chapter eleven

118 2 0
                                    




"I told you, there's literally nothing else!" I uncrumpled the paper and stood up to show it to Kareem.

Binuklat ko ng maigi ang papel at hinarap sa kanya ang sulat na wala ng ibang nakalagay kundi, Hi baby!

Hinawakan niya ang dulo ng papel saka nilapit ng maigi ang mukha. Akala mo nanlalabo na ang mata habang binabasa ang nakasulat.

Bumuntong hininga ako.

There's really nothing else there, no name, no tag, and not a familiar handwriting! Just an ordinary scented paper na siguro'y cinut. The paper was effortly made, but the letter... ayaw ko na lang mag salita.

"Who the fuck gives a letter with only a 'Hi, baby'?" tinaas baba niya ang gitna at pangalawang daliri para idiin ang letter na akala mo naman sobrang haba.

I crumpled it again.

"Maybe a prank?" tinapon ko iyon sa bag ko at umupo.

"Ang effort niya namang bumili ng scented paper para sa prank."

I shrugged.

"Maybe that letter boy wants to give you a message using the scented paper?" theory ni Kareem na halos ikadiri at tawa niya na. Umirap ako.

"Who would give me a scented paper with a letter indicating a Hi baby? Edi sana nag chat na lang siya!"

"He's probably your admirer?" tawa niya.

Nginisian ko siya saka inirapan. An admirer who only gives a scented letter with a simple letter inside. Ang sweet niya naman pala. Lalo na at tinawag rin akong baby.

Hinila ni Kareem ang lamesa ng upuan ko at nilapit sa kanya. She bent a little to whisper pero binalingan niya muna saglit ang pwesti nila Myra.

"Anong ginagawa ng girlfriend ng walang kwentang ex mo dito? Paakyat palang nakita ko na silang sinusundan ka." sumbong niya na akala mo hindi ko alam na sinusundan ako.

"Oo alam ko."

Tumaas ang dalawang kilay niya at tumagilid ang ulo.

"Bakit? Anong meron?"

I shrugged. "Hinahanap sakin si Dion, akala niya kasama ko daw dahil nakikita akong kachat e hindi naman."

"Nag chachat kayo ni Dion?"

"Gago, hindi!" marahan kong tinulak ang noo niya. Bumalik rin agad siya sakin, nagtataka at nakaawang ang labi. Mukhang tanga.

"Eh bakit hinahanap sayo?"

Tinaas ko ang dalawang kamay. Lalong nag dikit ang kilay niya bago sumilip ulit sa pwesto nila Myra. Wala naman na sila doon pero ang isang 'to ay grabe kung sumilip.

After Kareem gave me the letter, they immediately left and went somewhere. Hindi ko alam kung dahil ba tiningnan ulit sila ng kaibigan ko o dahil sa biglang hiya nang nagsidatingan ang kaibigan ni Matt at nakatingin sa kanila ng nagtataka. They were all aware of what Myra did with my relationship with Dion before. Kaya hindi na maipagkakaila kung bakit ayaw ng halos iba sa kanya.

"Ewan ko nga, diba? Ang sabi niya sakin nakikita niya daw na kachat ko si Dion o ano kaya baka may alam ako kung saan siya."

"Bakit? Alam mo ba kung asaan siya?"

Umirap ako. Hindi ko alam kung tanga ba si Kareem o lutang lang talaga ngayon. Nakailang ulit na ako sa kanya at halos paikot ikot na rin ang sinasabi at tanong pero hindi niya pa rin makuha.

"Hindi ko nga alam, diba? Hindi ko naman kachat!" mariin kong sabi.

Ngumiwi siya lalo, nakagilid pa rin ang ulo.

Written in the Sands (valorous series #1)Where stories live. Discover now