chapter twelve

90 2 0
                                    




"Hi!" maligayang kaway ni Milo na ikinabigla namin nang bigla siyang sumali sa video call.

Galing sa pagkuha ng notebook sa ilalim ng lamesa. Umusog si Kareem sa upuan niya. Her chair shrieked a small sound as she narrowed her eyes to look at Milo.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

Nagtaka rin ako kung bakit siya andito. He wasn't supposed to join us dahil may ginagawa rin pero eto siya ngayon, nakangiti habang inaalis ang t-shirt.

Kumuha siya ng papel at nilaro ang lapis sa kamay.

"Milo, what are you doing here?" Kareem asked again.

"Wala lang, gusto ko sumali. Bawal ba?"

Umiling si Kareem. Maarte siyang tiningan.

"Bawal..."

Milo rolled his eyes. Kinuha niya ang cellphone at inayos sa medyo malayo ang pwesto. He then started turning the light under some table that has a glass above. Practically a table for architecture students. I guess?

"Kung ganun sasali ka samin?" tanong ko habang binubuksan ang notebook.

"Ofcourse, working with someone is better than being alone." ngisi niya habang tumatagilid samin, hawak ang papel.

He's working without a shirt. Kinuha niya rin ang ibang gamit niya pati ang t-square. I've seen Milo do some of his work. Nakakailang oras siya doon at ang gaganda. I even took some of his sketches, hindi niya alam yun kaya gumagawa ng bago pag hindi nahanap.'Though he's not actually gonna pass it, drinawing niya lang dahil bored siya.

Kaninang umaga, Kareem and I planned to have a study session. Gabi ang pinili naming dalawa pareho dahil maliban sa walang manggagambala, sobrang tahimik. She said she'll stay up until four, ikinagulat ko yun pero hinayaan na lang siya dahil trip niya naman daw. At eto kami ngayon, kasama si Milo na gumagawa ng kanyang plates.

"Milo I'm gonna send you something, can you help a friend out?" ika ni Kareem habang sinaswipe ang phone.

"Yeah, sure."

Ganun pa rin ang ayos ni Milo. Hindi siya lumingon basta't nagpatuloy lang. When he received the message, walang tingin niya itong kinuha. Tinapos niya muna ang ilang paglinya bago tuluyang buksan ang cellphone.

"This is an easy math, hindi mo ba masyadong gets?" tanong niya pagkatapos pagmasdan ang kung anong sinend ni Kareem.

Kareem shrugged. "Nah! I don't like... math."

Tinulak ni Milo ang sarili sa upuan para kumuha ng papel. Umikot naman ang mata ko. Kareem talks as if she's literally saying someone's name. Hay nako, Kareem. Let it go!

Nagpatuloy na lamang ako. From time to time, I would message Thirdy about what's happening. Hindi naman gaano dahil nag fofocus ako at gusto niya ring mag focus ako and as for Milo, he really did stay with us. Ginawa niya muna ang sinend ni Kareem bago magpatuloy sa pagguhit. And it seriously took us thirty minutes to finally focus on our work! Dahil sa gitna ng tatlong minuto na iyon, nagkwentuhan lang kami at puru tawa.

Milo and Liam were supposed to do some things tonight too. Ang sabi kanina mag babasa si Liam habang si Milo gagawa ng plate. Hindi sasali samin dahil mag seseryoso daw sa gagawin. Kaya ikinagulat ko ng pati siya biglang sumali sa call.

"Woah..."

Sabay kaming natigil tatlo nang marinig ang bagong nag salita sa screen. Nanlaki ang mata ko.

Liam's smirking face plastered our screen after an hour of doing our work. Namumungay ang mata niya at magulo rin ang buhok. Nakadapa siya sa kama at wala pang itaas, saplot lang ang puting kumot.

Written in the Sands (valorous series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon