Chapter 16

1.9K 161 4
                                    





"I'm dying,"- she sighed. "I'm dying right now, Aria."

I clenched my hands on the steering wheel and took a glance at her sleeping form on the passenger seat.

Nagbabyahe na kami ngayon pabalik ng Manila pero yung isip ko hindi pa din maka move on duon sa sinabi nya sa akin kahapon.

Maaga kaming umalis ng San Martin. Ayaw ko kasi na gabihin kami e. Nagpaalam din ako kina nanay Edna at tatay Lando at sabi naman nila sila na ang bahala na magbantay sa bahay.

Yung portrait.. Tinakluban ko nalang maigi ng kurtina para naman hindi na madumihan. Babalikan ko na lamang iyon kapag may bahay na akong nakuha sa syudad. Para duon kona ilalagay.

And about Aniela.. I decided to take her with me so that I could look after her. Mahirap na iwanan ko sya duon baka kung ano ang mangyari sa kanya. Kargo pa ng konsensya ko.

Kahit naman kasi sa konting panahon na nakasama ko sya masasabi ko na mabait sya at naging parte na din sya ng araw araw ko. Nakakalungkot naman kung bigla nalang syang mawala.

Like what I said yesterday, she's like an older sister to me. I may not have a real family to make me feel safe, but with her I felt safe.

Thankful ako sa pagsagip at pagprotekta nya sa akin. Pero nakakalungkot lang kasi hindi ko alam kung hanggang saan at kailan nya magagawa iyon.

Sa napapansin ko kasi palagi nalang syang nanghihina. Hindi ko na sya nakitang masigla pa.

Sana nga lumakas na ulit sya para naman maigala ko sya sa syudad. Para maranasan naman nya kung paano at ano ang ginagawa ng mga normal na tao.

Huminto kami sa harap ng bahay ni nanay Brenda. Na text ko na kasi si Erica na babalik ako at may kasama ako.

Oo tama kayo. Dito ulit ako mangungupahan hanggang sa makaipon ako at makabili ng sariling bahay.

Ang hirap kasi kung walang sariling bahay dito sa syudad. Mauubos ang pera mo kakabayad sa kung saan imbes na naiipon mo.

Pinatay ko ang makina at tinanggal ang seatbelt ko. Tinapik ko naman ng mahina ang balikat ni Aniela.

"Gising ka na. Nandito na tayo."

Lumabas na ako ng sasakyan ng buksan nya ang mga mata nya.

"Ate Isabel!"- sigaw ni Erica at tumakbo palapit sa akin. Kasunod nya si nanay Brenda.

"Oy tumangkad ka yata."- sabi ko at ginulo ang buhok nya.

"Mas matangkad ka pa din."- sagot nya at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.

"Nay"- bati ko at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos. Mabuti naman at nagbalik ka. Na miss ka namin."- nakangiting sabi nya.

"Syempre naman po."

Bumukas ang pinto sa passenger seat at sabay sabay kaming lumingon sa bumaba.

"Wow"- bulong ni Erica.

"Ke gandang bata. Sino sya anak?"

"Nay, Erica, siya po si Aniela. Kaibigan ko po na taga San Martin. Aniela, sila sina Nanay Brenda at Erica at sila ang may ari ng bahay na tutuluyan natin pansamantala."

I thought Aniela wasn't in the mood to talk, but she genuinely smiled at them.

"Magandang araw po sa inyo."

"Magandang araw din sa iyo."- si nanay.

"Hello po ate."- si Erica naman na ang lapad ng ngiti.

Tinapik naman sya ni nanay Brenda.

"Bakit po?"

"Tulungan mo ang ate Isabel mo magpasok ng gamit."- si nanay na lumapit na kay Aniela.

Sabay silang pumasok ni Aniela sa loob.

"Hala si nanay ang daya!"- si Erica na ikinangiti ko nalang.

"Dali na tulungan mo na ako."- sabi ko nalang at binuksan na ang compartment.

*********

"Dito na kayo tumuloy. Mas maluwag ito kumpara duon sa dati mong kwarto Isabel."

Oo malaki nga at maluwag. For two person talaga dahil may double deck din duon.

"Pero nay--"

"Kung nag aalala ka sa bayad wag ka na mag alala. Hindi naman ako malaki maningil at alam mo yan anak."

"Salamat po."- nahihiyang sabi ko.

"Hindi ka na iba sa akin. O sya, lalabas na ako. Iyan kaibigan mo tignan mo kung maayos na ba ang pakiramdam. Napansin ko kasi kanina pa na para syang nanghihina pero sabi nya wala naman syang sakit."

Nilingon ko saglit si Aniela na nakaupo at nakatalikod sa amin.

"Ahm sige po nay. Salamat po ulit."

Sinarado ko na ang pinto ng makaalis na si nanay. Hinubad ko ang jacket ko at sinabit sa likod ng pinto. May pako kasi duon.

I went to her and tapped her shoulder.

"Are you okay? Komportable ka ba dito?"

"Yeah."- iyon lang ang sagot nya. Akala ko nga may kasunod pa e pero wala na.

"Gusto mo bang magpahinga? Ihahanda ko na ang higaan mo."

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya kaya nagkibit balikat na lamang ako at inayos na ang double deck. May kutson na kasi duon at may mga bago na din na bed sheet at mga unan inayos ko nalang sila ng salansan.

"Ako na sa taas. Dito ka na sa baba."

Iniisip ko kasi na kapag nakaramdam sya ng sakit pwede syang makababa agad ng higaan hindi na yung dadaan pa sya sa hagdan.

"Salamat."- mahinang sabi nya at ngumiti sa akin.

Ngumiti nalang din ako at inayos na ang mga gamit namin para mailagay sa loob ng closet.

"Let me help you."- she muttered.

"Magpahinga ka nalang. Kaya ko na to."

"I'm not sick, Aria. And could you please stop treating me like I'm weak. I kinda hate it"- she muttered, annoyed.

Wow. Totoo ba ito?

She's showing emotions for the first time?

"Mukha ka naman kasing mahi--- OUCH ANO BA?!"

Nanlaki lang ang mga mata ko dahil sa higpit ng hawak nya sa palapulsuhan ko.

"ANIELA, MASAKIT! BITAWAN MO NGA AKO!"

"I'm still not putting too much pressure on it."- parang wala lang na sabi nya.

Kalmado sya pero ako naiiyak na ako sa sakit.

Binitawan naman nya ako at ngumiti sya sa akin. Yung ngiti nyang maamo.

"See? I may look weak, but I can still break your bones if I want to."

Huminga ako ng malalim at hinimas ang wrist ko.

Masakit kasi.

"I'm sorry."- she said and snatched my hand from my hold.

Ilang minuto nya din iyon hinawakan hanggang sa maramdaman ko na wala ng masakit. At hindi na din mapula ang balat ko.

"Tara mag ayos na tayo ng gamit."

Napailing nalang ako.

"Weird" - I thought.

"I can hear you."- she replied, and chuckled when she saw my mouth agape.

The Angel's Portrait ✔Where stories live. Discover now