Chapter 5

2.8K 223 7
                                    

"Aria Isabel Saroza!  Care to explain to me what that gorgeous lady is doing here?" - palatak ni bebang habang nakasunod sa akin dito sa kusina.

Nagulat din kasi sya pagkababa nya na makita na may kausap ako sa sala.

"And why is she wearing your robe? Friend mo ba yan? Taga dito ba yan? Alam ba ng magulang nya na nag sleep ---"

"Abriella!"- saway ko sa kanya.

Ang ingay ingay kasi nya ang aga aga. Dapat pala hindi muna sya nagising para walang maingay sakin ngayon.

"Just answer me. I'm just making sure that we are safe here."- nakangusong sabi nya at inagaw sa akin yung mug.

Sya na ang nagtimpla ng inumin nya.

"She's Aniela."

"Wow, first name basis?"

Napairap naman ako at humalukipkip.

"Iyon lang sinabi nya e."

Mabilis naman syang humarap sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata.

"Taga saan ba talaga yon? Imposible naman na naligaw yon. Saka ano kayang sabon gamit nya? Ang kinis nya e."

Napailing nalang ako at napabuntong hininga. Tinalikuran ko sya at bumalik na ako sa sala. Kung saan nanduon ang babaeng pinag uusapan namin kanina lang.

Nakaupo pa din ito at nakatingin sa mug na nasa harapan nya.

"Iniinom kasi yan hindi tinititigan."- sabi ko at tinaasan sya ng kilay ng lingunin nya ako.

"Hindi ko gusto ang lasa."

"Ang sarap kaya ng Milo." - may himig pa anyayang sabi ko. Pero nanatili lamang syang nakatingin sa akin.

"Ayaw mo? Edi don't!"

Dinampot ko yung mug at ako na mismo ang uminom duon pero natigilan din ako ng makita kong unti unting sumilay ang ngiti sa manipis at mapink nyang labi.

"Ba't--"

"Your friend..." she trailed off, looking behind my back.

Nilingon ko naman si bebang . Ayun nga, bigla itong tumalikod at bumalik sa loob ng kusina nang makita na tinignan namin sya.

"Halika na."

"Saan?"

"Basta sumunod ka sakin. Marunong ka naman sigurong umakyat ng hagdan no?"

Hindi pa sya sumasagot at tumatayo pero hinila ko na sya.

Her skin was so smooth. Tama si bebang. Ang kinis nga. Ano nga kayang sabon nya?

Pumanhik na kami sa taas para magpunta sa kwarto ko.

"Aria?"

Nahinto lang din kami dahil sa boses ni Bebang na dala ang mug nya , salubong ang din ang kilay nito na nakatanaw sa amin.

"She needs to change. Bilisan mo dyan bebang at ihahatid natin to sa pamilihan. Baka nandun lang to nakatira."- sabi ko at nagpatuloy na.

Narinig ko pa ang pagkayamot nya dahil sa tinawag ko syang bebang sa harap ni Aniela.

"Hindi ka ba na rape?"

"Rape? Ano yon?"

"Ginahasa."

Binuksan ko ang kwarto ko at hinila sya papasok. Ayaw pa kasi pumasok e. Akala mo naman papatayin ko sya.

"Bago sa akin ang salita na yan."

"Ha?"

"Hindi ko naman narinig yan sa kanila."

Natigil ako sa paghahanap ng damit dahil sa sinabi nya.

The Angel's Portrait ✔Where stories live. Discover now