BEGINNING

163 2 0
                                    




Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang napakahabang lagpas na linya sa papel dahil sa gulat nang kalampagin ni Kareem ang pintuan pagkapasok.

I was in the midst of outlining my drawing when suddenly, this woman! Interrupted me like a dumbass! Parang gusto kong mag wala sa inis, lalo pa't naiisip ko na patapos na  talaga ako.

Hinilot ko ang sentido at pumikit.

"Hindi ka ba marunong makaintindi ng salitang hindi?" mariin pero kontralado kong sabi.

I'm all stressed out and tired to even think about bursting my anger again. Kaya sa abot ng makakaya ko, pinakalma ko ang sarili kahit na positibo akong sasabog na ako ilang saglit na lang.

"Hindi naman ako ang nagtatanong e, sila Milo at Kuya. Milo sent me here to get you, sabi ko rin ayaw ko na pumunta pero pinipilit nila."

Matalim ko siyang tiningnan. Umirap lang siya sa ere.

Gusto kong ilaan ang oras ko para sakin lang muna ngayong araw pero nang mag imbita si Milo kagabi, hindi ko magawa ang plano ko. I wanted to shout at him for being stubborn, na kahit simpleng tanggi ko ayaw niya tanggapin. Na talagang ipipilit ang gusto. Nakakagulat nga at biglaaan, gayong isang araw lang busy kaming apat sa school tapos kagabi bigla biglang tumawag na magpapaparty daw.

But anyway, I want to focus on my work before everything. I want to be that 'productive', para naman wala na akong ibang gagawin mamaya kundi ang humilata na lang.

Tumayo ako para kumuha ng bagong papel. Napatingin ako sa kaibigan.

Kareem, on her brown dress and half ponytailed hair looks beautiful and ready to go. Nakahiga siya sa kama ko at nakataas ang dalawang kamay. Hawak ang cellphone at galit.

Habang nakayuko ako para kumuha ng papel. I heard an annoying shrill from her. Nang silipin ko siya, halos suntukin na niya ang mga unan ko.

"Ang kulit, kuya. Grabe! Siguro ng mag paulan ng kakulitan ang Dyos sinalo niya lahat!" Aniya.

Binato pa ang cellphone bago dumapa at ibagsak ang mukha sa unan ko.Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng papel at bumalik sa pwesto.

Hinawakan ko ang dalawang gilid ng swivel chair at inayos ang pwesto. Just when  I started drawing  again, my phone rang. Walang tingin ko itong inabot. But when I saw Milo's name walang sabi ko itong binaba  at pinatay, ngunit  hindi pa makakalahati ang segundo ng tawag niya muli na naman itong tumunog.


I canceled it again.


"Oh my, God!" dinig ko ang napakaraming dabog ni Kareem sa unan at pag ayos ng upo bago sagutin ang tumutunog rin na cellphone niya.

I sighed the forming grin.

Gusto ko tuloy matawa. I don't actually know what to react for her. Kung maawa ba ako o hindi dahil pinagkakaisahan siya ng dalawa. Alam kong para sakin talaga ang tawag nila, they just end up calling Kareem dahil naka Do not disturb na ako.

Mukha tuloy kawawa ang kaibigan ko sa kapatid niya. And to base everything from her curses and groans, halatang sasabog na. Habang ako, I remained to be completely unbothered and occupied from finishing my work.

"Jusko naman Milo! Sinabing hindi nga kami pupunta..."

Hindi ko na sila pinakielaman. Sinoot ko na lang ang earphones at nag focus. From choosing a good music to clicking the side button para lumakas ang pinapakinggan.

"Alam mo kung ibabase ko lang ang kakulitaan mo sa uod na nilagyan  ng asin, baka kanina pa kita pinatay." Kareem's voice started to fade away.

There, peace and quiet...

Written in the Sands (valorous series #1)Where stories live. Discover now