Chapter 16

535 16 3
                                    

Chapter 16 

Feeling 

I really can't get over to what Renzo gave me. I don't know but I feel like this is the really special one kahit na nagbigay din naman yung mga kaibigan ko. I just really feel that this charm bracelet is the most special among them. 

The girls are already sleeping at umalis na din yung boys at ako na lang ang gising ngayon while Hannah and Raffy who is beside me is already sleeping. Nandito kami sa sala at naglatag lang ng mahihigaan para tabi tabi daw kami and they are all sleeping soundly while me still awake looking at my bracelet. 

"Weird," I whisper to myself while looking at my bracelet. It's weird because I really didn't expect that he will gave me something. 

"Anong weird?" Raffy ask beside me na nakatingin na sa'kin. I thought she's already sleeping. 

"Nothing." I said at tumango naman siya bago tumalikod sa'kin at hinarap si Zaira at niyakap pero nagulat na lang ako ng yakapin na lang din ako ni Hannah kaya napailing na lang ako hanggang sa makaramdam na lang ako ng antok kaya nakatulog na ako. 

I woke up nang maramdaman kong tumayo si Hannah na nasa tabi ko. 

"Sorry." she said at nagpeace sign sa'kin bago pumuntang comfort room kaya tumayo na lang ako dahil hindi naman na ako makakabalik sa pagtulog. I look at the three na tulog pa din. Tumingin naman ako sa oras at 9am pa lang naman at wala naman akong schedule ngayon bukod sa party ko mamaya pang hapon. 

I invited my sister but they just said na they will try dahil busy daw sila and I understand it. They greeted me naman so that was fine. 

"Good morning, birthday girl." Hannah said ng makalabas siya ng CR. I smile at her and greeted her back bago din pumasok sa CR to wash my face. 

Late na ako natulog kaya medyo halata yung eyebags sa mata ko pero sakto lang naman. When I go out nakita kong gising na din si Ate Chloe na binati na lang din ako at pumasok na sa kung saan ako lumabas. May CR din naman kasi sa kwarto ko bakit ayaw nila pumunta doon. Ang wala lang namang sariling comfort room is yung sa isang kwarto. 

Nakita kong tulog pa din si Zaira at Raffy na magkayakap pa kaya natawa na lang ako. I go to the kitchen seeing Hannah with her phone. 

"I already ordered food." she said at tumango naman ako doon at tumingin sa tinitingnan niya at natawa na lang ako ng makita kong picture nila ni Drake yun. 

"Miss mo?" I ask at sinamaan niya naman ako ng tingin. 

I just get some water at uminom na at nagtaka naman ako na bigla siyang umalis ng kitchen kaya sinundan ko naman and nakita ko kung paano niya daganan si Raffy at Zaira na magkayakap kaya natawa na lang ako but on cue Ate Chloe appear kaya nakisama na din. 

"Ano ba naman yan 'e!" rinig kong reklamo ni Raffy at nakita ko pa kung paano umaray yung dalawa kaya nilapag ko muna yung baso ng tubig at nakisama sa kanila na ikinatawa naman nila Hannah habang yung dalawa nagrereklamo na. 

"Nakisama ka pa talaga, Irene Mae!" sigaw ni Zaira kaya natawa na lang ako bago umalis sa pagkakadagan sa kanila at ganun din naman sila Ate Chloe. 

Tawa pa din ng tawa sila Hannah kaya nadadamay ako dahil sa itsura nung dalawang kakagising lang. Si Raffy na magulo ng yung buhok at si Zaira naman na lukot lukot na yung suot na pantulog. 

"May araw din kayong tatlo sa'kin." Zaira said with her serious voice at mabilis na pumasok ng kwarto ko. 

"Lagot kayo." Raffy said at tumayo na din. 

Nagsisihan yung dalawang may pakana at ang matindi sa huli ako pa ang nasisi ang gagaling talaga! 

"Bakit ako?" I ask them. 

Be With Me Then (Then Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon