He's finally admitting and calling me wife.

Although, hindi niya iyon gano'n pinakapinalalabas ay kuntento na ako sa nangyayari. Sa showbiz, manliligaw ko si Valjerome sa kanilang mga mata. Gano'n na rin sa kumpanya niya. Mayroon man sa loob ko na nalulungkot ay mas pinagtuunan ko na lang ng atensyon ang improvement sa pagsasama namin.

I was taken back to reality when Chaos smirked and laughed sarcastically with his lowpitch voice.

"You seem like a loving husband, Mr. Montevardo," he mumbled mockingly.

"Mr. Hevion," I called with my cold tone.

He licked his lower lip and moved his eyes to me. "Yes, Jazzie?" he said.

"Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, pero gusto ko lang sabihin sa 'yo na wala kang kaparatan na pakialaman ako o ang asawa ko. Stop pissing him off," I said sternly.

Chaos stared at me with his ocean blue eyes and then his side lips rose. "Sigurado ka ba sa desisyon mo, Jazzie? You'll stay with that man?"

"Yes," mabilis na sagot ko.

Sandali pa kaming nagkatitigan saka ako muling hinila ni Valjerome palapit sa kanya. "Hindi dahil may koneksyon ka sa pamilya ko ay hahayaan na kita sa mga ginagawa mo. Know your place because if you don't. I will be the one who will put you to your right location," walang emosyon na saad ng asawa ko.

Valjerome told me before. Chaos is one of their investors, kaya nandoon siya sa party ng magulang ni Val noon.

"Hmmm, where will that be?" Chaos asked teasingly.

"66'feet under the ground," Valjerome answered.

Mahinang tumawa si Chaos at umiling. "Magaling ka palang magbiro?"

"Oo, sa sobrang galing kadalasan nagiging totoo," pagbabalik ni Val.

They stared at each other. Tila sa paraan na iyon sila nag-uusap at nagsusumbatan ng salita.

"Mr. Hevion," Azy butted in.

Halos ipagpasalamat ko iyon dahil hindi ko na rin kaya na masingit sa dalawa.

"May mga demands pa po ba kayo?" magalang na usisa ni Azy.

My lips twisted as I secretly rolled my eyes when I saw my manager simply touching Chaos' biceps.

"Wala na. But I am hoping na magkaroon pa ng sunod na project si Ms. Zamora sa kumpanya ko," aniya.

Valjerome scoffed at my side. "It's Missus, and no. She will never work with you again." Hinawakan niya ang kamay ko saka maingat na hinila paalis sa lugar.

"V-Val," nauutal na tawag ko matapos niya akong isandal sa pader nang nakalayo kami.

"Tell me, wife. You'll never work with him again, right?" he asked, softly looking at me.

"K-Kung iyon ang gusto mo," tugon ko.

"How 'bout you? What do you want?"

"I don't want to work with him again."

Sandali siyang natigilan at tumitig sa akin na para bang naghahanap ng kasinungalingan doon.

"Let's go home," he said and held my hand again.

Napangiti na lang ako at nagpakaladkad sa kanya. Sa loob ng ilang minuto sa loob ng sasakyan buhat nang sumakay kami ay hindi niya kailanman binitiwan ang kamay ko. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko iyon nagugustuhan.

Thank you, Lord. You changed him.

When we reached our home. Agad siyang sinalubong ng isang tauhan. May hawak ang lalaki na isang itim na kahon na may katamtamang laki.

"May nag-iwan po sa labas ng mansion," tipid na wika ng tauhan habang nakatungo ng kaunti.

Tinitigan ko ang itim na kahon na may gintong ribbon na nakabuhol. Asta ko iyong hahawakan nang kabigin ni Valjerome ang kamay ko.

"Go to your room," he said coldly.

Napalunok ako sa sobrang kalamigan ng boses niya. Sa pag-iisip na tungkol iyon sa kanyang mafia ay sinunod ko  na lang ang kanyang kagustuhan. I silently walked upstairs and went to my room. Hindi ko pa man naisasara ang pinto ay napatalon ako sa tatlong magkakasunod na putok na umalingawngaw sa bahay. Mabilis akong naglakad pabalik at sinilip sa ibaba si Valjerome.

He's holding a gun. Taas-baba ang kanyang balikat habang puros basag na vase sa paligid. I was about to walk down when his eyes went to me.

"Go to your room, Jazzie."

I bit my tongue when his ruthless eyes pierced through me. For a second, I felt afraid. Not for me, but for our relationship.

"I SAID GO TO YOUR ROOM, JAZZIE!"

I jolted when a loud gunshot echoed again. Gamit ang nanginginig kong tuhod ay dali-dali akong tumalikod para magtungo sa aking silid.

"Calm down, Jazzie. Wala lang siya sa mood. Maybe... maybe something happened to his Mafia. Tama iyon lang 'yon," pagpapalubag ko sa sarili ko.

Everything will be okay.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now