Chapter 11

2.2K 205 8
                                    



I woke up when the cold wind blew on my skin.

Napabalikwas ako mula sa pagkakasandal ko sa isang puno. Sobrang madilim na ang paligid at hindi ko alam kung na saan parte ako ng gubat.

Kinusot ko ang aking mga mata para maka pag adjust sa dilim pero wala talaga akong makita bukod sa kalangitan na puro bituin.

I decided to get up. I groaned and held my waist.

Ilang oras na ba akong nakaupo at nakasandal sa puno? And where is Aniela?

Kinapa ko ang bulsa ko para sana mag ilaw pero napapadyak na lamang ako sa lupa dahil wala akong makapa na cellphone.

I probably left it in the car.

Napalingon ako sa kabilang banda ng makarinig ako ng tunog ng nabaling sanga. Kasunod nuon ang pagtunog ng mga tuyong dahon.

Ginapangan agad ako ng kaba. Baka kasi wild animal pala ito or worst masamang tao.

Hindi naman ako matatakutin pero kapag usapan dilim na at wala na talaga akong makita samot saring imahinasyon na ang tumatakbo sa isip ko.

May killer ba?!

Mamamatay na ba ako dito sa gubat?!

Muling may tumunog at sa tingin ko ay medyo malapit na iyon sa pwesto ko.

Dahil nadin yata sa adrenaline rush ay napasunod ko ang katawan kong tumakbo palayo kahit wala akong makita.

Hindi ko man nakikita pero ramdam ko..

Ramdam ko na may nakamasid at nakasunod sa akin.

"Ouch! Lintek na!"- I groaned in pain when my foot got stuck on something I don't know.

Mabilis na hinila ko ang paa ko at tinanggal ang baging na nakapulupot duon.

Muli akong tumayo pero halos mahigit ko ang hininga ko ng makaramdam ako ng kamay sa balikat ko.

Kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin ay syang paglapit nang kung sino sa likuran ko.

We're in  close proximity and I find it weird because my nervousness is starting to vanish.

"It's me."

I closed my eyes when I heard that voice. Dahan dahan akong humarap sa kanya.

"I--"

I cut her off by hugging her. I buried my face in her neck to hide my 'about to cry' face.

"Hey,"- she said, and tapped my back."What's wrong?"

"Why are we here?" -I blurted out, fully ignoring her question.

"You lost consciousness while we were flying. I left you to finish my unfinished business with those guys."

So hindi pala panaginip yon?

Totoong lumipad kami?

I pull away and push her in a gentle way.

"What did you do to them?" -I asked instead. brushing off what's running through my mind.

"They can't bother us anymore. Come on, let's go home."

Hindi nya sinagot ang tanong ko. Tumalikod na sya sa akin at hindi manlang ako inintay.

"Aniela! It's freaking dark! I can't see anything!"- I snorted before walking after her.

Naramdaman ko naman ang paghila nya sa akin. She held my hand. I don't know if it's my hand that is cold or hers.

Sumulyap sya sakin. Napatigil naman ako ng makita ko na naman ang puti nyang mga mata.

The Angel's Portrait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon