Chapter 17

1.9K 160 6
                                    



Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko nalang muna pinansin si Aniela dahil nakatalukbong ito ng kumot.

Nagluto nalang ako ng umagahan at hinanda ang mga damit ko na gagamitin para sa araw na ito.

Lumingon ulit ako sa higaan nya. Ba't parang hindi yata sya gumagalaw?

Tahimik akong lumuhod sa gilid ng higaan nya. Dahan dahan kong hinila ang kumot paalis sa mukha nya.

My breath hitched when I came to see her piercing eyes looking at me.

"K-kanina ka pa gising?"- alanganin na tanong ko.

"I heard everything from the moment you got up from your bed."- she muttered.

Napakamot ako sa ulo ko at ngumiti. Hindi ko pinansin ang nakakatakot nyang tingin.

"Kumain na tayo. Aalis kasi ako mamaya e. Mag aapply na ako."- sabi ko at tumayo na.

"Mauna ka na. Hindi ako gutom."

May gusto pa sana akong sabihin pero paglingon ko nakatalikod na sya ng higa. Nakaharap na duon sa dingding.

Sa huli kumain nalang nga ako mag isa. Tinakpan ko nalang ang tira para sa kanya.

Naligo na din ako pagkatapos at nagbihis. Nagdadalawang isip pa ako kung itatali ko ba ang buhok ko o hindi na. Pero sa huli mas pinili ko nalang na itali. Panigurado kasi mainit sa labas mamaya.

"Kumain kana lang ha. Aalis na ako."- paalam ko.

Sinarado ko na ang pinto at bumaba na. Oo nasa second floor kasi kami.

"Saan ang punta mo?"- si nanay Brenda na nagdidilig ng halaman nya.

"Mag aapply na po ako."

"Mag iingat ka. Sana matanggap ka."- nakangiting sabi nya.

"Salamat po. Ah, saka nga po pala nay.."

"Ano iyon?"

Nilingon ko naman ang second floor.

"Kayo na po muna bahala kay Aniela ha?"

"Oo naman. Hindi ko iyon palalabasin at baka maligaw dito."

Umalis na ako at pumara ng tricycle. Tumungo ako sa unang kompanya na nakita kong hiring sa internet.

White long sleeves at black pencil skirt ang suot ko na pinaresan ko ng black flats. Hindi na ako nagtakong dahil hindi ko naman na iyon kailangan pa.

Binati ako ng guard at pinapasok na sa loob. For sure hindi lang ako ang applicant dahil pagdating ko sa lugar ng pag iinterviewhan ay may mga nauna na sa akin sa pila.

I already got my number and I've already submitted my resumé.

Siguro mga 1 hr lang akong nag intay bago ko narinig ang pagtawag sa akin.

Kinakabahan ako pero wala ng atrasan to. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa pintong binuksan nuong babaeng employee.

**********

Kumain na muna ako sa labas sa nakitang kong karinderya. Gutom na kasi ako e at kung pipigilan ko ang gutom ko, ako lang din yung mahihilo.

Natigil ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti naman ako ng makita na si bebang ang tumatawag.

"Hello, Brie?"

"Hay salamat naman sumagot ka!"

"Why?"

"Nothing. I just want to check if you're still alive or not."- sagot nya na sinundan ng tawa.

"Buhay pa naman ako. Ikaw kamusta ka dyan?"

The Angel's Portrait ✔Where stories live. Discover now