, uuwi lang dapat kami eh may kailangan lang ako bilhin kaya sumama ako.
Bumuntonghininga ako ng makita ko na masayang nakikipag-usap sina Sean, Scion, at Sic. Para akong tanga na nasa tabi at hinihintay na sana maalala nila na kasama nila ako. Walang tigil ang ingay ng tao kasabay ng musika dahil sa sayawan dito sa isang barangay.
"Why did I even bother to go with them!" I murmured. "Sana hindi na lang ako sumama, they are unfair."
Napailing ako. Naglakad ako papalayo sa kanila ng may mabangga akong lalaki. Mataas siya kaya naman yun lang ang alam ko, madilim.
Biglang nakaramdam na naman ako ng mga daga sa dibdib ko. Hindi ko mawari kung bakit pero madali talaga ako kabahan.
I let out a heavy sighed. Ikinuyom ko rin ang kamay ko. "S-sorry po," ang tanging sabi ko.
"No. Ako dapat ang mag-sorry. May kasama ka ba?" he asked.
"Yes. I'm with my brothers," sagot ko para hindi naman kabastos-bastos.
"Bago ka ata rito. Ngayon lang kita nakita," sabi niya.
"Kalilipat lang namin dito."
Lumingon ako kung nasaan ang mga kapatid ko. Saktong paglingon ko ay nakatingin na sa akin si Sean. Tumayo siya kaya naman umalis na ako ng walang paalam para lumapit kay Sean.
"Who's that guy?" he asked. "Why he's with you."
Sinabi ko kay Sean ang nangyari. Nakaangkla na ang kamay ko sa leeg niya kasi pagod na ako tumayo, samantalang si Sic may upuan.
"I wanna go home. Bakit ba kasi tayo nandito? Nakabili na ako ng bibilhin ko, uwi na tayo. Sabihan mo na sila, Sean. Mapapagalitan tayo nina mama at papa kapag nagkataon."
"But they are still enjoying."
I glared. "I don't care. I wanna go home, 10 pm na. Lagot tayo kina papa. Uwi na kasi tayo."
Bumuntonghinga si Sean kaya ngumiti ako. Nilapitan niya sina Sic at Scion at mukhang nagpaalam na rin sila. Sina kuya ay may mga kakilala na rito ako wala pa.
Nakaakbay sa akin si Sic at Scion paglabas namin. Nagulat kami ng magsigawan sa loob, kaya may ibang lumabas pero naharang na ng mga bantay. Buti nakalabas na kami, mukhang may away pa sa loob.
Sobrang kaba ang naramdaman ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko na kapag umaalis kami na hindi nagpapaalam ay mas kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.
Paano kung mapahamak kami? Mas mapapagalitan pa kami if ever. Paano na lang kung masaktan kami, mas magagalit sina mama at papa kung ganoon.
"Bili lang ako soft drinks," sabi ko kaya nagsitanguan naman sila.
Nagulat ako sa pagtabi sa akin ng lalaki. "I'm Jackson, yung nakabangga sayo kanina." Ngumiti lang ako saka kinuha sa tindera ang sukli. "So what's your name?"
"S-scarlet. Sige, bye."
Patakbo ako lumapit kina kuya. Buti na lang at may dala akong jacket kaya hindi na ako nilamig pa masydo. Mga buraot din kapatid ko, ako bumili sila umubos.
Dahan-dahan ang pagpasok namin sa loob. Hindi talaga alam nila papa na lumabas kami kaya sobrang kabog ng dibdib ko. Halos makalimot na ako huminga dahil baka mahuli kami.
Nang makapasok na ako sa kuwarto ko at saka lang ako nakahinga ng maluwag. Inayos ko ang gamit ko saka ako nahiga. Hindi ko na inalis pa ang jacket ko kasi malamig naman.
Sa paghiga ko ay naalala ko yung nangyari kanina. Playboy, akala niya mauuto niya ako. Sana hindi ko n siua makita pero baka inposible naman. Bahala na nga lang.
Nang magising ako ay nauna pa sa akin ang mga kapatid ko. Paglabas ko ay naghahanda na sina mama at papa ng pagkain sa mesa.
"Nagkaroon daw ng saksakan sa sayawan sa barangay." Panimula ni papa kaya kinabahan ako. Kumuha ako ng tinapay at kaagad na nilantakan upang hindi ako makapagsalita ng kung anu-ano. "Nasaan pala kayo kagabi? Saan kayo nagpunta? Akala niyo hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong ni papa.
"Ano kasi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinubuan ako si Sic ng tinapay at iniabot ni Scion sa akin ang baso ng gatas.
Masama ang tingin sa amin ni papa at nagtataka sa ikinilos ng mga kapatid ko kaya hindi magkamayaw ang daga sa dibdib ko.
Nagpractice na ako kagabi ng sasabihin pero hindi ko naman magawa dahil sa ginawa sa akin ng mga kapatid ko.
"Lumabas kasi kami pa. Sa tindahan lang. Nagmidnight snack tsaka bumili ng kailangan ni Scarlet." Pagpapaliwanag ni Sean. "Natagalan kami kasi Sic, may mga bagay-bagay na ginawa."
Tumawa si Sic at nagsalin ng tubig bago uminom.
"Lumandi kasi ako, pa. Hanggang doon lang, nakipag-usap ganoon. Hindi naman super landi, sakto lang."
"Kapag ikaw talaga nakabuntis, Sic." Pagbabanta ni mama. "Papalayasin kita ng maaga."
"Bratatatat," sabi ni Sic at sinamaan siya ng tingin ni mama. "Joke lang, ma. Gagraduate pa ako. Tapos pwede na makabuntis."
Binato ni mama si Sic ng kahon ng tissue kaya nanahimik na lang kami at baka kami pa ang pagbalingan ni mama ng galit niya.
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling sa mga ganitong pangyayari," bulong sa akin ng kapatid ko na si Scion. "Lagi mo kasi pinagbibigyan yang kaba mo. Kamuntikan na naman tayo," dagdag niya pa.
Sa aming magkakapatid ay hindi naman ako super honest. Kapag sobra talaga ang kaba ko nakakalimutan ko na magsinungalin kaya napapasabi na lang ako ng totoo.
Lagi ako nag-aadvance mag-isip sa mga pwede mangyari kapag nasa isang sitwasyon ako at paano kami mapapagalitan ng mga magulang namin.
Kapag may nagawa akong mali parang hindi na ako papatulugin ng konsensya ko kahit na kaunti o maliit lang naman na bagay iyon. Hindi ako magaling magsolve ng problema dahil pinapangunahan ako ng kaba. Kaya minsan mas gusto ko na magstick sa bahay kasi makagawa man ako ng mali sina mama at papa lang ang magagalit sa akin hindi ibang tao dahil sa katangahan ko.
Wala rin ako masyadong kaibigan kaya naman sa aming magkakapatid ako yung wala man lang naiiuwing kaibigan sa bahay. Gusto ko magkaroon ng kaibigan pero kapag nasa harap ko na hindi ko na alam ang gagawin ko kaya parati ako napag-iiwanan kasi boring ako kasama.
Ganoon ako eh. Kilalang-kilala na rin ako ng mga kapatid ko kaya sila nalang talaga ang itinuturing kong best friend ko.
YOU ARE READING
DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] "I'd rather be alone than being in a crowd of people who didn't even know me." Scarlet Aleah Rodriguez is the youngest and the only girl in their family. Nag-iisang babae sa side ng father side niya kaya halos lahat ng pinsan niya ay lal...
