chapter nine

97 2 0
                                    




"Salamat..."

Kinuha ni Thirdy ang bag sa hita ko bago tumalikod para mauna sa gate. Hinila niya ang bakal doon at binuksan. Humarap sakin at tumagilid pa siya para hintayin ako.

Nagkatinginan kami. Kanina, nagpatuloy siya sa ginagawa sakin. Mula sa titig at hawak sa kamay ko. But even if I liked it, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa pinag gagawa niya.

Walang tingin kong pinasok ang gate. Inawang niya lalo iyon bago pumasok.

He wasn't supposed to carry my bag. Nauna lang talaga siyang kunin iyon dahil nauna siyang lumabas. He even asked me to carry it while we're on our way because of my hand, pero wala akong sinabi. At dahil rin sa paninindigan kong hindi siya kausapin, hindi ko nga talaga ginawa. Hanggang ngayon...

"Let me..." sinubukan niyang hawakan ang inuurong kong pintuan ngunit huli na siya.

Bumaba ang tingin niya sakin. I wanted to look at him cockily but then stopped. His hands are full tapos gusto pa akong pagbuksan! Sira ba siya?

On his right hand is my bag and my medicine. Kung bakit kasi ayaw niyang ilagay na lang sa balikat. Maliban doon ay ang binili niya kanina lang at sinama papasok. Sa kabila, ang kilalang pangalan na brand. Tito Stefan said it's a gift for mom.

Thirdy pushed it more. "Go first, I'll hold the door for you."

I almost rolled my eyes. Ewan ko kung para saan o kanino.Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari basta papasok na ako.

Pagkatapos kong hawiin ko ang side bangs na biglang kumawala sa tenga ko habang papasok, parang nahulog sa naglalakihang gusali ang kaluluwa ko nang makita ang walang emosyong mukha ni Kuya.

"Tangina... kuya."

Napahawak ako sa dibdib. Bahagya ring napayuko sa gulat dahil sa itsura niya.

I ingaled to breath some air. Ngumiwi naman si Kuya at halos patayin na ako sa tingin.

"Gulat na gulat ah!" aniya.

Sa di namalayan, tumabi si Thirdy sakin bago lumebel sa mukha ko para magtanong. I even felt his hand on my back too. Almost caressing it to soothe me down.

"You okay?" he asked.

I sighed while glaring at my brother. Nang makabawi ako sa gulat, umayos ako ng tayo.

"Yeah..."

Lalo kong tiningnan ng masama si kuya. Kuya's  brow lifted like he's asking or what. I only rolled my eyes and called mama. Pumunta akong kusina habang naiwan si Thirdy para makipag kamustahan sa kapatid ko.

Bwisita na tao yan, sinong hindi magugulat sa ayos niya!

"Mama," I called.

"Celine nasa kusina ako!" dinig kong sabi niya.

Lumabas si papa sa kusina at ngumiti para salubungin ako. Nagmano ako sa kanya bago ipalupot ang kamay sa bewang habang siya ay umakbay para igiya ako kay mama na tumutulong sa pagluluto.

"Bakit ang aga mo naman ngayon? Akala ko ba mamaya pa ang uwi mo dahil may tatapusin kayo sa school?" aniya habang pinupunasan ang kamay sa airpron.

Kumuha ako ng isang piraso na karne para tikman. Ganun rin ang ginawa ni papa.

"Pinapauwi na po nila ako e," sagot ko.

Inalis ko ang pagakakakapit kay papa para tumabi kay mama na nakatalikod pa rin samin. Sinilip ko ang ulam na nililito niya habang nakatingin siya sakin.

"Sarap naman..." I commented.

Kumuha ako ng hindi gamit na kutsara para kumuha sana ng kahit konti pero pinigilan niya ang kamay ko. Tumawa ako doon at aalisin na sana habang nakatingin pa rin sa ulam pero hindi niya iyon binitawan. Instead, she pulled my hand para makalapit lalo saka binitawan, she then took my other arm kung saan ako napaso kanina. Binitawan niya ang palayok na hawak at humarap ng tuluyan.

Written in the Sands (valorous series #1)Where stories live. Discover now