VII Practice

216 11 0
                                        

Practice 

Oras na lang ang papalampasin at magsisimula na nga ang program. Yeah, bukas na iyon. Habang palapit ng palapit lalo ata akong hindi makatulog. Lagi ko naiisip na paano kung magkamali ako tapos maraming tao ang makasaksi. Naiisip ko pa lang na matapilok ako or mapiyok or maglakad na parang tanga ay gusto ko na lang na magpalamon sa lupa.

Sa tanang buhay ko hindi ko ito naranasan. Kahit noong bata pa ako ay wala talaga akong sinasalihan na kung anu-anong contest. Kabado kasi ako parati. Ayoko rin na panay ako ang napag-uusapan. Hindi maalis sa isip ko sa tuwing nakakatanggap ako ng mga salitang masasama.

"Rocky, tingin mo kaya ko?" tanong ko kay Rocky habang naglalakad kami sa hallway. Kasabay ko kasi siya sa cafeteria. Sa kan'ya muna ako sumama. "Feeling ko magkakalagnat na ata ako sa kakaisip." Ngumuso ako ng pagtawanan niya lang ako.

"I know you can do it. Besides, I'm a participant too. Kung kaya ko kaya mo rin." Napabuntonghininga ako at hindi talaga ako mapakali. "Tsaka magpaturo ka kaya maglakad na parang model. Kanino kaya?" 

"Ayoko."

"Alam ko na. Kay ano." Lumapit siya sa akin saka bumulong. "Doon sa crush ko. Hindi yun kasali, tsaka sumasali rin yun sa pageant minsan."

"Nahihiya ako," matamlay kong sabi. Ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko. "Crush mo talaga siya?" Tumango-tango siya na parang tanga. 

"Don't worry. Ako ang kakausap. Ako ang hihingi ng tulong for you. Tsaka hindi naman ito yung pageant na pang malakasan. Bagay nga ito sayo, mapaka-Maria Clara ka."

Mag-isa na lang ako ng naglakad papunta sa room namin. Nakita ko si Jackson na nasa may pinto at nakasandal. Nang makita niya ako ay dali-dali siyang umayos ng tayo. Napaiwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal.

"Ba't ka nandiyan?" tanong ko. 

"Hinihintay ka." Ngumiti lang ako saka dumiretso. Doon ako sa isang pinto dadaan. 

Akala ko naiwan siya doon pero nakasunod pala siya sa akin. Nang makarating ako sa upuan ko ay isinalampak ko ang mukha ko sa table. Nagulat ako ng hindi sa mesa tumama ang mukha ko kundi sa isang kamay.

Pag-angat ko ng tingin ay si Jackson ang nakita ko. Kamay niya rin ang nasa mesa. "Don't hurt yourself," sabi niya bago binawi ang kamay niya saka niya ito ipinagcross. 

"Aleah!" Sabay kami napalingon ni Jackson sa may pinto at nakita ko si Rocky na sumisenyas na lumapit ako sa kaniya. 

Kahit na tinatamad ako ay lumapit ako sa kaniya. Nakita ko si Raquel na kasama niya pala.

"Hi. Mamaya tutulungan kita. Isama mo na rin si Jackson, sa dance studio na lang namin."

Nalaman ko na may dance studio pala sila. Wala naman daw tao dahil sinabi niya na pupunta siya kaya kami-kami lang daw. Sinabi ko kay Jackson ang plano na kaagad naman sinang-ayonan. Dahil sa bukas na ang program busy si Jackson. Naiwan ako sa room dahil maging si Kimmy ay wala kaya tumulong na lang ako sa pagupit ng design para sa room namin. 

"Scarlet, sino magmimake-up sayo?" tanong ni Shenna na classmate ko. "Pwede mo naman ako kunin. Maalam ako sa make-up tsaka dapat din na hindi naman sobrang bunga kasi gagawin ka naming Maria Clara. Ano game ka ba?" nakangiting tanong niya.

"K-kayo ang bahala."

"Good. Hapon pa naman ang program para doon.  Makakapag-ayos pa rin tayo. Ready na rin daw ang damit niyo sabi ni Kimmy."

Tumulong ako sa paglalagay ng banderitas sa mga tali. Kailangan Kasi pagandahin ang room kasi isa iyon sa contest. Fiestang Filipino ang theme namin kaya may mga banderitas na ikakabit.

DEALING IN A CROWD (Introvert Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora