'Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim.' Bilang ko sa aking isip habang iginagalaw ang damit kong suot.

"Anim na hickeys para sa umaga ni Jazzie Zamora," I said and shook my head with disbelief.

Sa halip na intindihin iyon ay naghilamos na lang ako at nagsipilyo.

Pagkatapos ng langit, impyerno naman.

Sakto namang tumunog ang telepono ko nang lumabas ako ng banyo. Mabagal akong naglakad patungo sa bedside table at sinagot ang tawag nang nakita ang pangalan ni Azy sa screen.

"Good morning maganda kong modelo!" masiglang bati niya sa akin.

I rolled my eyes and gently sat on my bed. Namula pa ang mukha ko nang napansin ang pulang marka ro'n.

"Ang aga mo namang maghanap ng chismis," sarkastiko kong sambit.

He chuckled on the line. "Aba, ako 'ata ang bestfriend mo kaya dapat lang na ako ang makaalam ng lahat," aniya.

Napahinga ako nang malalim at napahilot sa 'king sintido. "What happened on the shoot?" I asked.

"Hmm. 'Ayon, nag-demand ng second photoshoot si Mr. Chaos. Sorry nga pala, Jazzie. Hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Hindi mo rin naman kasi ipinaalam sa akin na asawa mo pala ang isa sa sikat na negosyante rito sa Pilipinas," mahabang lintanya niya.

'Pati sa ibang bansa.' Pagtatama ko sa 'king isip.

"It's okay. I'm at fault too." I sighed deeply then bit my lower lip. "The media... they are... not informed about the news?" patigil-tigil kong usal.

"Mr. Chaos handled the people involved at the scene. Pasalamat ka na lang at halos mga tauhan niya ang naroon, ang iba naman ay 'ayon, nadaan sa chaching!" he narrated.

Nangunot ang noo ko sa sinabi ng manager ko. Why would he do that?

"So... kailan kayo ikinasal? Grabe, pinaglihiman mo talaga ako," nagtatampong wika ni Azy.

I shook my head and flashed a small smile. "Kakatatlong taon lang namin no'ng nakaraang linggo," tugon ko.

He shrieked on the line. "Kaya pala pina-clear mo ang schedule mo, taray beks. May oras sa pagpapadilig," panunuya niya.

My face automatically heated. Sa halip na malungkot dahil hindi naman iyon ang nangyari ay natabunan ng hiya ang sistema ko dahil sa ginawa namin ni Valjerome kagabi.

"Tumigil ka, Azy Angelo," banta ko.

He dramatically gasped. "Ang pangit mong ka-bonding, Jazzie!" maktol niya.

Mahina akong natawa, agad ko iyong pinagsisihan nang kumirot ang pagkababae ko. Damn!

"By the way, continue ba shoots natin sa sunod na mga araw?" alanganin niyang usisa.

I sighed then scanned myself. "Isang linggo muna siguro akong mamamahinga. May mga bagay lang ako na kailangang ayusin."

Kailangan kong pahupain ang mga chikinini ko!

"Okay, I will clear your schedule. Keep safe always," he stated. "Ahmm, Jazzie?" dagdag niya.

I just hummed in response.

"Ghorl, kapag ayaw mo na sa asawa mo. I-donate mo na lang sa akin, beks, ah?" aniya at bumingisngis ng tawa.

I facepalmed out of embarrassment. "Last time I checked, you like girls," I spoke.

"Nagbago na isip ko. Mas gusto kong ako ang pinapasukan." Malakas siyang humalakhak pagtapos.

"Oh my ghad, your mouth. Azy!" I exclaimed in horror. He continued laughing as if he could see my reaction.

"I'm ending this call now, baka kung ano pang marinig ko sa 'yo," I said and ended the call.

I shook my head with disbelief as I put my phone back on the bedside table.

Who said that I will donate my husband?

As if on cue, I heard a knock on the door then Valjerome entered.

"You're done?" kaswal kong tanong kahit pa naroon ang ilang sa sistema ko.

He gave me a small smile then walked towards to me. Naupo siya sa gilid ko at ipinulupot ang kanyang kamay sa aking bewang.

"I decided to book a restaurant," he murmured as he buried his face against my neck.

Natulos naman ako sa pagkakaupo. Hindi malaman kung dahil sa pagkain namin sa labas o dahil sa inaakto niya ngayon.

"Val..." I called and bit my lower lip.

"Yes?" paos na tawag niya at saka ako tiningala.

I inhaled deeply and stared at his eyes. "Why are you like this?" matapang na tanong ko kahit kumakabog ang dibdib ko sa kaba. "I mean... we're not like this, you know," I reminded.

Tinitigan niya lang ako hanggang sa unti-unti siyang humilaway sa akin. Hindi nakatakas sa akin ang dalawang beses niyang paglunok. Akala ko ay bibigyan niya ako nang malinaw na sagot ngunit nagkamali ako dahil iniba niya ang usapin.

"Want to go to the company with me?"

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now